--------Nilasap ko muna ang natitira sa kape ko habang nagmemeryenda sa karinderya nina Aling Bebang. tiningnan ko ang relo ko para i-check kung anong oras na at napakunot ang noo ko nung makitang malapit na palang dumating ang "customer" ko.
Don't get me wrong. Hindi ako prostitute at lalong lalo nang hindi ako yung pokpok na napupulot sa tabi ng daan.
Ininom ko sa isang lunok ang kape ko tapos nag-lapag ng 10 pesos sa mesa. Babalik nako sa lugar kung san ako nagtatrabaho- sa 'Villamayor's Funeral Parlor' sa kabilang dako ng kalsada.
Alam ko. My job's not the most glamorous job there is but okay lang naman sa 'kin 'to. It has a decent pay- enough to feed me and my family which consists of my parents and my younger sister na nasa third year high school pa lang. Kahit hindi natupad ang pangako kong maging isang sikat na beautician na napa-publish ang pagmumukha sa isang magazine eh, at least, naging beautician pa rin naman ako. Yun nga lang, para sa patay naman.
Napatingala ako sa langit at napagtantong uulan 'to maya't maya. Dumidilim na kasi ang mga ulap. Eto ang ayoko. Mas naaamoy ko kasi ang patay dahil sa moist condition ng funeral parlor kapag umuulan.
Pumasok ako sa back door ng gusali tapos lumingon sa malaking salamin na nakasabit malapit sa pintuan sa tabi ng isang antique na jar at itinali ang lampas balikat kong buhok. This is one way to prevent any form of unsanitary handling sa mga bangkay. I know it sounds gross pero ang mga rules na ina-apply sa pagkain sa mga fast food ay pareho rin sa mga rules na ina-apply sa mga funeral homes. Sanitary comes first.
Napapitlag ako nang may biglang humawak sa balikat ko.
"Reesethe. Nandito ka lang pala. San ka galing? Kararating lang ni Mr. Santiago rito," Sabi ng katrabaho kong si Ronald na embalmer namin rito.
"Baka kamo ni Mrs. Santiago. Ronald,ah. Makapagsalita ka parang buhay na buhay si Mr. Santiago. Kakarating ko lang rin galing kina Aling Bebang. And Reese na lang, please. Not Reesethe... teka. Diba ikaw ang nage-embalm? Eh bat ka narito?" Tanong ko sa kanya, nagtataka.
Kinamot ni Ronald ang batok niya. "Iihi lang naman saglit eh. Kasalanan ko bang nasa labas pa ang C.R. natin. Ah, oo nga pala... suicide raw ang cause of death ni Mr. Santiago. Nilaslas niya ang mga pulso niya."
Medyo kinabahan ako sa narinig. Konti lang naman kasi ang mga bangkay na dinadala rito na may suicide as cause of death nila. At bawal rin daw bigyan ng funerarya ang nag-suicide. Diretsong libing na ang kinahahantungan nila kasi labag rin naman sa bibliya ang sapilitang pagkuha ng sariling buhay.
I shivered involuntarily at bigla na lang kaming napatalon ni Ronald ng sabay nung kumulog.
"O sige, Reese. Magji-jingle muna ako ha. Nasa Embalming Room na ang katawan. Pakibantay naman, oh. Promise, madali lang 'to."
Ah. Ano ba 'yan. Eh mukhang ihing ihi na rin. "Oh, sige. Dalian mo ha."--------
Tahimik ang hallway nung dumaan ako papuntang Embalming Room. Usually kasi eh maririnig mo pa ang mumunting boses ng mga reporter sa radyo na binubuksan ni Kuya Carding sa kwartong pinaglalagyan namin ng files.
Ngayo'y napakatahimik ng paligid ko. Sanay naman ako sa ganito kasi malamang funeral home to eh. May iba lang kasi ngayon.
Siguro dahil lang 'to sa panahon. Nakikisabay ang ulan sa pagdadalamhati ng mga tao rito sa funeral parlor.
Tumigil na ako sa harap ng Embalming Room. Ewan ko ba kung sinong tanga ang gumawa ng double doors nito- made of frosted glass. Hindi man kita ng klaro ang ginagawa mo sa likod ng mga 'to pero may parte pa rin ng procedure na pinapakita sa mga dumaraan.
I pushed the doors and let myself inside the room. It wasn't very spacious but the walls, stark naked of any ornaments and painted with a harsh white color made the room look as if it was. May isang mahaba at malapad na metal table sa gitna ng kwarto kung san nakalapag ang katawan ni Mr. Abel Santiago. May tela pang nakatalukbong sa bangkay nito at hulmang-hulma ang features ng mukha nito underneath the pale sheet.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng lamig. Jeez, for fuck's sake. I've been doing this for nearly four years pero bat ngayon pa ako manenerbyos ng ganito?
Parang may hanging umiihip sa loob mismo ng kwartong ito kahit wala namang bintanang pwedeng pasukan ng hangin na nagmumula sa labas.
"Ah!" Bigla akong napahiyaw ng kumulog ng malakas sa labas. Tanginang ulan naman, oh. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn. My heart's beating like crazy.
Nagulat ako ng lumingon ako sa bangkay at nakitang nakaexpose na ang hubad nitong katawan. Nahulog sa sahig ang telang nakatakip rito. Ang putla ng bangkay at medyo nakaawang pa ang bibig na parang may gustong sabihin. Nasa late twenties pa lang siguro ito pero puti na ang karamihan sa mga hibla ng buhok nito. Nakalatay ang mga kamay at kitang kita ko ang mapupulang laman sa mga pulso nitong nakabuka na, may konting buto nang lumalabas. Napangiwi ako.
Dahil siguro sa hangin kanina kaya nahulog.
Kinuha ko ang tela at ilalagay na sana pabalik sa itaas ng bangkay pero natalisod ako't napahawak sa dulo ng metal table, my face inches away from the corpse's.
At, no. This isn't one of the famous love stories where magtatama ang tingin ng mga bida't maghahalikan.
I stared straight into Mr. Santiago's face and screamed nung bumuka ang nanlilisik nitong mga mata, bumabaon sa aking kaluluwa.Next update is due maybe tomorrow or next week on wednesday. :)
Cheers.
YOU ARE READING
UNDER THE CASKETS
Mystery / ThrillerLove knows no bounds, be it alive or be it dead.