NATHAN'S COUSIN

294 10 0
                                    

Nathan's POV

Bwisit naman oh maaga akong nagising kasi yung pinsan kong galing sa canada uuwi nandito kami ngayon sa airport naghihintay,kahit kailan talaga ang tagal ng babaeng yun batukan ko yun pagdating dito ang tagal.

"Kuya"agad akong niyakap ng babae teka sino to kaya napakunot noo ko.

"Hello... wag mong sabihin na hindi mo na ako naaalala its me Andrea Godess."bigla akong napangiti sa kanya grabe ang laki na nagbago sa kanya dati lang ang panget niyan at buhaghag ang buhok tas may braces para talaga siyang nerd tas ngayon ang sexy niya,maputi,at malaki ang ano... basta alam niyo na yun sexy na rin siya manamit ang layo niya na sa dati.

"Wow andrea its that you grabe naman nag paretoke kaba parang wala man nangyari nagsayang ka lang ng pera mo."pinalo pa ako sa bag niyang dala hayyy grabe talaga tong babaeng to kahit kailan talaga mahilig mambato o mambatok sakit.

"Hoy hindi ako nag paretoke ah make over lang yan MAKE OVER gets."hayy kahit kailan talaga hindi pa to nagbabago.

"Sige na sige na tara na para makauwi na ako."naiinip na kasi ako dito.

"Sa bahay niyo ako titira?"tanong niya.

"Ay hindi sa kalsada san paba edi sa bahay."batukan ba naman ako haytss.. bugbog sarado talaga ako dito sa pinsan ko pasalamat siya babae siya.

"Ito talaga kahit kailan napaka pilosopo."

"Alam mo naman palang pilosopo ako nag tatanong kapa tara na nga ang baho mona maligo ka sa bahay pag karating ah."binatukan ulit ako,nakaka dalawa nato ah.

"Hoy hininga mo yata na aamoy mo,diyan ka na nga."haha dali talaga mapikon nun sumunod nalang ako sa kanya habang buma biyahe kwento siya ng kwento yung iba tungkol sa mga classmate niya hatyss.. ano naman paki ko sa mga yun at yung iba naman sa mga crush niya nasa bahay na kami ngayon.

"Ma nandito na ako."sigaw ko.

"And me tita."tuloy naman netong katabi ko.

"Oh dito kayo nagluto na ako ng dinner natin."sigaw ni mama nasa kusina kasi siya kami nasa sala,pumunta nalang kami dun at umupo.

"So how's your flight iha."tanong ni mama.

"Ok lang tita medyo malayo pero na enjoy ko naman tita pero tita marami po akong ikwe kwento sa inyo pero bukas nalang po ah."

"Wow thats great well sa school nila nathan kana mag aaral ok." what sa school namin no way.

"Ma no way bakit dun pa."

"Eh anak school natin yun aanhin pa natin yun kung hindi mag aaral itong pinsan mo dun matalino siya at dapat lang na dun siya mag aral and para naman mabantayan mo siya."

"Anong akala niyo sakin yaya niyang panget na yan no way."

"Sus kunwari kapa at tiyaka hindi ako magpapabantay sayo no,dont worry hindi ako lalapit sayo dun pero sabihin mo sa mga babae mo na wag nila akong tarayan dahil alam mo na kung anong pwedeng mangyari."yeah right sasabunutan niya or i bubully lahat ng babaeng mangaaway sa kanya.

"Oo na Oo na,ma sige akyat na ako."sabay takbo papuntang kwarto hindi niyo pala alam parang mansion ang bahay namin.

Nag computer nalang ako tinignan ko facebook ko grabe ang dami kong message haha ganyan talaga kapag sikat ka at gwapo ka binuksan ko yung iba.

Wow omg ang gwapo mo naman.

Yiehh bagay tayo.

I love you nathan.

Gosh nakakahimatay.

Pwede bang akin ka nalang.

Haha ganyan talaga kapag sikat minsan nga nakakapagod na maging gwapo ang daming naghahabol na babae yung iba nga lumuluhod pa eh hindi ko na nga rin mabilang kung ilan na yung mga naging girl friends ko siyempre hindi naman importante yung mga yun sakin eh hindi ko naman talaga mahal yung mga yun playboy kasi ako.

Naligo nalang ako at nakinig ng music pagkapos nun
humiga nalang ako sa kama ko, hayyy grabe namiss ko rin yung pinsan kong yun pero mamatulog nalang nga ako para makapag pahinga para bukas fresh na fresh ako sa paningin ng mga babae haha excited sige guys bukas nalang ulit tulog lang ako.
.............................................................

Kinabukasan

Kathrina's POV

Hmm grabe ang sarap ng tulog ko unat unat muna haha pumunta ako papuntang cr at naghilamos pagkatos ko bumaba ako para kumain ng breakfast.

"Hi ma."bati ko agad kay mama.

"Oh hi baby yung kuya mo pala nasan."tanong sakin ni mama.

"Ah ewan ko po wait lang ma gisingin ko."pumunta ako sa kwarto ni kuya hala grabe ang gulo ng kwarto niya tss.. tamad talaga maglinis ng kuya ko,ginising ko nalang siya pero ayaw niyang gumising.

"Huyy kuya gising na pinapababa kana ni mama."

"Hmmm."inaantok na sinabi ni kuya,ah ayaw mo ah.

Kumuha ako ng isang bulaklak at pang make kay mama yung pang make up kasi hindi naman ako gumagamit niyan,nilagay ko yung flower sa gilid ng tenga ng kuya ko tas minake-up ko siya dahil hindi ako marumong haha grabe ang panget ni kuya haha kinuha ko yung phone ko at pinikturan siya *click*.

"Psh.. ano bayan ang aga aga pinipicturan mo ang napaka gwapo kong mukha.

"Anong gwapo ka diyan ang ganda mo kaya."nagpipigil sa tawa nung sinabi ko kay kuya.

"Anong mganda."nakakunot pa yung noo niya khabang tinanong yun ,binigay ko nalang yung salamin kay kuya at yung reaksyon niya grabe hindi ko na napigilan tumawa na ako ng tumawa.

"KATHRINA!!!!!!."tumakbo na ako pababa haha nakakatawa siya.

"Oh kath bakit ka tumatawa diyan,nasan na kuya mo."

"Ah wala po ma si kuya po naliligo na baba narin po mamaya."timapos ko nalang yung pagkain ko pumasok na akon ng mag isa naglalakad ako ngayon grabe ang aga ko yata nandito na ako sa school ngayon pumunta ako sa locker ko at nilagay yung mga gamit kong iba dun at kinuha yung ibang book ko papunta na sana akong library nang natumba ako may babae kasi dito na parang may hinahanap tas sa pagmamadali hindi yata ako nakita natumba tuloy ako.

"Ay sorry po miss."tinulungan niya akong tumayo wow grabe ang ganda niya."ok lang ba miss."

"Ahh ok lang ako sigemauna kana may hinahabol ka yata eh.

"Ahh meron nga pero hayaan mona yun by the way ako nga pala si Andrea Godess 18 years old."

"Ahh ako naman si Kathrina Galdamez mag kasing idad lang tayo pero mas matanda yata ako sayo ng isang taon."

"Ahhh oo nga sige una na ako nice to meet you sana magkita pa tayo ulit and pwede bang friends na tayo pag nagkataon ikaw ang unang friend ko dito sa pinas galing kasi akong canada."

"Ganun ba oh sige friends na tayo pero ok lang ba talaga sayo sa ganda mong yan tas sa."hindi niya ako pinatuloy sa pagsasalita ko.

"Alam mo wag mo nang sabihin niyan dahil parehas lang tayo mahabang kwento next time pag nagkita tayo yayayain kita samin tas usap tayo pero sa ngayon bye muna."

"Sige bye."

.............................................................

Abangan niyo nalang po sa next chapter thanks po.

My Bestfriend Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon