Chapter 1: Begin 2 Reach the END
Wahhh! Ma-lalate na ako! Seven o' clock na at iniwan ako ni ate sa bahay!
"Ada!" may tumawag sa akin at pagtingin ko ay si..... April! Ang pinaka bongga kong best friend na mahilig din maging late.
"April!" sinigaw ko din ang pangalan niya habang tumakbo siya palapit sa akin. "Nagpa-late ka din ba? Nahawa ka na ba sa sakit kong lateness?" tinignan ko siya ng masama habang tinignan yung relo ko.
"'D no! Hindi lang kasi ako ginising ni ate, tara na nga! Five minutes na lang bago mag ring ang bell at ayaw ko maiwan mamayang hapon" hinila ko siya sa direction ng school namin at tumakbo na kami.
"Ms. Matthew, late again, I see? But Ms. Justice, I expected more from you" ugh! hindi kami umabot sa bell, ten minutes late.
Ngayon, may detention ako ng one hour instead na pupunta ako sa mall at bumili sa bagong ice cream shop.
Pero, there's something worse in that detention room than waiting there with a teacher, ang pinaka epal na pagwapo na feeling at tiyanak na lalaki sa buong school.
Si Tyler Hunnson, my used to be best friend pero ngayon parang the bane of my existence. Noong nasa elementary kami, ang bait niya pero ngayong mag-gragraduate na kami ng high school, or should I say since nagsimula kaming mag high school, nag iba siya.
Napasama yata sa maling katropa tapos naging bully na. Malay ko sa kanya kaya ngayon, palaging nasa detention room siya kasama ng mga followers niya.
Ito ang main reason kung bakit ayaw kong mapunta sa detention room. BTW player din siya since 10 na yata yung naging girlfriends in one year, not counting yung ibang years ha?
"April! Ayaw kong pumunta sa detention room!" complain ko sa kanya since katabi ko siya pero nagsusulat lang siya sa isang one whole paper ng essay tungkol kay Adolf Hitler "Shh! Kailangan ko pa gawin assignment ko sa history" tinignan ko yung phone na nasa lap niya at kinokopya niya na lang yung buong paragraphs.
Grabe talaga 'tong si April.
"Ms. Justice!"
"Yes sir?!" tumayo ako biglaan since tinawag ako ni Sir Justin na galit "Pay attention to my class, or else you get another hour in detention" well, he sure knows how to blackmail people "Y-Yes sir!" he gave me a nod and I sat down while glueing my eyes to the board.
"AHHHHH!" a scream was heard down the hall habang binigyan kami ng activity na kailangan mag fill in the blanks. "Stay here, this must be another prank" sabi ni Sir bago lumabas at nagsikopyahan na kami.
"Ano sagot mo sa number fi-" hindi natapos yung tanong nung biglang may isang pang sigaw na sumunod hanggang naging chain reaction. Biglang tumahimik yung classroom... bago nagsilabasan sila para tignan kung anong nangyayari, mga chismoso.
"UY! Ada, tara na!" seryoso ka, April? "Ayoko nga, mas okay pa akong mangopya ng sagot dito kaysa tignan kung anong prank and nangyayari sa labas."
So, nauna na siya habang ako gumagala sa empty na classroom at nangongopya ng mga answers since chemistry itong test.
Pero napatigil din ako nung nakikita kong tumatakbo na yung mga students papunta sa gates. Nakita ko sila through the window at parang may stampede. Sigawan at tulakan ang nakita ko pero nagulat ako nung may kalabog sa pintuan ng classroom ko.
Grabe yung mga sigaw, parang pinapatay sila pero ba't walang ginagawa yung mga teachers, may nakita nga din yata akong teachers na tumatakbo palabas. May mga strange noises nga din akong naririnig eh, parang mga animal growls at chewing sound.
Pero ang pinakanakakatakot sa lahat ay yung sigawan ng mga tao. Tinapon na pabukas yung pintuan at napa talon ako pabalik pagkakita ko kay Sir Justin na may malaking sugat sa kanyang braso.
Nung na-lock niya na yung pintuan, pinunta niya yung attention niya sa akin at hawak hawak ko pa naman yung paper ni Faith, yung top one namin.
"SO, detention is called off, right?" awkward kong itinanong habang tinago ko yung papel sa likod ko bago itapon sa isang random desk.
Isang sheepish smile ang nasa mukha ko habang binibigyan ako ni Sir Justin ng isang glare.
"Not the time for jokes, Ms. Adaline."
Shems, seryosong-seryoso si sir pagtatawagin ka niya by your first name, usually ibig sabihin nito is expelled ka na pero wala pa akong ginagawa na masama.
Tahimik kaming dalawa for a few minutes habang pinag lalaruan ko yung buhok bago tumingin kay sir ulit.
Gosh, ang awkward, anong pwede ko masabi tungkol sa wound niya. Anong sasabihin ko?
'Are you okay?' mukha ba siyang okay!
"Sir, prank ba 'to?" dagdag kong tanong habang tinignan niya ako na parang idiot. "Does this look like a prank? Ms. Adaline, this is something serious. This could end the world" sabi niya, parang naalala ko yung line na yun sa isang movie.
Sige, i-rereply ko yung sinabi nung girl sa movie.
"I.... don't understand"
BINABASA MO ANG
High School Dead Rush
Teen FictionUsed to be called High School Zombie Run Halo everybody~! This is my first story on this account! Enjoy~ _____________________________________ Who would ever expect to wake up early in the morning for *cough* stupid *cough* school and get ready for...