Part 2: Reese's Pieces

1 0 1
                                    

--------

"Anong ginagawa mo diyan?" bumasag sa katahimikan ang boses ni Ronald.
Napalingon ako sa may double doors at nakita siyang mukhang naguguluhan sa hitsura ko- Parang gustong halikan ang patay.
Nang tumingin muli ako sa mukha ni Mr. Santiago, nagulat ako when I saw that his eyes were still closed.
Hindi ako namamalik-mata. I know what I saw was real.
Agad agad kong inayos ang sarili ko't napasinghap. "Ah... wala, natalisod lang ako."
Mas naguluhan si Ronald. "Kaya ka sumigaw?"
"Ron, ano ba. Alam mo namang O.A. ako, di ba."
Ronald chuckled a little. "Ah, okay. Baka kasi nagising mo ang patay dahil sa sigaw mo. Hala sige, salamat sa pagbantay. Ako nang bahala rito."
Lumabas na ako ng Embalming Room at dumiretso na sa kwarto kung saan ginaganap ang trabaho ko.
May kaliitan ang kwarto pero malaki naman ang pinto para may full access ang pagpasok ng kabaong at hindi 'to magigiba sa gilid.
Yung mga mayayamang pamilya ang may special request na ako pa mismo ang pumunta sa venue kung san nagaganap ang funeral. Dun ko na raw mismo gagawin ang magic ko. At kabilang si Mr. Santiago sa mga blue-blooded.
Inihanda ko na ang mga gamit ko para sa pagme-make-up. May mga airbrush foundation pa ako, syempre malinis dapat ang trabaho, di yung palipat lipat ang foundation brush mo sa mga pisngi ng patay. Kaya di ako gumagamit ng foundation brush.
Nilagay ko ang mga ito sa isang itim na shoulder bag na property rin ng funeral parlor na 'to tsaka nagtungo sa lobby malapit sa front entrance.
Nakita ko si Mrs. Santiago na nakaupo sa kulay puting bean bag chair na dati ko nang nilinisan dahil sa may nagkalat ng suka niya rito. Naglasing ang teenager na 'yun dahil sa yumao niyang pinsan.
The widow looked up at me at nakita kong magang-maga at pulang pula ang mga mata nito.
"I- ikaw ba ang mortuary make-up artist?" Nanginginig niyang tanong.
I nodded and offered her a small smile full of sympathy. "Ako nga po. Reese Flaviano. Condolence po."
I held out my hand and she shook it firmly. "Thank you. Nice to meet you."
"Ah.. di ba dun po sa St. Maria Goretti Parish ang misa?"
"Yes... dapat wala pang mga bisita maayos na ang lagay ng asawa ko,ha?"
"Yes, Ma'am." Medyo bossy pala itong si Mrs. Santiago.
"Anong oras niyo ba siya dadalhin sa simbahan?" tanong niya't napahilamos ng knyang mukha na parang pasan niya ang mundo sa mga balikat niya.
I pursed my lips thoughtfully. "Alas ocho po. On the dot."
She sighed and nodded. "Sige, sige. Uuwi lang ako saglit. Kukunin ko lang ang barong niya."

--------

Napakaganda ng mga bulaklak na naka-align sa gilid ng pathway. Nakita ko na the pathway leads to a clean and empty playground.
May slides, swings, monkey bars, at benches ang playground pero wala akong nakitang ni isang batang naglalaro.
I surveyed my surroundings. Wala along nakikitang ni isang tao sa paligid.
Nagtataka man, lumapit ako't umupo sa isa sa dalawang swing na magkatabi at mas nagulat ako nang makitang nakasuot ako ng isang kulay pulang bestida na animo'y gawa sa petals ng maraming rosas.
Asan na ang uniporme ko sa trabaho na black slacks at white polo shirt?
"Reesethe. Kamusta ka?"
Nagulat ako nang marinig ang tila bang malalim na boses ng isang lalaki sa tabi ko.
Lumingon ako at nakita si Mr. Santiago na nakaupo sa swing na nasa tabi ko.
Dahan-dahan niya akong tiningnan at sumigaw ako nang makita kong wala itong mga mata, nagdurugo ang mga butas kung san dapat nandun ang mga mata niya. Lumalabas ang mga berde niyang ugat sa mga sulok ng nakaawang niya bibig.
Bumubuka ng bumubuka ang bibig niya hanggang nakarinig ako ng tunog na tila bang butong nababali at biglang nahulog ang panga niya't tumalsik ang napakaraming dugo at pira-pirasong laman ng kanyang gilagid sa mukha ko.
"AAAH!!!" Walang akong nagawa kundi mahulog sa lupa dahil sa sobrang gulat sa nangyari...
At mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makita muli ang paligid ko- naging pula ang sinag ng araw at binalutan ng pulang liwanag ang buong paligid na parang dumurugo na rin ang hangin. Sirang-sira ang playground na kanina ay mukhang bago pa- nasusunog ang mga swing at ang monkey bars at basag ang gitna ng slide.
Tumayo mula sa umaapoy na swing ang nakakatakot na bangkay ni Mr. Santiago at bigla akong sinakal ng ubod ng higpit. Gustong pumutok ng hininga ko mula sa aking bibig. Nakakapaso ang malaking kamay na nakabalot sa leeg ko.
His eyeless face moved close to mine. "Nice to meet you hija."
I screamed at the top of my lungs.
Bigla kong inangat ang ulo ko mula sa mesa kung san ako nakapatong. Panaginip? Isang panaginip? But... why did it looked so real? Why did it felt so real?
Tagaktak ang pawis sa noo ko at ang bigat ng pakiramdam ko na para bang nakaweeds ako ng wala sa oras. Nandito pa rin pala ako sa likod ng simbahan.
Napahilamos ako ng mukha ko. "Ugh. Reese. Stop it. Stop this. Tinakasan ka lang naman ng katinuan mo ng limang segundo. Reesethe Monroe Flaviano. I'm warning you. Wag mo nang ulitin ang nangyari dati. It's not your fault. Naiintindihan mo ba? It's not your fault."
Tumayo ako at itinabi ang stool na inupuan ko. Umuulan pa rin sa labas. I checked my watch. It's 7:38 A.M.
Konting kembot na lang at darating na sila.

