Naglalakbay na ang kaluluwa.

4 0 2
                                    

mga sis may problema ba ang friend natin?

Ha!sino?

Doktora Morales,napapansin kolang kasi si Doktora Aurene bakit parang nagsasalita mag isa.

Ha!baka nababaliw na..

Ano ba kayong dalawa..Kausapin nalang natin para malaman natin kung ano ang problema nya.

Napansin ng tatlo ang kaibigan nilang matalik.at ito ay kanilang nilapitan.

Hi!Ms.Aurene Reolanda..Mukhang nag iisa ka dyan.

Ah! hindi may kausap ako heto si...asan na sya?

Sino?sabi ng tatlo at nagtataka sa kinikilos ng kanilang kaibigan.Wala kana mang kasama diyan.Kanina kapa namin nakikitang nagsasalita mag-isa.Natakot ang tatlo at iniwanan ang kaibigan. At doon nila napag alaman na naaksidente na si Aurene. Isang sa mga kaibigan pa nila ang nagbalita sa tatlo. Nang malaman ng tatlo.  Kinilabutan sila. Dahil ang nakita nila at kinausap at isa na palang kaluluw. Sa sobrang takot ng tatlo. Dinalaw nila ang kaibigan sa hospital. At soon nakita nila na walang Malay ang dalaga. Napa iyak ang tatlo. Nag alay sila ng panalangin. At kinausap ang kaibigan
"Bumangon kana diyan  Aurene. Marami pa tayong pupuntahan na mga bata. Naghihintay sila sa iyo. "
Umiiyak na sabi ng kaibigan.

Sa Hardin,nagkita ang dalawang kaluluwa.
Isang lingo pa ang lumipas .Halos araw araw  nagkakausap  ang kaluluwa ni Dok Aurene At ang kaluluwa ni dok Marquez. Sa hindi pa sila nagkikita minsan. Kaya hindi alam ni Aurene na ang lalaking kausap nya ang lalaking dapat niyang makilala.

Kamusta?

Ay ikaw pala bigla bigla ka namang nasulpot.

Nagulat ba kita?pasensya na.Totoo bang nakikita mo ako?

Ano bang klaseng tanong yan?Oo naman .  Ako ba nakikita  mo rin ba?tanong ni dalaga sa kausap.

Oo naman.sagot ng binata.

Teka halos mag-iisang linggo munang suot ang damit mong iyan?Wala kabang ibang damit? Tanong ni Aurene.

Ikaw din naman..sagot ng binata.

Marami.paborito ko kasi ang ganitong terno.sagot ng binata.

Ah! Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Ayun sila.teka lang ha.
At nilapitan nga nila ang mga kaibigan

Sabay naglakad ang dalawa.

Teka wag muna kaya akong ipakilala.baka matakot sila.sagot ng binata

Ha?Bakit naman sila matatakot?  Tanong ng dalaga
Baka ikaw lang kasi ang nakakakita sa akin. Sagot ulit ng binata

teka lang.. Sagot ni Aurene

Mga girls  I want you to meet my friend ..sabay turo sa binata.
Nagulat si Aurene dahil Hindi siya pinansin ng mga kaibigan. Nakita niya na
Nag tinginan ang magkakaibigan.

May problem yata mga kaibigan ko?need yata nila medical assistance. Hindi ako pinapansin. Paliwanag ni Aurene sa binata.

Anong medical assistance?Wala silang sakit. Sagot ng binata.

pero friend  ko sila .At ipapakilala kits at sadabihin ko na nasa tabi kita si ,zayne. pagtatakang sagot ni Aurene.

At napnsin ni Aurene Na umiling ang tatlo ..At umiiyak.

Ano bang meron da kuwarto na  iyan? Tanong ni Aurene.

Nagulat nalang siya ng nakita niya ang sarili niyang nakahiga at walang malay.

No.. Noooooh.. Huhuhu
Bakit ganun Zayne?ako lang ba nakakakita sayo?Ano ba nangyayari?.Oh my God!Nooo...Ibig sabihin ba patay na ako? At ikaw ano?.gulong gulo si Aurene

At nang mahimasmasan saka lang naalala ni Aurene ang nangyari sakanya na nahagip ang kotseng kanyang sinasakyan ng  bus na nawalan ng preno.Maraming tao ang namatay.Naalala pa nya ang isang batang Babae. Umiiyak ito habang nakapatong sa bata ang  tatlo pang mga tao na nasaktan sa bangga. Gusto man niyang sagipin ang bata. Hindi nya magawa. Nahirapan na siyang huminga at saka nawalan na siya ng ulirat. Pero bago sya  nawalan ng ulirat. Naririnig nya ang Ambulance. At naramdaman nya na sinakay na sya sa  Ambulance. At narinig din niya na ang batang nais niyang sagipin at naisakay at naitakbo Marin sa hospital. Kasama ng bata ang kanyang mga magulang.
  At tuluyan ng nawalan ng malay si Aurene.
Sa ambulance palang walang hintong pins pump ang puso ng dalaga. Hanggang sa magka heartbeat ito. Ngunit mahina ang tibok ng puso. At ng mai admit na sa hospital Comatose na si Aurene.

Okay ka lang?
Tanong ni Andrew sa dalaga.

Soul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon