Chapter 6 (Yvette)

521 3 0
                                    

Yvette’s POV

          Bigla akong nawindang sa narinig ko kanina kay Aries di ko akalain na magagawa niya iyon sa akin.

       “At san mo naman napulot ang babaeng yun?” –Ako

        Mariin kong sabi.

       “Hindi siya isang babae lang Yvette, girlfriend ko siya.” – Aries

        Nanlamig ako.

       “Okay let me rephrase the question, san mo nakilala ang girlfriend mong yan?”- Ako

       “Alam mo ba ang salitang truelove at destiny Yvette? – Aries

       Sarkastiko niyang sabi.

     “Diba sabi mo ako lang iyong mahal? Asan na ang pangakong yun Aries?” – Ako

     “Noon yun Yvette. Noon yun.” – Aries

     “Maghihiwalay din kayo nang babaeng yan, Aries tandaan mo.” – Ako

     Sinadya ko talagang diinan yun para malaman niya na di ako masaya sa ginagawa niyang pagpapaselos sa akin.

    Umalis na ako sa kinatatayuan naming dahil ayokong umiyak pa muli. Ayokong Makita ni Aries na nasasaktan.

    Hindi naman talaga kami ganuon eh, mahal na mahal namin ni Aries ang isa’t-isa. Nang biglang dumating sa akin ang isang sitwasyon na kailangan kong mamili.

FLASHBACK >>>>

     “Anak kailangan mo nang hiwalayan si Aries.” – Tatay

    Seryoso niyang sabi.

    “Bakit naman po? Diba tanggap niyo naman si Aries tay?” – Ako

    “Anak naghihirap na tayo, kung mahirap tayo dati, ngayon mas naghihirap na tayo, di na ako makabayad sa mga utang natin sa pamilya ng mga Alcantara.” – Tatay.

    “Wag kayong mag-alala tay, ako ang bahala, mamasukan ako sa bahay ng mga Alcantara. Basta wag niyo lang kami ipaglayo ni Aries tay.” – Ako

    Mangiyak-ngiyak kong sabi.

      “At maiipon mo ba agad ang 100 milyon sa susunod na buwan? Alam mo naman na wala tayong ani ngayon dahil sa mga nagdaang bagyo. Kaya ang mabuti pa at hiwalayan mo na si Aries, at ipapakasal kita sa anak ng mga Alcantara na si Seven.” – Tatay

     Parang guguho ang mundo ko nang marinig ko ang plano ni tatay sa akin. Ayokong magpakasal kay Seven, oo mabait siya pero di siya ang mahal ko.

   “Mag-iisip ho muna ako tay.” – Ako

    Pumasok ako sa kuwarto at nagkulong, tumunog ang cellphone ko at nakita kong nagtext na sa akin si Aries, pero di ko binasa, imbes umagos na sa aking mga mata ang mga luhang kanina ko pa tinatago sa kanila.

   Mahal ko si Aries, pero mas mahal ko naman ang mga magulang ko, ayokong Makita silang nasasaktan at nahihirapan.

  Dahil sa pagod sa kaiiyak ay nakatulog ako.

  Nailimpungatan ako nang marinig kong parang may mga umiiyak at parang may mga lalaking nagsisigawan. Kaya lumabas ako para tingnan kung ano iyon.

Lust and SEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon