Narrator's Pov
Isang malakas na tunog nang bell ang nag hudyat na maari nang mag lunch ang mga estudyante sa Eros University. Ang kaninang malinis na hallway at halos walang nag dadaanan ay ngayong puno ng estudyanteng nag kukumahog maka punta sa kani kanilang destinasyon.
May mga grupo ng babaeng para nang clown sa sobrang kapal ng make up, may grupo rin ng mga misteryosong babae hindi rin mawawala ang ordinaryong estudyante. Sa kabilang banda makikita mo kung paano mambully ang ibang lalaki sa isang kaawa awang nerd. May mga nag lalandian na din ngunit ang nag patigil sa lahat ay ang masayang boses ng isang babae.
" Baby Cupcake Ko!!!!!! Intayin mo ko! "
Tahimik ang buong hallway habang nag tatatakbo naman ang isang babaeng humahabol sa isang lalaking relax lang kung mag lakad. Ang lalaking sobrang tahimik at ang isang babaeng sobrang ingay na nag mamahalan.
Hinihingal na napakapit sa braso ni Rylee ang kasintahan nitong si Anna.
" Hinihingal ka nanaman "
Sabi ng binata sa dalaga habang pinupunasan ang mga pawis nito kinuha nito ang tubig niya na binili niya na bago pa mag tatakbo ang babae. Laging ganito ang eksena kaya nasanay na si Rylee na bumibili agad ng Mineral water." H-ha! H-ha! Ikaw kasi h-ha ang laki laki mo ang haba ng pata mo h-ha di kita maabutan baby cupcake "
" Tsk Sinabihan na kita diba. "
Nag lakad na ulit ang binata papuntang canteen. Kumapit naman ang babae sa braso nito." Sorry na baby cupcake I love you "
Namula ang tenga ng lalaki ngunit di ito napansin ng babae dahil sa mas matangkad ito sakanya." Wag mo na kasing uulitin yun. Napaka kulit mo. I love you more. "
Napangiti naman ang babae at nag simula ng dumaldal nang dumaldal napa buntong hininga naman ang lalaki sa sobrang ingay nito. Hindi niya lubos maisip kung paano siya na inlove sa babaeng napaka ingay na halos mabaliw na siya sa kadaldalan nito.
Nabalik naman ang lahat sa dati nilang ginagawa. Pag karating na pag karating ng mag kasintahan sa canteen ay napa sipol ang isa sa mga ka team mate ni Rylee.
" Andyan na pala ang Unexpected Couple e! "
Nag tawanan naman ang mga kasamahan nito sa table ng mag salita ang isang lalaki nang UNEXPECTED. Maski sila ay nagulat dahil di lubos maisip ng mga ito na napag ttyagaan ng binata ang kaingayan ni Anna kahit na ayaw na ayaw nito sa maingay." Mga gago "
Naiiling na naupo sa isang bakanteng upuan si Rylee. Napakamot siya sa noo niya ng may bumatok nanaman sakanya." Baby cupcake ang sabi ko bawal ang bad words! "
Hindi pa nakuntento si Anna at piningot pa ito na nag papula sa tenga ng binata." Hayys Stop! Get me some foods cupcake I'm starving "
" Okay Baby Cupcake "Humalik naman ang babae sa pisnge ng lalaki tyaka masayang bumili ng makakain kumakanta pa ito ng biglang may bumangga rito.
" A-aww "
Naiiyak na sabi ng Dalaga sa lakas ng pag kakabunggo ng isang lalaki sakanya." Sorry miss nag mamadali kasi ako "
Tinulungan ng lalaki si Anna na tumayo dahil napa higa ito sa sahig. Naka hawak pa sa kamay ng dalaga ang lalaki ng biglang may mag salita sa likod nito." Back off Lindon. She's mine. "
Napa lingon naman ang lalaki kay Rylee na masamang naka tingin sakanya. Naitaas naman niya ang dalawang kamay niya sa ere na parang sumusuko." Fine fine my dearest cousin. So Ikaw pala ang bukambibig ng pinsan kong hmmm hmmm! "
Hindi na natuloy ng binata ang sasabihin niya ng takpan ni Rylee ang bunganga nito. Sinamaan naman niya ito ng tingin.
Naka tingin naman ang dalaga sakanilang dalawa na takang taka.
