Prologue

287 9 1
                                    

Sa buhay natin (o para makarelate kayo, sa buhay pag-ibig), may mga oras na masaya tayo pag kasama natin yung minahal natin, mga pagsubok na pinapasok na dahilan ng pagiging matatag natin at mga desisyon na akala natin ay tama pero sa bandang huli ay pinagsisisihan natin...

Pwedeng...

-Inlove na inlove ka sa bestfriend mo pero na-friendzoned ka...

-Nagkaroon ka ng pagkakataong sabihin sa iniibig mo na mahal mo siya pero naunahan ka ng kaba...

-Dahil sa katorpehan mo, ayun! May nauna nang manligaw at napasagot kagad siya...

-2 years nang kayo, may "Infinity", "Forever" at "Promise di kita iiwan" lines pa kayong nalalaman, sa huli, break din pala ang kahahantungan...

At ang pinakamasakit sa lahat: Pinakawalan mo siya dahil sa isang mababaw na pagkakamali... Nung nawala siya sa buhay mo, tsaka mo nakita yung tunay na halaga niya sa'yo.

Masakit di ba? Lalo na kung tunay at lubos ang pagmamahal mo sa kanya. Pag kasi nagmahal ka, sabay mo bang sinusunod ang dikta ng iyong puso at isipan? Ano ba talaga kasi ang pinaiiral sa pagmamahal? Puso? O utak?

Sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, doon din nagsisimula ang tiwala natin sa kanya. Pero pano kung magkamali sya? Doon mo na ba ititigil ang relasyon nyong dalawa? Mababaw na dahilan pero dahil iyon sa sobrang pagmamahal.

Kung akala mo na ang pag-ibig ay perpekto, nagkakamali ka. Nabubuhay ka sa isang panaginip. Ang pag-ibig ay hindi naging perpekto, sa halip ay pareho kayong nagtutulungan at pinupunan at mga pagkukulang niyo sa isa't isa.

Ang pag-ibig ay laging sakripisyo. Ang "PRIDE" ay hindi pinaiiral dito. Ano ba ang "pride" kung iyon ang magiging dahilan para mawala ang taong minamahal mo?

DAHIL KUNG MAHAL MO ANG ISANG TAO, TATANGGAPIN MO KUNG ANO SIYA AT HINDI MO HAHANAPIN ANG MGA PAGKUKULANG NIYA.

Is it over?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon