James POV
"James ! hindi kaba papasok ? aba itong batang ito ! tanghali na buksan mo tong pinto !" Sigaw ni manang mula sa labas ng pinto, napakamot naman ako sa ulo.
Ano ba naman to si manang masarap na yung tulog ko e, haist nakalimutan na naman nya wala akong sched ngayon tsk.
"Manang wala akong pasok ngayon ! kaya hayaan nyo muna akong matulog !" Anung oras naba ? kinuha ko yung CP ko pag tingin ko, What the ?! 4:30 A.M palang ng umaga ? Seryoso ba manang ? huhuhu.
Kaya pala sobrang inaantok pako. Binato ko yung CP ko tapos tinakpan ko nang unan yung muka pero wala na hindi na talaga ako makatulog, kaya naman kinuha ko ulit yung CP ko.
Mag babasketball nalang ako,Itetext ko muna si calvin.(Oy gising kanaba ?)
Sending message..
At wala pang 1 minute nag reply naman sya agad.
1 new message ..
(Oo, bakit ano kailangan mo ?)
(Basketball tayo bawal kanang tumanggi antayin kita sa harap ng bahay namin.)
(Tsss. K) Tanging yan yung nareply nya sakin dahil kahit naman tumanggi sya, wala na syang magagawa. Susugurin ko talaga sya sa bahay nila.
Nag ayos nako hilamos, toothbrush ,bihis ,kinuha ko nadin yung bag. Bumaba ako ng kwarto tapos nakita ko si manang na ng aayos.
"Manang , aalis muna ako"
"Aba'y iho saan ang punta mo ? ang aga pa sabi mo, diba wala kang pasok ?"
"Manang mag babasketball po ako. naudlot na yung tulog ko e, ang aga nyo kasi mang gising, tignan nyo po maigi yung schedule ko sa susunod" Hindi ako galit, medyo napaaga lang talaga ang gising.
"Pasensya na iho at naguulyanin nako"
Oo matanda na si manang at ganong katagal na rin sya naninilbihan samin, simula pagkapanganak sakin, kaya hindi na namin pinakawalan si manang kase parang parte nadin sya ng pamilya namin.
"Sige na manang ako na po magsasarado nang pinto" at hinalikan ko sya sa noo.
"Magiingat ka iho" Tumango nalang ako kay manang.
Nang nasa labas nako ng bahay,tinawagan ko si calvin.
"Oy nasan kanaba ?" Makupad talaga kahit kelan.
(Wait ! nagsusuot pako ng sapatos !)
"What the hell ?! kanina pa kita tinext ngayon ka palang nag susuot ng sapatos ?!"
Anu ba naman parang tuod talaga.
(Oo na eto na nga o tatakbo na !)
"Bilis !!"
(Ayay ! Captain)
*Toot Toot*
"Aba bastos patayan pako"Bulong ko sa sarili ko.
Wala pang 5 minutes na andito na sya.
"Dalian mo nga may mauuna na sa court nyan eh" Naglakad na kami papuntang court habang papalapit na kami may narinig na kami talbog ng bola.
"Ayan na nga sinasabi ko sayo e, ayan may nauna na satin !"
"Sorry na" Kahit naman mag sorry sya wala na, hindi naman naming mapapalayas yung naglalaro, kahit na amin tong village.
"Bro tignan mo ! hindi ba sya yung hot chick sa basketball women sa school"
Tinitigan ko naman maigi at oo nga sya yun.
"Ang hot grabe whoo !" Sya na may kasama pang pagpaypay sa muka.
"Hoy umayos ka nga ang manyak mo !" Tinignan ko naman yung babae oo nga, hot sya.
"Sus kunwari kapa e ! nakatitig ka din naman"
Nakatitig bako ? agad kong inayos yung sarili ko.
"She's familiar" Ewan ko pero feeling ko nakita ko na sya dati pa.
"Oo nga malamang ! eh diba nga dun sya nag aaral sa university ng daddy mo sa school natin ? at sya nga diba yung hot chick na player diba ?! diba?!"
"Hindi kase ganon ulul ! bago pa sya maging ganyan !"
"Anung maging ganyan ? yung maging hot ?"
"Nako ! Calvin itigil mo na yang kamanyakan mo masasapak na kita" Pag talaga to nakakakita ng babae parang nauulul, ipapa rehab ko na'to eh.
"Tara na nga dun tayo sa half nitong court"
Sumunod nalang ako. tinignan ko ulit yung girl nag shoot ng bola at na shoot nya yon, ang galing nya humawak ng bola parang bawat tira nya na hahanap nya na agad ang tamang range ng kung pano shumoot. kaya di nako nagtataka kung bakit magaling sya kase lagi syang nag papractice dito sa village.
"Oy ! tignan mo la-layup ako" Tawag nya sakin, medyo nawili ako sa panonood dun sa babae, magaling eh.
Tinignan ko naman pumunta pasya sa kalahati nitong court at tumakbo, pwede naman sa malapit e baliw talaga.
tumakbo na sya.
"May super layup !"
"Hahaha Layup nayon ?! ni hindi nga tumama sa ring hahaha" Siraulo talaga kahit na kalian hahaha.
Napakamot nalang sya sa ulo.
"Di talaga ako pinanganak ng magaling dito" Tapos hinagis nya naman sakin yung bola
"Kahit naman hindi marunong magagawang maglayup, daig kapa nung baba--" Ituturo ko sana yung babae kaso taena, biglang nawala.
"Daig pako nino ? wala na pre umalis na" Tono na parang nang iinis, sus akala nya naman maiinis ako. Napag pasyahan na lang naming mag laro kahit alam naman nyang lugi sya. "Sayo na muna bola" Partida na.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Basketball Player
Teen FictionLove story ng isang maligno at ng isang babaeng mahilig mag basketball.