Simoy ng Pasko (One Shot)

153 2 3
                                    

Umaga

Naramdaman ko ang paghaplos ng malamig na hangin habang ako'y nakahiga pa.

Brrrrrrr.... Ang lamig naman! sabi ko habang yakap yakap ng mga kamay ko ang aking katawan.

Aabutin ko pa sana ang kumot sa may dulo ng paa ko para ibalot sa aking katawan at saka muling babalik sakin mahimbing na tulog ng. . . makita kong may kamay na kumuha sa kumot ko. Si Nanay. At alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Kaya imbis na bumalik sa mahimbing na tulog ko, bumangon na ako ng tuluyan sa pagkakahiga ko. Nakapantulog pa ako. Papunta na sana ako sa banyo ng masilip ng mga mata ko ang kalendaryo. . . medyo malabo noong una kaya sinilip kong muli. Aba! Hindi ako namamalikmata! Disyembre 24 nga. Napasigaw naman ako ng "YES!"

Parating kasi ang mga kaibigan ko, sila Robb, France, Meg, Bree, Julie at si Kesha. Lahat sila siguradong pupunta mamaya sa maliit naming salo salo. Magiging masaya to' panigurado. 

Pumunta na ako sa banyo para maligo. Nagsuot muna ako uli ng pambahay at tumulong na sa lahat ng gawain pati sa paghahanda. Mamayang alas nuebe pa naman darating ang mga kaibigan ko. Habang iniisip ko sila, bigla ko na lang naisip, 

Siya kaya darating? Si Ned kaya? Erase erase. . hindi naman ata pupunta yun. Pero sana magpunta siya, matagal na rin naman kaming hiwalay at naging maayos naman un...  Ay! Bahala na nga siya. 

Bago pa pumatak ng alas nuebe, naihanda ko na ang sarili ko. Ipinuyod (ipinusod) ko ang aking buhok, sinuot ko ang kulay pula kong blusa na may ruffles sa manggas at tinernuhan ko ng short. yung disente pa rin tapos doll shoes. 

Saktong alas nuebe talaga sila dumating, sinalubong ko sila ng isang malapad na ngiti at isa-isa kong binigyan ng mahigpit na yakap. Tagal kasi naming hindi nagkita kita e. Sabay sabay na rin kaming kumain kasabay na din ang kaunting pagkukwentuhan tungkol sa mga pangyayari sa buhay. Medyo nanghinayang naman ako, wala siya. Sabi niya friends pa rin. Tss. >:( Nagsitayuan na rin kami pagkatapos naming kumain, dala dala lang ang inumin. Naroon lang kami malapit sa mesa.

Habang magkausap kami ni Bree, napansin ko na wala ang atensyon niya sakin, tinignan ko rin ang mga iba ko pang kaibigan. Iisa lang ang tinitignan nila, gusto kong tumingin pero nakaramdam ako ng matinding kaba. 

Hala!!!!! Ano ba 'to!!! Bakit ganito yung nararamdaman ko? 

Pero kahit na ganoon, nilakasan ko ang loob ko at tumingin ako sa direksyon kung saan lahat sila nakatingin.

Ayon, may isang lalaking papalapit ng papalapit sa akin, may dala dala siyang tsokolateng korteng puso tatak Ferrero, isang medium sized na cuddly bear, kulay puti na may pulang ribbon sa leeg, at isang bouquet ng mapupulang rosas.


Nagkaharap na kami. Nagkatitigan. Pakiramdam ko tumigil ang mundo, tumigil ang oras, na may nakatutok na spotlight samin, kulang lang ng music, yung para bang kaming dalawa lang, walang tao sa paligid.

Ibinigay niya sa akin ang cuddly bear na kulay puti, ang tsokolate at ang isang bouquet ng rosas. Tapos nagsalita siya,

"Hosea, pwede pa ba? Pwede pa bang maging tayo uli? Isa pang pagkakataon. Mahal talaga kita. Gusto ko sakin ka. Mapagbigyan mo sana ako."

"Sandali lang. . "

Nilagay ko muna ang lahat ng binigay niya sa mesa sa ako bumalik sa kinatatayuan ko kanina para sagutin ang tanong niya.

Pagbalik na pagbalik ko agad ko siyang niyakap at hinalikan ko sa magkabilang pisngi. Niyakap niya rin ako, isang mahigpit at hinalikan rin ako. Hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin sa langit na kayraming bituin nagniningning. Saka ako nagsalita:

"Lord, thank you. Gandang Pamasko naman nito. Bigatin naman ng regalo mo. The best ka talaga! Yaan mo Lord, iingatan ko na 'to at hindi ko na ulit hahayaang makawala pa. Ikaw na bahala samin ah? Happy Birthday."

At ayun niyakap namin muli ang isa't-isa habang silang lahat na nakapaligid sa amin nagpapalakpakan at kinikilig.

The End. 

Simoy ng Pasko (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon