ASARAN (One Shot)

1.1K 23 5
                                    

ASARAN written by: CrayonBerry.

Dedicated to the cover maker.

Enjoy reading!

----

Mariel's POV

''Tss. Mikki naman! Sige na oh please! Samahan mo na ko. Sandali lang naman 'to e, promise!'' - pamimilit ko sa bestfriend kong si Mikki.

''No Mariel. Sorry, I have a lot of things to do. Maybe next time, Okay?'' sagot naman niya habang patuloy pa rin sa pagsusulat ng kung ano.

''Tss. Ano pa nga bang magagawa ko? Sige, baboo nalang.'' nakasimangot kong saad tsaka lumabas ng classroom namin. Kami nalang kasi ang naiwan sa classroom dahil kanina pa nagsimula ang recess namin.

Tsk, ka-imbyerna talaga yung babaeng yun! Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko yun! Eh kahit kelan naman hindi ako n'on sinasamahan sa mga lugar na pinupuntahan ko. Ewan ko nga rin ba kung bakit ibang iba kami sa mga magkakaibigan na nakikita ko eh. Psh.

Naglakad nalang ako mag-isa papunta ng canteen namin which is malapit lang naman. Pang-labing limang hakbang ko na sana /Oo, binibilang ko eh/ nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko.

"Magandang umaga, binibini!" 

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko  sa narinig ko. Tinig lalake, at boses palang, alam ko na kung sino. And sht, kung minamalas nga naman ako, ngayon niya pa ko na-tsempyuhan!

At dahil nga na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, nagkaroon naman siya ng pagkakataong maakbayan ako. Asdfghjkl.

"Namumula ka yata?" natatawa niyang tanong dahilan para mas lalo akong mamula. Kinagat na yata ng isang daang langgam ang pisngi ko kaya ganito.

"A-ano ka ba, JC! T-tanggalin mo nga yang kamay mo! Ang bigat!" pagrereklamo ko habang sinusubukang alisin ang kamay niya sa balikat ko.

Pero tinawanan niya lang ako ng loko! @#$%^&*!

Naku, Kung hindi lang kita--aish. Nevermind!

''Bata ka talaga! Di mo parin kaya? Eh isang kamay palang yan ah? Hahaha!'' pang-aasar niya. Tsk,  Nagsisimula nanaman siya!

ASARAN (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon