Helping to get over

88 2 0
                                    

[Ella's POV]

Papunta na ko sa canteen kung nasaan sila Marc at Alec. Naaawa talaga ako kay Claire. Kahit na lagi akong ginagawang punching bag nun, okay lang sa'kin basta masaya siya at nakangiti. Sa totoo lang, nakakapanibago na makita ko siyang ganun, parang buhay na buhay sya pero deep inside ay nasasaktan yun at iilan lang ang mga taong nakakakita o nakakaramdam sa tunay niyang emosyon.

Parang kapatid na ang turing ko kay Claire. Lagi kaming magkasama at minsan ay dumadalaw ako sa kanila, dahil na din sa libreng miryenda kila tita. Hahaha! Di kami nauubusan ng mga pagkekwentuhan, lalo na kung tungkol sa gwapo! Hehehehehe! (Pero syempre, hindi na ngayon. Baka magtampo si Marc eh. HAHAHAHAHAHA! #GoodGirl)

Masaya ako na nakilala niya si Alec nung third year high school kami. NBSB kasi yun at ayokong mamatay na matandang dalaga yung babaeng yun! HAHAHAHA! Iba ang makikita mo sa mga mata niya, lagi na siyang palatawa, minsan mababalibag mo na yung hawak sa sobrang corny ng banat, mga ganun ba. Masaya ako para sa kanya dahil alam kong masaya siya kay Alec.

Akala ko pang-matagalan na ang relasyon nila Claire at Alec. Naiinggit nga ako dati sa kanila eh dahil perpekto talaga yung relationship nila. Yung tipong si Alec ay hatid-sundo sa bahay ni Claire. Tuwing monthsary nila, sari-saring pakulo ang ginagawa nilang celebration (ex. harana, pagkahaba-habang letters, may kinontsabang mga tao para magbigay ng red roses, etc.). Pero, nagbago ang maliligayang araw nila sa isang iglap. Natapos ang kanilang relasyon, di na sila nagkikita o nag-uusap. In short, WALA NA SILA.

Limang buwan na ang nakakalipas noong nag-break sila. Akala ko naka-move on na si Claire kay Alec. Lagi kong sinasabing hindi pa siya nakaka-move on. Bakit? Kasi kung talagang minahal mo yung tao, matagal mo din siyang makakalimutan di ba? Pwes, iba na lang talaga kung mabilis kang nakahanap ng iba, di mo talaga minahal yung tao.

Kamakailan lang, narinig namin sa mga tsismosa sa classroom ang balita.

Flashback

"Girl, narinig mo na ba?" Haaay nako, itong mga tsismosang toh, sarap pag-untugin. May bago na naman silang ipagkakalat sa campus.

"Ang alin, girl? Tungkol ba dun sa bago ni Alec? Alec Ocampo?" A-ano daw?! Alec Ocampo? Yung ex ni Claire?

Mas lumapit ako ng distansya sa dalawang nag-uusap. Hindi ko naman talaga intensyong makinig pero si Claire ang nakataya dito. "Correct ka diyan girl! May bago na siya, si Madison daw. Madison Hernandez ng section B."

Hm, si Madison pala... "Buti naman at natauhan na si Fafa Alec noh! Grabe girl, kung alam mo lang yung dahilan kung bakit nag-break sila Alec at Claire, hay nako! Di sila bagay, well I mean, Alec deserves someone better!"

Aba, aba! Anak ng! Ang lakas din ng loob nitong bruhang toh para pagsalitaan ng ganyan si Claire! Hmmmmf! "Kalma lang Ella, okay lang yan, tandaan mo, nagpromise ka kay Marc na hindi ka na makikipag-away kahit... kahit..."

Di ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa dalawang yun. Pilit kong ngumiti sa kanila habang nagpipigil ng galit. "Hello sa inyong dalawa! Si Claire ba yung pinag-uusapan niyo kanina, ha?" Kalmado pa ako nang mga lagay na ito.