--------

Kumakain ako ng Hansel biscuits at umiinom ng baon kong mineral water nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng puting van na pahaba na papalit sa simbahan. Ito na ang service ng Villamayor's Funeral Parlor.
Excited akong tumayo at sumilip sa isa sa mga mosaic glass window na bumuo ng pigura ni Jesus na nakaharap sa driveway ng St. Maria Goretti Parish. Nakapark na ang van dun at nilalabas na ng Villamayor crew ang kabaong ni Mr. Santiago.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at tumayo ang balahibo ko ng maalala ang napaniginipan ko kani-kanina lang. Kailangan kong ilabas yun sa isipan ko.
"Reese! Andito na kami. Sarey we kept you waiting." Sabi ni Manong Ricardo na isa sa mga tumulong sa pagbuhay ng coffin papunta sa kwarto rito sa likod ng simbahan.
Inilapat nila ang kabaong sa malapad na mesang nasa gitna ng kwarto.
"Okay lang po Manong. Hindi naman kayo tumagal eh."
Binuksan ni Ronald ang lid ng coffin at I suddenly realized na di ko matingnan ng maayos ang bangkay na nasa loob.
Umalis na ang mga ibang tumulong maliban kay Ron. "Oh, Reesethe, dun lang kami sa harap ah. Tawagan mo lang kami kapag tapos kana."
Napalunok ako. Why do I feel so nervous? Damn it. "Sure. Thank you, Ron."
Akmang lalabas na sana si Ron pero napahawak ako sa braso niya't pinigilan siya.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa 'kin pero I just shook my head and smiled.
"One more Reesethe and isusumpa kong magmumukha kang espasol."
Ngumiti at umiling na lang ang mokong.
Nang makaalis na ang lalaki ay hinarap ko ang nakabukas na kabaong yari sa matibay na polished wood na mukhang mas mahal pa kesa sa pinagsama-sama kong pera para sa computer ng kapatid kong si Elfie.
Kinuha ko ang bag na pinaglagyan ko ng make-up at tumayo sa tabi ng kabaong.
Mukhang sapat lang naman ang formalin na nilagay ni Ron sa katawan ni Mr. Santiago kaya mas naging firm ang balat nito, a welcoming canvass na mas madaling mabahiran ng foundation.
Nilabas ko ang airbrush foundation set at inassemble ito. Tapos itinutok ko 'to sa pisngi ng bangkay.
Sinimulan ko na ang pagme-make-up.
Nagtaka ako kung bakit ang kapal ng foundation na lumabas mula sa spray pero pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Gusto ko na talagang makaalis dito.
Unti-unting nagbabago ang beige na foundation ng kulay... parang mas naging makapal pa at may mga kulay pulang butil na naghahalo sa foundation. Tila ba dugo.
Tumigil ako at tiningnan ito ng mabuti. What the hell?
Is this fucking BLOOD? Tiningnan ko ang laman ng foundation at nabitawan ko ito nung napagtanto kong dugo nga ang laman. Nagkalat ang sariwa pang dugo sa sahig.
I can't believe it. No. This can't be happening. Imposible. Sunod sunod ang paglunok ko ng laway dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko ngayon.
Reesethe... Reesethe...
Parang may tumatawag ng pangalan ko sa loob ng isipan ko. Biglang sumakit ang ulo ko.
"Ano bang nangyayari sa kin?" Hilo kong tanong sa sarili habang nakayuko at unti-unting napapaupo sa sahig.
Biglang dumilim ang paningin ko. Ang huli kong nakita ay ang dalawang nakasapatos na paang dumampi sa sahig galing sa kabaong nakabukas at lumalapit sa 'kin.



Fun fact: The original name that I thought would be perfect for the lead was Sarah. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNDER THE CASKETSWhere stories live. Discover now