PATBB5

17 0 0
                                    

Third Person POV.

Nag daan ang mga araw at nagtuloy tuloy ang banggaan nina Eliz at Hunter walang gustong magpatalo ngunit hinayaan na lamang ito ng principal na ama ni Hunter dahil alam niyang nakakuha na nga ng katapat ang nag iisa niyang anak.

Samantala nag aayos na ng sarili si Eliz dahil ngayon ang punta niya sa Mansion ng mga DelaRama upang pag usapan ang mga bagay tungkol sa pagiging P.A niya sa anak nito.

"DelaRama subdivision pati ba naman ito pag mamay ari nila grabe ang yaman talaga nila *o*"-Manghang mangha naman si eliz sa nakikita niya .

Nandito na siya sa subdivision ng nasabing address na binigay ni Mr. Delarama

Lumapit siya sa guard upang magtanong kung saan ang bahay ng mga DelaRama .

" Ahm kuya san po dito yung bahay ng mga DelaRama?"-Tanong niya sa guard.

Tinignan siya ng gwardya at kinilatis muna.

"Bakit anong kailangan mo? Inaasahan ka na ba ni Mr. DelaRama na pupunta dito?"-Tanong saknya ng gwardya.

" Ay opo pinapupunta po talaga ako ni Sir David dito. "-Sagot niya sa tanong ng gwardya.

" Saglit lang "-Tugon naman ng gwardiya.

Eliz POV.

May kinontak si kuya sa telepono siguro ichecheck talaga kung kikitain talaga ako ni Sir David grabe naman anong akala nila sakin may gagawing masama kay Sir ? Tsk.

Maya-maya lang binaba niya na ang telepono at saka ako tinignan.

" Sasamahan ka ng ibang guards dito pasensya na kung matagal kailangan pa kasi naming icheck nag iingat lang kami "-Pag papaumanhin ng gwardiya.

" Okay lang po. "-Nakangiti ko namang sagot.

Pumasok nako sa gate at 2 guard ang nag guide saakin patungo siguro sa bahay nila Sir David.

Huminto kami sa isang mansyon ito na ba yun? Shemsss ang laki O.O

" K-kuya ito na p-po ba yun?"-Nauutal kong tanong. Ntawa naman ng mahina si kuya

"Oo yan na nga. Pumasok kana nag hihintay na si Mr. Delarama sa loob"-Manong guard.

" S-salamat po "-Pagpapasalamat ko .

Nag door bell muna ako at maya maya lang din ay may nagbukas na babae na mukhang katulong dito mga kasing edad ko lang siya.

" Good morning po Maam"-Bati saakin na ikinagulat ko . Maam??

"Ay naku ate di po ako Maam dito hehe magiging katulong din po ako sa anak nga lang "-Natatawa ko namang tugon.

Nakita ko naman na medyo nagulat siya. Diko nalang ito pinansin at nag deritso na lamang sa loob.

Shems ang laki ng bahay *o* Halata ding mayaman talaga ang nakatira dahil sa mga kagamitan.

"Good afternoon Eliz buti nakarating ka ?"-Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Sir David nalilibang pa nga ako :D Haha.

" Ay good afternoon po sir "-Yumuko ako bilang pag galang syempre nasa loob ako ng pamamahay nila no.

" Dun tayo sa office ko. Sumunod ka "-Nauna na si Sir david sa paglalakad at ako'y sumunod lang.

Pumasok kami sa isang opisina syempre makikita mong malinis ang may ari ng kwartong ito .

"Maupo ka iha "-Yaya saakin ni Sir David .

Umupo ako sa tapat ng lamesa niya.

" So Eliz lets talk about the deal "-Sir David

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Sir David. Syempre diko parin alam kung anong pinasok ko T.T

" S-sige po"-Kinakabahan kong sagot.

"Eliz I need a P.A of my son , kailangan niya ng kasama araw araw , kailangan niya ng mag sasaway sa mga pinang gagawa niya " Tumango nalang ako sa sinabi ni sir.

Nag diretso naman siya ng pagsasalita .

"Si Hunter ay isang bad boy , kahit sino binubugbog niya basta binangga siya at ayokong nangyayari yun naaawa ako sa nabubugbog niya at sakanya "-Malungkot na kwento ni sir david.

"Eliz please pag tyagaan mo ang anak ko , Alam ko ikaw lang ang makakatulong saakin para mapabago ko siya. "-Naluluha-luhang pag sususumamo ni Sir David .

"Gusto kong dito ka tumira sa bahay namin para mas lalo mo siyang mabantayan , para magising siya pag oras na ng pasok ni-----"-

" T-teka lang po sir. Paano naman po ang ante ko? Wala po siyang kasama "-Patutol ko .

" Every weekends naman uuwi ka . at eliz yung bahay niyo tulong ko yun sayo and then meron ka parin namang sweldo 10k a week "-Sir David.

O.O 10k srsly?

" S-seryoso po sir?"-Paninigurado ko aba baka jinojoke lang ako neto ni sir.

"Yes . Alam ko kasing mahihirapan ka sa anak ko "-Nakangiting sabi ni Sir David.

Nag dadalawang isip parin ako anong gagawin ko? Kukunin ko ba ? Pero kasi..
Sayang yung 10k para makaipon na din ako at makatulong kay ante. Hayst bahala na.

" Payag napo ako sir :)"-Nakangiti ko namang pagtugon

Tumayo si Sir david saka ako kinamayan.

"So deal ?"-Sir david.

"Deal"-Kinamayan ko si Sir david tanda ng pag tanggap ko ng deal niya.

" Thankyou so much Eliz sana wag ka agad sumuko sa anak ko "-Sir david.

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Sir david at saka lumabas ng opisina niya. Nag insist si Sir david na ipahatid ako sa driver niya pero tinanggihan ko ito . Kailangan ko ng kausapin si Ante linggo na bukas .

Bukas na rin ang punta ko sa bahay ng mga DELARAMA at dun nako titira at matutulog T.T Sana lang talaga di maging emyerno buhay ko sa Hunter na yun pshh -,-

------

(Ito po yung araw na sinuntok siya ni Ellise)

Reid Hunter POV.

Urgh that girl !! Humanda talaga siya sakin nagkapasa ako dahil sa lintek na suntok niya siya palang nakakagawa sakin nun !!

" Dude easy babae lang yun "-Pagpapakalma saakin ng isa sa kaibigan ko.

I have 3 best of friends tssk baduy.
Seth , Kevin, & Paulo lumaki kmi ng sabay sabay na mga magulang namin ay magkakaibigan na din simula childhood.

Tsk napapahaba na. Back to that girl urgh how i hate here so much.

" No. She's not just an ordinary girl she's a monster ansaket nung suntok niya fuck!"-I yelled.

"Tsk. Tsk. Tsk. Parang nakahanap ka na ng katapat mo dude "

Thats Kevin.

"I swear papahirapan ko siya mag sisisi siya
na sa university ko pa siya nag aral "-Ngumisi ako na parang sigurado na sa gagawin ko.


Elizabeth ? Hmm not bad may libangan nako buong taon 😈

-----------

Authors Note :

Next chapter na po ang pag sisimula ng pagiging P.A ni eliz at dun na rin siya titira sa mansyon ng mga Dela Rama goodluck eliz HAHAHA :D

Support my story mwa 😘

P.A Of The Badboy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon