Kapitulo 1

29 1 1
                                    


Bukang liwayway



Hating gabi na ng makauwi si Thalia sa kanyang apartment galing trabaho. Nadatnan niya ang mga tumpok ng kahon na nakaharang sa kanyang daraanan. May bagong lipat sa katabi niyang unit pero mukhang hindi pa nito naipapasok ang mga kagamitan niyang dala.

Napansin ni Thalia na bahagyan nakabukas ang pintuan ng unit nito kaya minabuti niyang kumatok pantawag ng pansin, pero walang sumasagot. Nang muli siyang kumatok, nakaramdam siya ng kaunting kilabot na kanya na lamang ipinagsawalang bahala dahil baka gawa lang ito ng pagod na kanyang naaramdaman.

"Excuse me.... Tao po?" Aniya ng muli siyang kumatok at tanging nakakabinging katahimakan parin sumasagot sa kanya.

Nang walang marinig na tugon mula sa may-ari ng mga kahong nakabalandra sa daanan, hindi na siya nagpumilit pa. Itinabi niya na lamang ang iilan rito at tumuloy na sa sarili niyang unit.

Bandang alas dos ng madaling araw, nakarinig si Thalia ng kalabog sa katabing unit. Inakala niyang gawa lang ito ng bago niyang kapitbahay kaya minabuti niyang matulog na lang. Subalit pagkalipas ng isang oras, hindi pa rin siya makatulog kahit pagod siya at gusto ng pumikit ng kanyang mga mata.

Dahil walang magawa, naisipan niyang magpahangin sa labas kasama ang isang pakete ng sigarilyo.

Habang siya'y nagpapakalunod sa usok na gawa ng sinindihan sigarilyo, napansin niyang lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at sombrero.

"Hi... Ikaw ba yung bagong lipat? Ako nga pala si-----" hindi na naituloy ni Thalia ang sasabihin dahil biglaang umalis ang lalaki. Hindi rin niya ito namukhaan dahil nakatungo ang kanyang ulo.

Nang Kanyang mapansin ang kakaiba nitong kilos, naalala niya ang hindi pangkaraniwang kalabog na narinig niya kanina. Napatingin si Thalia sa siwang ng pintuan ng katabing unit at napukaw ang kanyang atensyon ng nagpapatay-sinding ilaw sa loob nito. Noong una ay, kumatok siya sa pinto, ng wala paring sumagot, napagpasyahan niya ng pumasok. Agad siyang nakarinig ng isang ungol sa may bandang kusina kaya nagmadali siyang pumaroon.

Tumambad sa kanya ang halos wala ng malay na lalaking nakahandusay sa sahig, hubo't hubad at puno ng sugat at latay ang buo nitong katawan. Halos hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Thalia dahil sa nasaksihan na sinamahan pa ng sobrang hinang ingay na ginagawa ng lalaki na tila ba'y nagsusumigaw sa paghingi ng tulong.

Nang matauhan, agad na dinukot ni Thalia ang kanyang telepono sa bulsa at tumawag ng pulis at ambulansiya. Nang matapos ang tawag unti-unti ng nagdidilim ang paningin ng lalaki at magsasara n asana ang kanyang mga mata ng napasigaw si Thalia.

"W-wag kang bibitaw! parating na ang tulong, konting tiis lang!" Ani ni Thalia na paroo't parito sa loob ng kusina habang palingon-lingon sa pintuan ng unit na iyon.

Halos madurog naman ang kanyang puso habang pinipilit ng lalaking sumagot kasabay ng pag-agos ng mga luha nito.

Kung anuman ang kasalanan ng taong ito, alam kong hindi siya deserving para sa ganitong parusa. Napagisip-isip ni Thalia.

Makalipas ang ilang sandali, dumating angpulisya kasabay ng ambulansya at dahan dahang inilipat ang lalaki sa stretcherat ipinasok sa loob ng saksakyan. 

Sumunod na araw, inimbitahan sa presinto si Thalia para sagutin ang ilang mga katanungan at para magbigay narin ng kanyang pahayag patungkol sa nangyari.

Habang pauwi sa apartment niya, hindi maiwasan ni Thalia'ng bahain ng samutsaring katanungan ang kanyang isipan. Gusto mang kalimutan nalang, pilit pa ring sumasagi sa kanyang isipan na kung sakaling siya ang nasa kalagayan ng taong iyon, may tutulong din kaya sa kanya? Sa sobrang daming nangyayari sa mundo, hindi ka na magugulat sa kung ano ang susunod na bubulaga sayo. 

Sa kanyang pagmumunimuni, Natagpuan niyang ang kanyang sarili na nakatayo sa tapat ng kanilang building. Pinagmamasdan niya ang estraktura nito. Lumang luma na at kahit anong oras ay pwede itong gumuho o matupok ng apoy. Sa ilang taon niyang paninirahan dito, marami ng masasamang bagay ang naganap sa buong paligid ng apartamento, mapasaloob man o labas. At sa lahat ng nangupahan, siya lang nagtagal ng pinakamahaba. 

Multo, misteryo, halimaw, demonyo, murder, homicide at pagnanakaw... hinakot na ata lahat ng lugar na ito. aniya sa kanyang isipan at tumuloy na sa kanyang unit. Dahil sa mga krimeng ito maraming tsismis ang naglipana patungkol sa mga nagsipaganapan sa loob ng building.

Pagkarating niya sa pangalawang palapag, wala na ang mga kahon at ang tanging natira na lamang ay ang isang litratong bahagyang nakaipit sa ilalim ng pintuan ng kanyang bagong kapitbahay. Litrato ng dalawang lalaki na magkaakbay at makikita mong napakasaya nilang dalawa habang binabalandra ang kanilang kaliwang kamay sa kamera. 

Nakasuot ng puting sumbrero ang isa at ang isa naman ay itim. Habang pinagmamasdan ang litrato, may kung anong bagay siyang nararamdaman mula rito na hindi niya maipaliwanag. Isang bagay na alam niyang hindi pamilyar sa buhay niya. 

Kumuha siya ng isang sigarilyo at sinindihan ito, panay hithit at buga niya ng usok habang nakatanaw sa malayo. hanggang sa nahagip ng kanyang paningin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at sumbrero na nakatanaw sa kanyang kinaroroonan. Ikinaalarma niya ito pero napawi ang kanyang nararamdaman ng mamukhaan niya ang suot nitong sumbrero. Napatingin siya sa hawak na litrato, pansin niya ang pagkakahawig ng sumbrerong suot ng lalaking nasa litrato, maliban nalamang sa, lumang luma na ang suot ng lalaking nakikita niya ngayon.

Sa puntong iyon, nagkaroon siya ng konklusyon sa tunay na storya na hindi niya na inungkat pa. Ilang saglit din naman ay umalis na rin ang lalaki at naiwan naman siyang nalulunod sa kanyang mga iniisip sa kinatatayuan. At kasabay ng pagbuga niya ng usok ay siya ring hudyat ng kanyang napagpasyahan.

"Kailangan ko ng maglipat ng bahay," Walang anu ano'y wika ni Thalia sa sarili at inipit sa gilid ng pintuan ang litrato kung saan niya ito napulot bago pumasok sa sarili niyang unit.


Black Meadows.

KAHONWhere stories live. Discover now