Chapter 5: Ang Sumpaan

110 0 0
                                    

(Erika's POV)

James: Tara sumama ka sa akin !

"Saan tayo pupunta ?"

James: Magce'celebrate tayo ng 3rd Anniversary natin .

"Oo nga ! Alam ko babe, bakit hindi kasama ang buong barkada natin ?"

James: Nakausap ko na rin naman silang lahat eh. Noong nakaraang taon kasama naman natin sila diba ?

"Ahm... Grabe babe ! Gusto mo talaga akong masolo ha ? :">

James: Mahal kita eh, at akin ka lang !

Kinutuban ako sa sinabi ni James, para bang natakot ako na di mo mawari ? Bakit kaya ganun ? Ayoko sana na takutan kasi duwag . Pero sabagay, Mahal ko rin si James kahit ako ang nasa side niya masasabi ko rin yun :)) . Pumasok kami sa isang kwarto at dalawa lang talaga kami, nakita ko ang mga kandila na nakapabilog ng malaki. Ano kaya gagawin namin dito,  mukhang nakakatakot naman pero... sige baka may gagawin lang talaga siya ! napaka'romantic naman ng Boyfriend ko :">

"James ! Ano ito ? Natatakot na ako ha?"

James: Babes ! Wag kang' matakot, magsusumpaan lang tayo ! Parang kasal, mga ganon ? :))

"Ahm... Sige na nga babe ! Ano ba ang gagawin natin ?"

Pumasok kami sa loob ng bilog na kandila at may nakita akong kutsilyo . Ano bang sumpaan to ? Nakakatakot, sa dami ba naman ng sumpaan na pwedeng gawin bakit may kutsilyo pa ? Pero hindi sana gawin ni James ang katulad ng iniisip ko ngayon . May tiwala ako sayo James ! May tiwala ako ...

James: Saglit lang to babes ! Hindi ka naman masasaktan ng sobra dito !

"Pero babe ! Kutsilyo yan . Alam mong' takot ako sa dugo, at talagang ... Matatakutin talaga ako !"

James: Magtiwala ka lang sa akin Babe !

Nagsimula ng hiwain ni James ang mga palad niya at sinunod niya yung sa akin . Hindi naman siya masiyadong malalom bahagya lang siya, pero mararamdaman mo ang hapdi. Kinakabahan na talaga ako, ang lamig pa kahit wala namang electricfan or hindi naman naka bukas ang bintana nito pero bakit ang lamig ng paligid ? :O

James: Itapat mo ang palad mo sa aking mga palad, Tapos sabay natin bigkasin ang pangako natin sa isa't-isa/

"Sigurado ka ba dito babes ?"

James: Pagkatiwalaan mo ako babes !

Nagulat ako nung biglang sumeryoso ang mukha ni James, natakot ako bigla kaya sinunod ko nalang ang mga dapat gawin para matapos na itong sumpaan na ito .

"Sige babes ! Simulan na natin !"

James & Erika: Nangangako ako, tayo lang sa isa't-isa, hanggang kamatayan . Wala ng iba !

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon