Chapter 2

14 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe, nakaramdam ako ng gutom kaya sabi ko kay mommy daan kami sa Mcdo.
Inorder na ni mi yung lagi kong pinabibili sa Mcdo. Chicken Spaghetti, chicken sandwich and Fries of course.

Dahil nga nasa kalagitnaan na kami ng byahe, nag palit na kami ni Bryce ng pwesto. Lagi namin yon ginagawa. Andito lang ako sa Likod, nginangasab yung pagkain huehue. Dahil dala ko yung laptop ko nilabas ko ito para makapanuod ng movie. So I plugged my earphones then got my fries with me to watch one of my favorite movies ever!! The Parent Trap. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko toh! Si Lindsay Lohan kas toh eh.

Nung natapos ko yung movie nasa cavite na kami. Hinahanap na lang yung bahay nila Tita dito. At Last nandito na kami!!!! "Oh don't forget greet Tita Margaux!" Paalala ni mommy bago kami bumaba ng kotse.

"Brie!" Tawag ni tita Margaux kay mommy then ng beso sila. Brianna Villaramos ang name ng mommy ko, hindi masyadong halata na matanda na si mommy dahil sa name nya. Gurang na yan pramis XD labyu mom

"Hi Tita Margaux!" Bati ko. "Oh! Eto na ba si Sophia? Aba, maganda at matangkad ah!" Sabi ni tita. "Tita! Ano po password ng WiFi nyo?" Bungad naman ng Gagong Bryce na toh! "Hay nako! Parehas kayo ni Maxus! Pindot ng pindot na lang ng cellphone! Pumasok ka na lang don iho at itanong sa mga katulong namin" Sabi ni Tita Margaux. Dali dali namang pumasok ang gunggong.

"Ah, Sophia! Pumasok ka na den muna dahil aayusin lang namin ni tita Margaux mo yung mg gamit" sabi ni mommy. Tutulungan ko sana sila kaso, nakakatamad. Hayss sorry na XD

Malaki yung bahay nila Tita Margaux, at may mga katulong din sila. Umupo lang ako sa sala nila, kinuha ko na lang phone ko kasi wala naman akong gagawin dito. And hindi ko pa alam kung ano nga ba ang gagawin namin dito. Teka nga lang nasan kaya yung gunggong na Bryce na yon.

I left my things in the living room and tried to explore this huge house. Dumere-deretso lang ako, then i reached the dining area. Madami kasing katulong.

"Ahm, Manang nakita nyo po ba si Bryce?" Sabi ko dun sa nakita kong kasambahay nila. Lumingon sya sakin na may pagtataka. "Sophi? Ikaw na ba yan? Grabe ang ganda at ang tangkad mo na!" Sabi nya. "Hm! Hindi mo na ako kilala noh! Dito ko dati tumira! Ako si Manang Gina, ako ang nag alaga sayo at kay Maxus!" Sabi nya. Gusto ko na talagang makita yang Maxus na yan.

"Ah! Nice to meet you again po Manang Gina! Nakita nyo po ba si Bryce? Kapatid ko po." Sabi ko. "Sa Tingin ko baka nasa Sala sya." Saad ni manang. "Ah Eh wala po sya don eh kaka-galing ko lang po don eh" sabi ko. "Hanapin mo na lang be! May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ni manang den umalis. Paano ko naman hahanapin yung kiti-kiting yon!

Kumaliwa ako don sa isang hallway. Sa Tingin ko papuntang Pool side nila toh, so kumanan na lang den ako. Dumere-deretso hanggang sa maabot ko ang isang kwarto. Isang kwartong maingay, parang tunog ng game. Lumapit ako dun sa kwarto then kumatok.

*knock, knock*"Bryce?" Sabi ko. Nakita ko yung dalawang lalaki na nakaupo sa floor ng kwarto, Naglalaro sila ng video game. Alam kong si Bryce toh, kaya sumigaw ako. "Hoy! Bryce Rei! Saan ka nagpupu-punta ah!"

"Ano ba yan Ate eh! Naglalaro kami eh! Nandito lang naman ako! OA mo." Sabi nya. "Anlaki-laki kaya ng bahay na toh, naligaw nga ako eh!" Sabi ko. "Ikaw lang yon, Sige na tsupe!" Sabi ng gunggong. Aba! Iba ren topak ng batang toh eh.

Nilapitan ko sya then, piningot yung tenga. "Sabi ko tayo na! At baka hanapin pa tayo ni mommy!" Hinili ko sya. "Aray aray! Oo na oo na!" Sabi nya.

"Hahaha!" May narinig akong tawa. Isang napaka gwapong tawa. Yung kalaro nya yung tumatawa. Tumayo, sya at ang tangkad nga ah! In fairness. "Sige na Bryce! Mamaya na lang tayo mag laro. Sumama ka na sa Ate mo." Sabi nya gamit ang malalim nyang bosses.

"Rematch kuya Maxus ah! Badtrip lang kasi si ate eh." Sabi ng gunggong. "Aba! Ako pa ngayon may kasalanan ah! Tumigil ka na nga, at tara na." Sabi ko. "Nakakatawa kayong magkapatid!" Sabi ni Maxus. "Bye kuya Maxus!" Sabi ni Bryce. Hinila ko na sya at sinabing "Tara na ano ba!" Nung papalayo kami naring ko yung mga tawa nya.

"Ate napaka Panget mo noh! Naglalaro kami don eh paepal ka!" Sabi ng gunggong. "Aba! Eh nawala ka eh, tapos nandon ka lang pala. Paano kung hinahap ka na pala ni mommy." Sabi ko. "OA mo! Nagwapuhan ka naman kay kuya Maxus. Yieee" pangaasar ng gunggong.
"Peste! Magtigil ka!" Sabi ko. "Amin amin din pag may time" sabi nya. Hindi ko na lang sya pinansin.

Nakarating na kami sa sala at nandon si Mommy at Tita Margaux nag uusap. "Oh ayan na pala sila eh." Sabi ni Tita Margaux. "Saan kayo nanggaling ha?" Tanong ni Mommy. "Hinanap ko po kasi si Bryce" sabi ko. "Haynako Bryce Rei, saan saan ka nanaman pumupunta." Sabi ni Mommy. "Nako Mommy! Parehong pareho kayo ni Ate! Napaka OA." Sabi ni Bryce. "Like mother like daughter" sabi ni Tita Margaux na kinatawa naman namin. "Ay halika kakausapin pala kita Sophia." Sabi ni tita Margaux. Pumunta kami sa may gilid. "Sophia diba ikaw ang Mag tu-tutor sa anak ko?" Sabi ni tita. "Ah opo."
"Maxus is 19 yes, mas matanda sya sayo. Nung highschool kasi sya medyo hindi sya nakapag aral ng mabuti kaya, meron syang test na kailangang ipasa dahil iyon ang magpapasok sakanya sa College. Gusto nyang mag College pero walang tutulong sakanya kaya ipaptutor ko sya sayo." Paglalahad ni tita Margaux.
"Ah Sige po tita! Makaka-asa po kayo sakin!" Sabi ko.
"Salamat Sophi, sana nga matulungan mo sya. Oh! Nandito na pala sya eh! Maxus Anak!" Sabi ni tita Margaux. Lumapit naman samin yung lalaki kaninang kalaro ni Bryce. Si Maxus.

"Oh Sophi! Sya si Maxus ang itu-tutor mo" sabi ni tita.
"Hi! I'm Maxus! And you are?" Sabi nya. "Sophia, sophi na lang." Sabi ko. "Ah, nice to meet you Sophi." Sabi nya and nilahad nya yung kamay nya sakin. Sign na gusto nyang makipag kamay. Nilahad ko na rin yung kamay ko. Then that's where it all started.

Sorry for wrong grammar and spellings and Typos. Sorry for everything lol. Vote and Comment mga B3h lol. And Pls. Read my other story too! Easily Forgotten. Just look at my works and you'll se it there. Thank you! Hearteu <3

Fools.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon