Eliz POV.
Kararating ko lang galing school at 7pm na hayst tiring day -_- Yung babaeng umiiyak kanina her name is Kris .
Classmate din namin siya pero di siya pumasok kasi nga binully daw siya kanina kaya umiiyak siya. Tsk humanda sakin yung mga nambully kay Kris .
Andito ako ngayon sa kwarto ko si Ante naman namamalengke pa daw kaya diko siya naabutan .
Maya-maya may kumatok sa pintuan kaya lumabas ako ng kwarto para pagbuksan baka si ante na.
Tok tok ...
"Teka lang ho "-Sigaw ko. Syempre para malaman nila na may tao nga.
Pagbukas ko isang lalake ang bumungad sakin para siyang deliveryboy ng sulat hehe tama ba yun?
" Ahm Ms. Lileth Sandoval ? "-Tanong ng lalake.
" Ante ko ho yun. Bakit ho?"-Tanong ko naman.
May kinuha siya sa bag niya na letter saka ibinigay sakin
"Sulat po galing sa bangko. Pakipirmahan nalang po dito "-Utas ni Kuya.
Pinirmahan ko yun saka nagpasalamat , Sinarhan ko yung pinto saka pumunta sa kusina.
From : Bank of the Philippines.
To : Ms. Lileth Sandoval
Hmmm ano kaya to? Mabuksan nga.
Pagkabukas ko laking gulat ko ng mabasa kung ano ang laman ng sulat. Mawawala na ang bahay namin? Naisangla ni ante ito? Kailan? Paano? Ito ba yung palaging iniisip ni ante kaya palagi siyang tahimik? Bat di niya sinabi?
Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako mahal ko ang bahay na to ayokong mawala to kailangan may gawin ako.
" Tanggapin mo sana ang offer ko ikaw nalang ang pag asa ko Ms. Elizabeth "-
Hindi ko alam pero bigla nalang yan lumabas sa isip ko. Tama alam ko di ako magsisisi pag nilapitan ko si Sir David kukunin ko ang offer niya.
Kahit galit ako sa anak niya pag tyatyagaan ko siya para kay ante , para sa bahay namin.
Lumabas ako ng bahay para pumunta sa school maaga pa naman kaya siguro nandun pa si sir . sana lang...
Andito nako sa tapat ng school at nakita ko yung guard lumapit ako.
" Kuya guard nanjan pa ho ba si Sir David ?"-Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa .
"Anong kailangan mo ?"-Maawtoridad niyang tanong. Kakatakot naman si koya . hahaha
" Ahm gusto ko lang ho sana siya makausap"-Nakangiti kong sagot.
"Hindi pwede. Gabi na bukas mo siya pwedeng makausap pauwi na rin si Sir david kaya bawal na. "-Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Bukas? May pasok nako haysst.
Aalis na sana ako pero may tumawag sakin na ikinatuwa ng diwa ko.
" Elizabeth?"-Nagtatakang tanong ni Sir David.
Lumapit ako sa kotse niya saka nagsalita .
"Sir pwede ho ba tayo magusap?"-Tanong ko sakanya. Kinapalan ko na ang mukha ko
" Tungkol saan ija ? "-Tanong niya naman saakin.
" Tungkol po dun sa offer niyo "-Nakayuko kong sambit.
"Sure ija tara coffee tayo. Sakay kana. "-Sir David.
Sumakay naman ako. Mapagkakatiwalaan naman si sir eh mabait naman siya..
After 15 minutes dumating na kami sa isang restaurant shems . naka pang bahay lang ako T.T
Bumaba na kami saka tinungo ang restaurant.
" Good evening Sir DelaRama "-Waiter .
Napansin kong lahat ng crew dito sa restaurant nag yuyukuan ganun na ba talaga kayaman si Sir David?
" Good evening table for 2 please. "-Sir David.
Tinignan naman ako ng waiter bago nagsalita ulit.
" Yes sir. This way sir "-Waiter.
" This Restaurant is mine also. "-Nakangiti niyang sambit.
O.O
Sakanya pa to?!!"
"Grabe sir ang yaman niyo po talaga. "-Nakanganga kong sagot. Shems
Umupo na kami sa sinabing table nung waiter .
Umorder naman si Sir David ng pagkain.
"Order anything Eliz wag kang mahiya"-Nakangiting alok ni Sir David.
Dyosko gusto ko man kapalan ang mukha ko may hiya parin naman ako hihi
"O-okay lang po ako sir. Coffee nalang po "-Nakangiti kong sagot.
Tumango naman si sir saka sinabi ang order namin.
" So Eliz anong pag uusapan natin?"-Diretsang tanong niya.
"S-sir tatanggapin ko na po yung offer niyo "-Anya ko.
" Ohgod thankyou eliz hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon "- Halata naman Sir choos.
" Sir may hihingin lang po sana ako sainyong tulong po sir please po tulungan niyo po kami ng ante ko mawawalan na po kaming bahay sir "-Umiiyak kong kwento saka hinawakan ang kamay ni sir.
"Eliz hindi mo na kailangan magmakaawa yung pagiging P.A mo lang sa Anak kong halimaw *chuckle*napakalaking tulong na yun "-Nakangiting sagot ni Sir David .
"*sniff* Pagtyatyagaan ko po si Hunter kahit po ipagtabuyan niya ko para po to sa ante ko salamat po sir thankyou po talaga ng marami "-Mangiyak-ngiyak ko paring pasasalamat.
" Okay na Eliz ako ng bahala sa bahay niyo wag ka ng mag alala , Bibigay ko sayo yung address ng bahay namin pumunta ka sa Sabado pag uusapan natin yung Deal sa pagiging PA. mo "-Binigay ni sir ang address nila .
" So pano? Pahahatid na kita sa driver ko gabi na rin "-Tumayo na si Sir David at inayos ang damit niya.
" Naku po sir wag na po may ko-commute nalang po ako "-Sagot ko sa alok ni sir.
" No. Baka mapano ka pa jang bata ka wag kang mag alala may kotse pakong bakante jan sa parking ng restaurant. "-Sir David
Wala nakong nagawa kaya nagpasalamat nako kay Sir David at sumakay na sa kotse niya. Sobrang saya ko talaga ngayon hindi na mawawala yung bahay namin pag tyatyagaan ko nalang yung halimaw na yun tutal tatay niya naman nag hire sakin kaya okay lang.
Humanda ka Reed Hunter titino ka din
...After 30 minutes nakarating nako sa bahay at naabutan ko si tita na natutulog na sa sofa kaya naman lumapit ako.
" Ante gising po "-Dahan dahan kong tapik sakanya.
" Hmmm Eliz?"-Mumukat mukat naman ang mata ni ante.
"May pinuntahan lang po ako ante lipat kana po sa kwarto "-Anya ko kay ante saka ko siya inalalayan tumayo papunta sa kwarto niya.
" O siya sige kumain kana lang jan nagluto nako jan ng sinigang matulog kana din may pasok ka pa bukas "-Pag papaalala sakin ni ante saka tinungo ang kwarto niya.
" Good night ante "-Pahabol ko
Yung sulat galing bangko tinago ko nalang ayoko ng mag alala si ante nagawan ko na naman ng paraan eh. Thankyou kay Sir David.
Another day tomorrow ~
---------
Yow guys ? So kamusta? Omoooo may deal na sila ng tatay ni Hunter . mag sisimula na kalbaryo ng buhay ni Eliz hahaha joke lang:D
Support my story .
BINABASA MO ANG
P.A Of The Badboy
Teen FictionBad boy? Anong alam ko sa badboy? Basagulero? Masama ang ugali? Walang respeto? Ano pa . Pero lahat yan nagbago ng nakilala ko siya ng tuluyan, may malalim siyang dahilan kung bat siya nag ka ganun . Minahal ko siya dahil BADBOY siya at hindi magbab...