Greatest regret

185 4 0
                                    

[CLAIRE'S POV]

"YAAAAAAAAAAAAAH! Ayoko nga! Please Ella! Please~!" Nagmakaawa na ako sa kanya habang hinahatak ako papuntang canteen.

"HINDI. NGAYON MO NA GAGAWIN SA AYAW O SA GUSTO MO." Haay, bakit ba kasi ako pumayag pa? Di ba pwedeng bukas na lang? Excited lang?

"Ella~ Wag muna ngayon. Di pa ako han.. da... Handa na makipag-usap sa kanya... Ano naman ang sasabihin ko? Gaaaah, nakaka-stress!" Halos mahulog na yung puso ko sa sobrang kaba. Alam kong nag-usap na kami dati pero syempre, ang awkward ng sitwasyon namin ngayon.

Hinawakan niya ang braso ko. "Claire, sabihin mo, sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo blah blah blah. Di ko na uulitin blah blah blah. Friends na tayo! Ganun lang! Nandun naman ako para suportahan ka. Wag mo nang sayangin ang pagkakataon mo!"

"Ayoko! Ayoko! Kinakabahan ako! Di ko alam yung sasabihin ko! Baka di sya makinig sa'kin, masasaktan lang ako!"

"Haaay, mukhang wala na akong choice." Tumingin siya sa paligid. "Kenneth!" Tinawag niya yung kaklase namin na paalis na. Bumubulong si Ella kay Kenneth at lumapit sa'kin. "You leave me no choice. Kenneth, hawakan mo sa braso..."

"A-ano? Hoy, teka lang! Ella~ Maawa ka sa'kin! SIGE NA! PROMISE, BUKAS! BUKAS KO GAGAWIN!" Konti na lang at maiiyak na ko. Di ko talaga kaya. Nasan na ba yung lakas ng loob ko kung kailan kailangan ko?

"Hay nako, ano pa bang magagawa ko?" Napabuntong-hininga siya. "Dyan ka lang ha! Huwag na huwag kang aalis sa pwesto mo! Pupuntahan ko lang sina Marc at Alec sa canteen." Halata ko nang disappointed siya sa ginawa ko. Nasayang ang effort nya. Pero, masisisi niyo ba ako?

Flashback

"Girl, emote ka na naman dyan?" Naka-upo ako sa gilid ng plantbox ng room namin at nagmumuni-muni. Tiningnan ko siya. "Okay, anong bago sa sinabi ko nga pala? Tss."

"Girl, di ko na kaya... Ang sakit, ang sakit dito." Tinuro ko yung puso ko. Haay. "Sino bang..."

"...hindi masasaktan kung nakita mo yung ex mo na may kasamang iba? Hm, yeah. Push mo pa yang pag-i-emo girl mo."

"EH KASI NAMAN EH! BAKIT SIYA PA? DI BA PWEDENG AKO NA LANG ULIT?!" Di ko na inalala pa ang mga taong nakapaligid sa'kin. Isisigaw ko talaga tong nararamdaman ko.

"Hay nako, ang pagsisisi ay laging nasa huli. Tsk." Kaibigan ko ba talaga to? Ang supportive ha?

"Masisisi mo ba ko? Di ko alam kung may pag-asa pang bumalik siya sa'kin, lalo nang may bago na siyang minamahal." Napabuntong-hininga ako. Bakit pa ba ako umasa?

"Kahit friends lang teh? Ayaw mo nun? Para lang okay na kayo. Kumbaga sa kasal, parang basbas ng magulang. Get it?"

"Friends? Psh, di ko nga matanggap yung pinalit niya sa'kin eh!"

"Ang bitter, ano po? Hahaha! Pano kaya kung magkita kayo tapos ibuhos niyo lahat ng sama ng loob o kaya yung mga gusto niyong sabihin sa isa't isa?"

Nag-isip ako at mukhang magandang ideya yun ah. "Hm, sige, eh pano ko siya makakausap? Baka naman hindi siya dumating eh." Nalungkot ako, alam ko naman kasing galit pa sa'kin si Alec, ang first love ko, ang pinakaminamahal ng puso ko.

"Ay nako, ako nang bahala diyan. May mga connection ako na tutulong sa'tin! BWAHAHAHA!"

"Sino? Hihingi ka ng tulong kay Marc? Yung boyfriend mo?" Boyfriend ni Ella si Marc, ang swerte nila sa isa't isa. Si Ella, sobrang supportive at maalaga at si Marc naman, sobrang masayahin kaya itong kaibigan ko, natuto ng ngumiti (dati kasi ang sungit talaga niya mehehehe).

"Oo naman teh! Eh di ba close sila? Makakatulong siya sa'tin!"

"Teh, ang landi ha? Hanap-hanap din ng paraan para makausap siya. HAHAHAHAHA! Buti ka pa..." Sa totoo lang, naiinggit ako sa kaibigan ko. Kasi naman e...

"Ay nako friend, wag ka na kasing malungkot! Tignan mo nga yung sarili mo, stressed na stressed ka na! Nandito naman ako kung sakaling i-reject ka niya eh!"

Ang sweet talaga ng kaibigan ko, pano na lang kaya ako kung wala siya? "Ang cheesy mo naman, di ako sanay. Kanino mo natutunang maging sweet? Kay Marc?"

"Oo... Hehe... I mean... Teka! Bakit mo iniiba ang usapan? Hahaha! Oh, anong oras bukas?"

"Mga 3pm sa canteen? Ok na ba yun? Wala nang tao masyado nun e."

"Teh, sure ka na ba? Wala nang atrasan to. Maghahanda na din ako ng tissue, in case lang."

Huminga ako nang malalim, eto na to. "Oo, 3pm sa canteen. Kakausapin ko siya."

End of Flashback

Nagulat na lang talaga ako nung sabi ni Ella na ngayon na gagawin yung itinakdang pag-uusap namin. Di pa talaga ako ready na makaharap siya, na kausapin siya. Di ko alam kung iiyak ba ako sa harap nya o magtatalon sa tuwa dahil nakita ko na siya.

Ang dami kong iniisip ngayon. Tuwing uuwi ako sa bahay, hindi ako makakain nang maayos. Galit na galit sa'kin yung mga magulang ko kapag di ako nagsasalita sa bahay. Halos ihagis na sa'kin yung mga gamit sa bahay pag tinatawag ako ng kapatid ko kasi lagi akong tulala. Malaki ang pinagbago ko nung nawala siya sa piling ko.

Tawagin niyo na kong tanga o baliw dahil sa inaasal ko ngayon. Ang laki-laki ng pagsisisi ko, ang laki-laki ng pagkakamali ko.

Masakit para sa akin na isiping lalayo siya sa'kin, lalo nang alam kong may bago na siyang mamahalin. Haaaaay, dapat pala matagal ko na itong ginawa, sana hindi pa huli ang lahat.

"Mahal mo pa ba ako Alec?" Tumingin ako sa langit. "Kasi ako, mahal na mahal pa kita..." At di ko namalayang tumulo na pala aking luha habang nakatingin sa langit.

 Mahal pa kita, Alec...

Is it over?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon