Chapter 5

26.1K 897 17
                                    


Kristen POV

9:10 A.M

Late na ako!

So ayun, para akong hinahabol ng maligno nakakainis naman kase si kuya e, ang tagal ibigay sakin yung susi ng kotse ko, masyadong nag inarte, feeling kanya e. Pagpasok ko sa may University may naririnig akong sigawan yung iba naman bulungan. pero kung ano man yon, wala akong pakielam.

Bakit nagkakalat ngayon yung mga studyanteng chismosa ?

"Uy beeee ! Andyan si James"

"We ? 'di nga diba wala syang schedule ngayon ?"

Stalker bato ? Tsk, pati schedule alam, ganun ba silang kapatay dun ? eh ang yabang naman nun e. (Nagsalita ang hindi nag ka gusto sakanya) ano naman? ang mahalaga noon lang yon, hindi na ngayon. Binilisan ko pa ang takbo dahil 15 minutes nakong late baka di nako papasukin nito e.

*BOGSHHHHH*

Sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo ako.

"Miss ? Pwede magingat ka naman ?" Medyo na bosesan ko.

Medyo masakit yon, pero ibis na tulungan sana ako, ganon pa ang approach. syempre kinuha ko muna yung mga gamit ko na nag kalat sa sahig, atsaka ko inangat yung paningin ko.

"S-sory" Nag sorry na lang ako para wala nalang gulo. Bakit kase sa dinami rami ng makakabungguan ko sya pa ? tumakbo nalang ako uli, bahala sya sa buhay nya. Tanggapin nya yung sorry ko o hindi. Basta ang alam ko lang late na'ko. Pag pasok ko sa room naming.

Syempre Center of Attraction

"Miss Hernandez, you're late !" Medyo galit na tono ni ma'am, pero atleast medyo lang hehe.

"Sorry ma'am"

"Sige maupo kana" Bihira lang naman ako malate eh, kaya dapat mabait parin sya sakin.

Pero medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni ma'am, akala ko di nako papapasukin e. habang nagtuturo si mam naisip ko na naman si james, Nagbibiro ba sakin yung tadhana ? matagal na hindi ko na sya nakikita kahit na same na school kami. tapos ngayun? bakit parang napapadalas ?

Natapos ang buong klase ko ngayung araw hanggang 6:00 PM, pagabi na. ang nag patagal lang naman e yung programming 3 hours kami sa comlab, gusto ko na nga umuwi kanina e, sasabog nakasi yung utak ko. hmmp.

habang palabas na'ko, nakita kong nag aabang na pala si chloe sa gate. habang papalapit ako sa kanya, medyo nagliwanag na yung muka nya, siguro kase kanina pa sya nag aantay.

"Bessy ! kanina pa kita inaantay" Lumapit naman sya sakin at pinulupot nya naman agad ang kanyang mga braso.

"Nakita ko naman ? bakit hindi kapa umuwi pagabi na oh !?" Tinuro ko naman yung langit na kulay orange, ang ganda nga eh.

"Miss nakita eh, tara sa bahay bonding naman tayo. na ipaalam na kita kay tita" ay ganun, agad-agad ? nai-pagpaalam nya na ako agad.

"Ganun? eh bakit parang wala na'kong choice hahaha" Biro ko sa kanya sumimangot naman sya.

"Anong choice ka dyan? bakit ayaw mo ba ha ?" Ngumiti lang ako sa kanya, at inakbayan. medyo matangkad kase ako sa kanya, konti lang naman haha.

"Joke lang ! tara na"

Syempre ano pa ? dumiretso na kami agad sa kanila, pagdating namin sinalubong agad kami ni tita at tito.

"Kristen iha! pasok ka sa loob nako namiss kita" Niyakap naman ako agad ni tita.

"Ako din po" Medyo mahina na sabi ko, medyo nahihiya padin ako. lumapit naman ako kay tito at binigyan ko din syempre ng hug.

"Oh tara na sa loob, may pagkain akong inihanda" Excited din akong pumasok sa loob, alam ko kasing masasarap ang pagkain na nakahanda.

"Mommy niluto mo ba yung pagkain na paborito ni kristen ?" Tanong naman ni chloe kay tita, jusme kahit ano naman kakainin ko, bakit naman kailangan pag handaan pa nila ? hahaha.

"Oo naman no, hindi mawawala yung kare-kare" Nung marinig ko yun bigla naman agad akong ginanahan na kumain agad.

Kumain naman kami agad, baka daw kase lumamig na. masaya naman kaming pinagsasaluhan yung mga niluto ni tita, syempre mas masaya kung may tawanan at kwentuhan.

Kinamusta naman nila tita si mommy, kahit na medyo nag kakalapit lang ang mga bahay naming. Mga wala kase silang time eh. Alam mo na, Laganap narin kase ang business ng pamilya ni Chloe, kaya bihira lang din nya makasama sa hapunan ang Daddy at Mommy nya. Pero kahit gano'n naman hindi parin nila pinababayaan si Chloe.

Habang pinag mamasdan ko ang parents ni chloe, napangiti ako.

Mahal na mahal nila si chloe, nag iisang anak lang kase eh, hindi na sya nag karoon pa ng kapatid.at syempre, sobrang natutuwa ako kase welcome na welcome ako sa family nila.  

Ang Girlfriend Kong Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon