Kapitulo 2

7 0 0
                                    


Ulan

'Tatlong siglo na ang nakalipas at ang mga palatandaan ng iyong wagas na pagmamahal ay unti-unti nang kumukupas. Walang araw na nagdaan ang aking pinapalagpas upang bisitahin ang nakaraan, kung saan ang mga ala-ala ko sayo'y nabubuhay pa at pinagharian ng mga matatamis mong ngiti. Lulan ko sa aking pagpanaw ang pangakong iyong binitiwan, ang pagmamahalang hindi mahahadlangan maging ng kamatayan.'


*kkkkkrrrshshsshsh!!!* Nagising si Thalia mula sa isang masamang panaginip gawa ng mga nabasag na kagamitan at mga nagsipaglalagang kahon sa kanyang paligid dahil sa sobrang gulat. Na sinundan naman ito ng nakaririnding bangayan ng mga bago niyang kapit bahay.

Kakalipat lamang ni Thalia ng inuupahang bahay at mistulang siya'y nakatulog habang nagaayos ng kanyang mga kagamitan. Bagamat malayo ng kaunti sa kanyang pinapasukang trabaho ang kasalukuyang tirahan, maganda naman ang lugar at ligtas ang paligid nito maliban na lamang sa ingay na ginagawa ng kanyang kapitbahay.

Habang nag-aayos ng sarili bago simulan ulit ang pagsasaayos ng kangyang mga kagamitan, inaalala ni Thalia ang kanyang napanaginipan ngunit walang sumasagi sa kanyang isipan kung ano ito. Pakiramdam niya ay mayroon siyang importanteng bagay na nakakalimutan at mahalagang maalala niya ang panaginip niyang iyon. Di nagtagal ay inumpisahan niya na rin na alisin sa pagkakaimpake ang kanyang mga kagamitan at kanya ng nakalimutan ang tungkol sa kanyang panaginip sa paglipas ng oras.

Lagpas tanghali na ng matapos niyang maisaayos ang lahat ng kanyang mga bagahe na siya ding pagkaramdam niya ng gutom. At dahil wala pang nabibiling lulutuin napagdesisyunan niyang magpahatid ng pizza. 

Sa sobrang pagod ay napahiga siya sa sahig at tumingala sa kisame. Nagiisip ng kung anu-ano habang hinihintay ang pagkain, pinapansin kung ano ang mga kulang sa bahay at kinakailangang palitan nang biglang nagsimula nanamang magbangayan ang kanyang mga kapitbahay. 

'Ano?! aalis ka nanaman? iiwanan mo nanaman kami? malaki na ang anak natin Ruel! kailan ka ba tutubuan ng bayag para panagutan kami ah?!'

'Bakit?! hindi pa ba sapat na dinadalaw ko ang anak ko? sinusustentohan naman kita ah! kulang pa ba ang perang binibigay ko sayo??? oh ayan! lamunin mo!'

'Hindi ko kailangan ng pera mo ruel alam mo yan! ikaw ang kailangan ko! kailangan ka ng anak mo! bakit ba hindi nalang ako ang mahalin mo? bakit siya pa eh hindi ka nga mabigyan bigyan ng anak ng malanding babaeng yon!'

'Tumigil ka kung ayaw mong masaktan!'

'Totoo naman ang sinasabi ko diba? at ano? isang tawag niya lang nababahag na agad ang buntot mo? baka nakakalimutan mong pinagpalit ka din niya sa iba!'

*blaaaaags!*

Hindi niya ugaling makiusyoso at makielam sa away pamilya ng ibang tao . Napapaisip siya tungkol sa kanilang mga pinagtataluhan na malamang ay alam na lahat ng mga tao sa kanilang paligid ang nangyari sa buong buhay ng mga ito na parang isang teledrama dahil sa sobrang lakas ng kanilang mga boses. At mukhang ito na ang bubungad sa kanya araw araw. 

Sa kanyang pagkainip sa paghihintay at hindi magandang usapan na kanyang nadidinig. kinuha niya ang isang kahong isinantabi niya at nilibas ang record player  na iniregalo sa kanya ng kanyang yumaong lola. 

Kumuha siya ng isang record at nagpatugtog ng classical music. Di nagtagal ay dumating na rin ang hinihintay na pagkain at kayang pinagbuksan ito. habang inaabot ni Thalia ang bayad sa delivery boy, padabog na lumabas ang isang lalaki sa katabing bahay na ikinagulat nila. Kasunod nito ang isang babae na balot ng pasa sa katawan, magulo ang buhok at di nasa ayos ang damit. Nagsilabasan namang ang mga ibang katabing nangungupahan upang alamin kung ano ang nangyari na ikinagalit na babae at pinagmumura silang lahat bago ito pumasok sa kanyang bahay. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAHONWhere stories live. Discover now