Thanks for adding this to your library :"> Labyu! :* Emeged! :)
Salamat talaga :)
----------x
"Good Morning Jude!" hayyy. Ang sarap bumangon sa umaga. Makikita at makakatabi ko na naman ang crush ko. Thank you sa pagpapasmile sakin Jude ko.
Hahahaha. Umagang-umaga naglalandi? Jusko Sam!
Hihi. Sorry po Lord. Good Morning po! Salamat po sa bagong araw na 'to. Sana po maging masya ang lahat :)
Matapos magpasalamat ay bumangon na ako't ginawa ng mga ritwal ng normal na babae sa umaga pero syempre with extra effort kesa nakasanayan. Hihi. Ne be yen! Neseye ne eng lehet. nye nye! LR!
"Good Morning bespren at bangag na Shaylie!" bati ko sa kanila pag upo ko sa upuan ko. Hihi. Anong oras kaya dadating yun?
"Good Morning!" sabay nilang reply sakin nang hindi tumitingin. Ay? Snobbera lang ang peg nila?
Si Krizia, nagbabasa ng BTCHO na book. Bili kayo pala nun. Ang ganda swear! Ay wait! yung pangalan ni bespren, kapangalan niya yung bespren ni Ate Nami! Emeged! Galing ni bespren ah! Haha. Going back..
Si bangag na Shaylie naman. Ayun! Bangag nga at nakaupo pa sa upuan ni Jude may labs. My labs talaga? Haha :D
Ang kapal nito kay pinaalis ko siya kahit napakahirap niyang paalisin. Aba! Matikas to ah!
"Excuse me, marami pang upuan. Kanina pa ako nakatayo dito." Cold na sabi ni Jude. Emeged! Si Jude?! Napatulala naman kami ni Shaylie at natigil sa pagpapaalis sa isa't-isa.
Emeged! Kinausap kami ni Jude?! Emeged!
"Hoy! Uupo daw yung tao. Tutunganga pa 'tong mga ewan na 'to!" nabalik naman ako sa earth nang hampasin ako ni Krizia. Oww. Sorry nama daw po. Nakakahiya ako! Kaya umayos ako ng upo.
"Hihi. Hi Jude! Eto na upo ka na." Tumayo naman si Shaylie at hinawakan sa--- HINAWAKAN?! Aba aba! Hinawakan niya sa wrist si Jude at pinaupo.
Napansin ko namang napakunot noo si Jude. Hahaha! Cute cute talaga niya forever! Handsome :"> Enebey! lol
"Marami pang time bes. Makakascore ka din." nagulat naman ako ng biglang bumulong si Krizia sakin. Baliw to! Maka-score talaga? Parang iba kasi. Oh ako lang ang--! Wala! Hahaha
"HAHAHAHAHA benta mukha mo bes." luh? mukha ko daw! sapakin ko to eh -.-
"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya at humarap kay Jude at at... wala. Naka headphones na nakatungo sa desk niya, Okay. Tutulog na naman po siya. Hayy.
"Hi babe!" lumapit si Marco sa amin este sa kay bes pala at inakbayan ito. Agad naman tinatag ni bes kamay ni Marco. Sabay inirapan at umalis. Hahahaha :D Cute ni bes!
"Anyare dun?" sabi ni Marco at humarap sakin. "Hi..." at napaisip naman siya. Di na naman niya alam pangalan ko -.- Nako!
"Sam." at ngumiti siya nung sinabi ko ang pangalan ko. "Ayun! Sam pala. Hi Sam!" at kumaway sakin. Haha cute din nito ni Marco pero mas cute si Jude :P Haha. Lam na dba?
"Si bespren lang kilala mo samantalang pag lumalapit ka sa kanya parati niya ako kasama." sabi ko sa kanya na parang nagtatampo. Ay? Nagtampo? Close kayo? Haha
"Hahaha sorry naman daw." Tumayo siya at lumapit kay Jude at tinanggal ang headphones nito. "Matutulog ka lang na naman jan pre?" Tanong nito.
Walang reaksyon si Jude. Tulog na agad?! Di ba 'to naututulog sa kanila? Sabagay, sikat eh tas dami pang mall shows. Baka nga. Kawawa naman si Jude. Hayyy. Gusto ko siya alagaan. Ayt? Hahaha
Dahil wala namang nakuhang sagot si Marco, nagpaalam na siya para umupo sa upuan niya, tabi nang kay bes. Haha :D Nag-aasaran na naman sila. Haha bagay sila. :D Pakitpot lang tong si bes. Sus!
Nagklase na. Itong katabi ko naman tulog pa din. Hayy. Kawawa naman siya. Pinagmasdan ko naman yung mukha niya. Medyo nakatagilig kasi siyang natutulog, nakaharap sakin. Hihi. Kilig kilig na naman po ako. At hindi na naman pinapakinggan ang teacher sa harap. Buti di ako napapagalitan. Wooohoo!
Heto na naman po ako. Nagiimagine na naman. Bigla daw niyang hahawakan ang kamay ko, didilat ang mata at ngingiti, higit sa lahat.. sasabing 'Mahal Kita Sam'. Emeged! Tappos ako naman papakipot at tatawa siya i-pipinch ang nose ko at sasabihan akong cute. Sakto naman tumayo siya kasi tapos na pala ang klase, sabay kaming magrerecess. Lagi niyang pinaparamdam sakin kung gano niya ako kamahal. Emeged lang talaga!
"Ehem. Matutunaw ako. Araw-araw na lang." Ooops. Umayos naman ako ng upo at tinuon ang wisyo sa pakikinig sa teacher kahit alam ko na yang pinagsasabi niya. Paulit-ulit lang -.- lol
Narinig ko naman siyang nag-chuckle kaya napatingin ako sa kanya. Umayos naman siya ng upo. Inayos niya rin ang buhok niya.
Ano ba yan Sam! parati mo na lang kinakalimutan na medyo nakakaramdam yun agad ng pagtitig. Aish! Nakakahiya! Baka sabihin niya masyado ko siyang pinagpapantasyahan kahit alam kong totoo naman. Lol.
Hay! Bat ba ang gwapo mo Jude? :">
Dada lang ng dada ang teachers sa harap habang ako eh pasimple pa ding tinitingnan si Jude. Hay. Hahahaha :D Pero...
Ang sad naman. Hindi ko pa kasi siya nakakausap kahit about school works. Nahihiya ako eh tsaka baka kasi di niya ako pansinin. Hayy.
"Uy Girl! Tara lunch na!" Natauhan naman ako ng tapikin ako ni Krizia sa balikat. Hahaha. Ano ba naman si ako! Nkakatulala naman kasi tong katabi ko ket di ko pa nakakausap. Feeling ko kasi masungit din eh. Hmp.
Di na ako sumagot sa kanya. Tumayo na lang ako at papalabas na sana nang..
"Empress?" O_O
Emeged! Empress? Empress? Favorite word ko na yan!
Lumingo ako ng dahan-dahan sa kanya. "Y-yes?" Waaaaah! Natatae ako! Kakasabi ko lang na di pa kami nagkakausap ni Hi ni ho eh tas eto na! Emeged!
Napatingin naman siya sakin ng may pagtataka. Ayt? Di ba tinawag niya ako? Napakunot naman ako ng noo.
"Excuse me?" Tanong niya. "Oh sorry. yeah yeah. Empress, please. Just please?" humarap siya sa kabilang side nung sinasabi niya yan.
May kausap pala sa phone. Akala ko makakausap ko na siya </3
"Booo ka bes! Hahahaha laftrep!" hanep tong kaibigan ko! Kanina pa tawa ng tawa. Di na nga nagalaw pagkain. Tss.
"Kumain ka nga! Bwisit!" pagmamaktol ko at saka bumalik sa pagkain.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA benta talaga yun! Hahahaha asa ka pa kasi hahahaha"
Oo na oo na! err! Badtrip talaga! Badtrip pahiya ako kanina. Bawi na lang ako next time. Sayang talaga! Akala ko ako na kinakausap niya. Yun na yung time di pala ako.
Bat kasi kapangalan ko pa yang empress na yan?! Oh well, magfe-feeling na lang akong ako yun. Hahaha </3