" Get lost "
Napa tawa naman ang binata kaya lalo pang sumama ang tingin rito ni Rylee." hahaha fine fine cousin aalis na ko. Bye Anna "
Naka ngiting kumaway naman si Anna." Baby cupcake sino yun? "
" He's nothing "* Fast Forward *
Nasa training ang binata dahil sa malapit na ang laban nito tapos naman na sa pag ppractice ang cheerleader captain na si Anna dahil sa bored na bored na ito ay pinaki alaman na niya ang bag ng kanyang kasintahan.
' Journal? '
Takang kinuha ni Anna ang nag iisang sobrang kapal at kulay Silver na journal book ni Rylee.Binuklat niya ito at ang bumungad sakanya ay lalong nakapag pataka sakanya.
Isang makulay na first page ng journal ang bumungad sakanya. Journal Of Rylee Psyche ت
Sinimulan niya na ang pag babasa. At halos lumuwa ang mata niya sa lahat ng nababasa niya. Hindi siya makapaniwalang ibang iba ang ugali ng binata sa journal nito kumpara sa personal na pakikitungo nito sakanila.
* After 30 minutes *
Tapos na sa training ang binata kaya naman nag lakad na ito deretso kung saan naroon naka upo ang kasintahan niya. Nanlalaking mata na napatakbo siya ng makitang binabasa ng dalaga ang Journal niya.
" Shit "
Yan na lang ang nasabi ng binata.Hindi namalayan ng dalaga na kalahating oras na pala ang nakaka lipas at nasa ika huling pahina na siya ng journal nang biglang may kumuha nito sakanya.
" Hey! "
Napa hiyaw siya ng may umagaw ng journal sakanya. Nakita naman niya ang hiyang hiya na itsura ng binata at sobrang pulang tenga nito. Napa ngiti naman siya." Hahaha Baby Cupcake ikaw a! "
" Shut up! "
" Nako shut up daw o ayiiieee hahaha nag papa manicure ka pala? Kelan ka pa nag pa spa bakit di mo ko sinabay? Mas jolly ka pa pala sakin -- "* Tsup *
Natahimik naman ang dalaga na ngayon ay para ng kamatis sa sobrang pula.
" Bakit kasi binasa mo "
" Sorry "
Ikinapit ni Anna ang mga braso niya sa leeg nito tyaka nito ikiniskis ang ilong niya sa ilong ni Rylee." I love you Baby Cupcake "
" I love you more "" Hindi ko maintindihan baby Cupcake pero kahit na Mas madaldal at mas maarte ka pa sakin mahal na mahal pa din kita "
Sa takot na makiliti ay dali daling nag tatakbo ang dalaga kaya hinabol naman siya ng lalaki.
" Waaaaa hahahaha Baby cupcake wag mo ko habulin! "
" Anong wag! Pag nahuli kita Cupcake humanda ka sakin! "Nagtatakang naka tingin ang mga ka team mate ni Rylee kay Rylee na naka ngiting hinahabol si Anna. Ibang iba ang ugali nito. Ugaling kailanman di niya pinakita sa ibang tao. Ng dahil lang sa isang Journal nabunyag ang ugaling halos pinaka sisikre sikreto ng isang binata at ito ay ang pagiging..........
MASIYAHIN at pagiging MAINGAY.
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N:
Ang pangit-.-
Hehe peace sorry na atleast nakaka kilig naman ka sweetan nila. Pustahan ang iniisip ng ibang readers si Rylee yung crush o boyfriend niya tas si Anna sila. Hahaha ganun naman lagi e. Yung nasa multimedia yan si Anna pag naka anime. Ang ganda niya no? Nakaka inlove. Mapag sikreto pala si Rylee.😂
Pag sinipag ulit ako gagawa ako ng iba pang story. Pati na din ang sequel nito o kaya pag di ako nakuntento gagawan ko sila ng mahabang kwento sisimulan natin sa kung pano sila nag kakilala. Comment kayo kung anong magandang story na i ooneshot ko. I need feed back din kung mayroon man akong kailangan i improve sa pagiging writer. Salamat.Love,
Author ArnArnSlo.
BINABASA MO ANG
Reading My Boyfriend's Diary
Novela JuvenilPati pala lalaki ngayon nag ddiary na? Nang dahil sa Diary ng Boyfriend ko nakilala ko kung anong other side niya ang Di niya pinakikita in public. Isang ugali na di mo aakalaing tinataglay ni Rylee Psyche isang cold but a lover boy guy.