"H-ha? H-hin-di ah... B-baka i-ba yung na-narinig m-mo! D-di ba friend? Ha-ha-ha..." Tapos siniko niya yung katabi niya na namumutla na sa sobrang kaba. Huling-huli na nga sila, tinatago pa nila. Tsk.

"Tsk, nako naman girls. Narinig ko na nga kayo kanina, tinatanggi nyo pa. Wag kayong mag-alala, di naman ako nangangain... Well, sa ngayon..."

Nagtaasan siguro ang balahibo ng dalawang babae. Hindi naman talaga ako nagagalit nang sobra, pero dahil si Claire ang pinag-uusapan nila, pwes, maghanda na sila sa World War 3.

"Punta tayong canteen Ella! Hoy anong ginagawa mo diyan! May tinatakot ka na naman ba?" Pangiting sabi ni Claire, galing kasi siyang library dahil nag-student assistant siya.

"Hoy, ginawa mo naman akong ikaw! Hahaha! Sige, papunta na ko!" Tumingin ako sa dalawang babae. "Girls, hindi pa tayo tapos."

End of Flashback

Pero hindi ko naman tinago yung totoo kay Claire. Kinonfirm ko muna kasi kung totoo talaga yung mga rumors tapos pinagtapat ko na sa kanya. Yun nga lang, mas lalo pa siyang na-depress. Lagi siyang nagba-background check kay Madison at minsan sinusundan namin tuwing magkasama sila Alec at Madison. Para na kaming undercover agent sa mga pinaggagagawa namin.

"Babe?" *blink blink*

"Ella? Ayos ka lang? Ano? Nasan na si Claire?" Pabulong na sinabi ni Marc.

"A-ah, kasi ganito yun." Tumingin ako kay Alec. "Alec! Hihiramin ko muna si Marc ah! Saglit lang! Hehe!" At tumango naman si Alec, ibig sabihin ay ok sa kanya.

Hinila ko si Marc para di marinig ni Alec yung pag-uusapan namin. "Ah, babe, i-cancel muna natin yung plano natin. Mukhang hihimatayin na kasi si Claire sa sobrang kaba eh."

"Bakit naman? Kasi kung ipagpapabukas niya pa to, baka di na makapunta si Alec! You know, baka may laro kami o kaya magpunta na naman siya kay Madison..."

Hmp. Malamang na pupunta nga yun kay Madison. "Yun nga e, kinukumbinsi ko siyang ngayon na gawin. Hinila ko pa nga-"

"Ano?! Kinaladkad mo siya papunta dito?!"

"OA lang babe? Hinila ko lang! Pero syempre, gaya nga ng sabi ko, hindi pa siya handang kausapin si Alec kaya palalagpasin ko muna ngayon."

"Ella, alam kong excited kang mag-usap sila pero wag ka namang brutal masyado..." Nararamdaman ko nang galit siya. Sana hindi, sana hindi...

"Yaaaaah! Hindi ako brutal ha! Gusto ko lang makatulong..." At ngayon, ang paawa effect! MWAHAHAHA!

"Ay, sige na, sige na. Alam mo namang kahinaan ko yang paawa effect mo." Ngumiti siya sa'kin at tumingin kay Alec. "Boss Alec! Uwi na kami! DOTA na lang mamaya!"

"Hoy! DOTA ka diyan!" Siniko ko siya at pabiro kong sinabi. Hahaha! Di ko naman sila pinagbabawalang mag-DOTA, ayos lang naman sa'kin. Doon masaya si Marc eh. Hehe.

"Ay, nagbibiro lang ako! Joke lang yun! Ano? Uwi na tayo? Ihatid muna natin si Claire..."

Tumango ako at naglakad na kami para sunduin si Claire. Claire, wag kang mag-alala. Nandito kami para alagaan ka. Nandito lang ako para iparamdam sa'yong di ka nag-iisa. Magiging maayos ang lahat Claire...

Pangako ko yan.

Is it over?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon