Chapter 6 - (Special Chapter)

633 19 3
                                    

Dedicated to PinkyBlue03 (Salamat sa pag-add ng Story na 'to sa RL mo po:**)

ENJOY READING!

--

Third Person's P.O.V

"Nakita ko na ang kuta ng mga lobo, Mahal na hari" Ngumiting tagumpay ang isang bampira.

"HAHAHA! Goodjob, goodjob Sladen... Salakayin ninyo!" 

Maraming bampira ang handang sumalakay sa kuta ng kanilang mortal na kaaway at ito ang mga 'werewolves' 

Sabay-sabay silang lumabas sa pinagtataguan nila at sasalakayin ang mga lobo, ng makitang wala ni-isang lobo ang makikita doon.

"Anong ibig-sabihin nito Sladen!?!?" Galit na saad ng isang babaeng bampira. Isa din sa pangalawang pinakamataas sa Vampire World.

"P-pero k-kanina lang eh, nandito s-sila..." Natatakot na sambit ng naatasang maghanap ng werewolf para sa gaganapin na battle sa Arena ng Kataas-taasang Palasyo.

Nagdilim ang paningin ng babae. Nakipagusap siya sa mga utak ng ibang bampira, Natakot naman si Sladen, dahil si Sladen ay isang mababang uri lamang ng bampira.

May humawak sa dalawang braso ni Sladen.

"Ikaw ang ilalaban sa Battle!" Sigaw ng babae. at dinala na si Sladen ng dalawang Bampira.

"Awoooo!!!!!!" Isang mahinang sigaw ng lobo na nangagaling sa gubat, Alam ng bampira ang sinabi ng lobo, ang sabi nito ay 'tulong'

Napangiti ng nakakaloko ang babaeng bampira.

Nagusap-usap sila gamit ang kanilang mga utak, at sabay-sabay silang nagpunta sa gitna ng gubat ng sobrang bilis.

at nakita ang isang lalaking-lobo na naipit sa patibong na ginawa ni Sladen.

"HAHA! Kahit papaano pala may pakinabang 'yung Sladen na 'yun, pero sorry siya hindi ko babawiin na siya ang isasali sa battle... Mukhang magandang ipanglaban 'tong hayop na 'to!" at nagtawanan sila.

Nag-transform ang lobo at naging isang tao.

"Mas h-hayop pa k-kayo sa akin!" Nanghihina ngunit lumalaban na sigaw ng lobo.

Hindi pinansin ng babaeng bampira ang sinabi nito. "Kung gusto mo pang mabuhay, lumaban ka sa battle na gaganapin, sa susunod na kabilugan ng buwan, Pag ika'y nagwagi sa battle, Hahayaan ka naming tumakas... Pero pag natalo ka mismo sa laban na 'yun... Patay ka..." Ngumiti ang babaeng bampira ng isang demonyong-ngiti.

"L-lalaban a-ako..." Pinakawalan siya ng anim na bampira, Tinakpan ng puting kumot ang mala-adonis (lol) na katawan neto at hinawakan sa kanyang braso.

"Anong pangalan mo...?" Tanong ng babaeng bampira.

"J-jake, Jake Manuel Lim"

--

Third Person's P.O.V

May Bente-Unong babae ang may marka sa braso na ginawa sa kanila na isang ritwal upang maging isang ganap na SLAVE ng vampires.

Ngayon pipiliin ang isasali sa battle sa Arena.

Kinakabahan ang lahat sa kanila, dahil kahit-kailan wala ni-isang slave ang nanalo sa labanang iyon, Alam nilang kaya nilang matalo ang isang ordinaryong nilalang na kasali, pero hinding-hindi nila kayang talunin ang dalawa pang kasali at iyon ay ang bampira at lobo. Pero kung su-suwertehin, pwedeng mapatay ng lions and tigers ang bampira o lobo, edi may pag-asa silang manalo. 

"Tapos na ang Test" Nang ibanggit iyon ng pangatlong kataas-taasang bampira. Ay natakot na sila.

"at ang napili ay..." Lahat kinakabahan at natatakot sa kung anong resulta. Pero, may isa sa kanila ang hindi kinakabahan at natatakot, wala siyang pakealam. Cold siya ng mga oras na 'yun. At nangangati na ang mga palad niya na sana siya ay ang makuha at mapili. Gustong-gusto niya talaga at nanggigigil na siya. *Makakapag-higante na din ako sa inyong lahat... pagkatapos ng hirap na dinanas ko... sa lahat ng pinagdaanan ko... malapit na ako... unti na lang at mananalo na ako... sa huli ang Leberies ang mananalo...* Sabi niya sa kanyang sarili.

"Abegail Heywood!" Nakahinga ng maluwag ang lahat, at ang napili ay ngumiti, isang ngiti ng demonyo!

TO BE CONTINUED...

--

A/N (Importante!)

May nagbabasa pa ba? MAKE SOME NOISE!!! Nawawalan kasi ako ng ganang mag-ud, wala naman kasing nagbabasa na! BWAHAHAHA. dejk. UD tommorow:***

Ang Leberies po ay isang gawa-gawa lamang ng otor(me) ng storyang 'to, ibig-sabihin.. original na nanggaling sa purol niyang utak, Ang leberies ay isang uri ng nilalang parang bampira at lobo. Ang leberies na gawa-gawa ni otor, ay nilalang na may pak-pak, o diba? Ang galing ko gumawa-gawa.

So, ibig sabihin Taong-pakpak(LOL!) 'to. Pero 'di diyan nagtatapos BWAHAHAHA! lol. Marami pang misteryo ang bumabalot sa storyang 'to. At marami pa kayong 'di alam sa gawa-gawa ni otor tungkol sa LEBERIES. isa din itong mortal na kaaway ng lobo at bampira pero mas kaaway nila ang bampira, basta marami pang iba, SALAMAT!:))

Belong To Him Series: Sold To A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon