Radio Confession

187 15 5
                                    

Radio addict? Might be me, halos buong buhay ko umikot kakapakinig sa radyo.

Scholar lang ako sa university.

May computer kami, pero sa mga kapatid ko na pinapagamit, gadgets o kahit ano pa mang mapaglilibangan, wala na. TV at radyo lang.

May cellphone na nga sana ako kaso gusto ng kapatid kong si Dave, kaya binigay ko na lang rin sa kanya.

Di naman ako naiinggit.

Kaysa makakita ng cacancer-an sa internet o maglaro ng mga kagunggunggan, mas masaya na akong tumutulong sa magulang ko.

Magtatapos na rin naman ako, malapit lapit na, pero kami? Wala pa rin.

Nakahilata lang ako ngayon, katatapos ko lang din tumulong, siyempre pahinga pahinga rin. Nakikinig ako sa radyo.

"May hinaing ka ba sa buhay? Tungkol sa pag-ibig? May hugot ka bang pilit na inaalam o tinatago? Oras na para magshare ng iyong kwento at kami ang iyong magiging kaagapay sa nasabing problema mo. Visit Lelia Abatani and mag comment lang kayo..."

Agad agad kong binuksan ang computer ko dahil wala naman ang mga kapatid ko at nasa school pa sila ngayon.

Agad kong binuksan ang facebook ko na madalang lang magamit.

Bakit nga ba sabik na sabik ako sa nagaganap?

Una, gusto ko sa radyo ako maglabas ng damdamin. Pangalawa? Dapat na ba akong mag move on?

Gusto ko kasing makakuha yung sagot. And since magaling naman sila magpayo. Sa kanila ko kukunin yun. Ilang beses na rin ako nag ganito.

Pero di ako nakukuha.

Actually...

Para siya sa isang babaeng napakaganda, masasabi mo ng perpekto. Isa sa mga pinakamagagaling na volleyball player sa university namin at lumaban na sa iba't ibang school. Sikat siya kasi halos lagi siyang nananalo pag sumasali siya sa mga beauty contest, tapos #3 pa sa klase nila.

Sa madaling sabi, napakagandang linalang, perpekto to be precise.

Para siyang bitwin na nasa langit tapos ako putik na nasa lupa.

Madami namang nagsabi na gwapo ako, pero its just that I can't shorten the gap between us.

Gumagalaw siya, humahakbang siya sa buhay niya, tapos ako wala ring ginagawa, hindi naghahabol.

Kahit mag usap lang kami, wala. First section siya, ako wala. Ordinaro lang. I'm a scholar but not in academics, table tennis.

Ayan na, binuksan ko na ang page na sinabi kanina, at hinanap ang post.

Nang makita ko, agad agad akong nag comment. Binilisan ko ang type na parang wala ng bukas na naghihintay.

Sawakas! Pang pitong comment ako. Sana mapili ako

Nagsimula ng pumili ng mga commenters.

Nagsalita na ang DJ at binasa ang unang comment."Ms. Lelia, pano po ba to? Kasi 1 month pa lang po kami ng girlfriend ko... Nawalan kaagad siya ng tiwala sa akin kahapon. Kasi may roleplay kami na nakita niya akong humalik ako ng isang babae, pero roleplay lang yun. Sasabihin ko rin naman sa kanya at the first place pero talagang biglaan yung pagsabi ng script eh. Nagalit siya? Pano to? Pakakawalan ko siya o pipilit ko pa?" Sambit ni ms. Lelia

Buti ka pa nga kahit 1 month naging kayo eh. Ako wala, kami, wala.

Parang hibang ako na gustong gusto ko abutin yung gusto ko pero wala akong hakbang na ginagawa at sa tingin ko kahit may gawin ako wala pa rin.

Radio Confession (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon