<NOKI'S P.O.V.>
...nakakainis yung mga agaw eksena... akala ko ba istorya ko to?!... bakit parang sina kuya at marielle ang bida ... palagi kasing sila ang nahahighlight.. asan na ba kasi yung hinihintay kong love team dito... meron ba??
...pero, speaking of Marielle, asan na ba yun?!!!... andugas na nga pinaghintay pa 'ko dito
"antagal naman talaga!!!!"
para na'kong tanga dito sa gilid kakahintay sa kanya.... nagsisiuwian na yung iba... gusto ko na rin sanang umuwi kaso nangako ako kay marielle na sabay kaming uuwi... ba't ba kasi kelangan kong tumupad sa pangako ko sakanya... e, pede na rin lang naman akong umuwi na ... pssh..
alam ko na, hindi kasi ako yung tipong sumisira sa pangako... hahaha... pero lagot yang marielle na yan saken...
NAKU!!!... sya na nga lang yung pinagtyatyagaan kong kausapin sya pa tong nangiwan.. babatukan ko na yung babaeng yun!!
napapakamot na ako sa ulo ko... ano ko baliw lang?!?
"Ms. Castillo, ayos ka lang ba?"
"Anong pake mo!?!...."
" a... e ... sss... ssso.... ssorry"...
natameme ako dun a.., biro mo nasigawan ko yung transferee.., natakot ata sakin.. bigla kasing nagbago yung mukha niya pakasigaw ko... paalis na sana siya matapos nyang magsorry saken..
"Konan!!, a.. e ... sorry, di ko sinasadya na masigawan ka..."
gwapo sya ha., maliban sa makinis at maputi nyang balat... gray ang kulay ng mata nya... ganda!!!
"ayus lng yun, di ka pa ba uuwi?,.., ikaw n lng ang natitira dito"
actually, dalawa tayo...
"ako?!?.. di pa ko uuwi.. inaantay ko pa si Marrielle"...
tinitigan ko ang malaanghel nyang mukha... sana di sya katulad ni kuya o kaya yung swapang n lalake dun sa stock room
"gusto mo samahan muna kita dito?!?... may na rinig kasi ako kanina na may nagmumulto daw dito sa eskwelahan natin... hmmm, para hwag kang matakot"
"bahala ka kung gusto mo"
kahit di naman talaga ako natatakot sa multo, sige na
"sige, dito muna ako.. hehe ^ ^,"
"salamat!"
ba't parang nahihiya ata ako.. ano!!.. bat di ako makapagsalita!?! kainis naman o.. hindi ako marunong gumawa ng topic!!!!...
"a... sigurado ka bang sasamahan mo ako?!?"
"oo naman!!.. bakit, ayaw mo ba akong kasama??"
ulit ulit na kami nyang kasamang yan ha... baka mamaya magtayo n kami dito ng samahan....
pero... hindi naman sa ayaw ko syang kasama,... naiilang lng talaga ako... ba't kaya?,?, baka nqman... a, wala
"hindi!?. ayus lang... so ..."
"so.. ako nga pala si Konan Elric... ikaw?!?"
"a.. a .. a .. ako si NO... NO"...NO TO DRUGS (joke)
kelangan pa ba talagq neto... kilala nya na lang namqn ako ha... ang wierd pa naman ng pangalan ko... but for the sake ng formality... sige...
"NOKIA CASTILLO"
....nakakairitqng banggitin...
"weh,... ako nga si SAMSUNG...."
for the sake of formality o for the sake of his joke..... ano!?!... sabihin nyo!!!... baka naman.., matagal nya nang gustong sabihin yan na joke nq yan.. kinikimkim nya lang at naghahanap ng tamang timing.. to free himself f4om the joke na nakakulong sa pagkatao nya... HAY,!! kainis, di ako natatawa.. bakit ka ganyan?!?... ikaw pa naman ang inaasahan kong pinakamatino...
"haha, joke lang... hahaha"
haha, tawa n joke tym... sino pauso ng joke na to
"BEZ!!!! sorry ha!!.. may pinuntahan lang talaga akong importanteng importante ^ ^,!!"
biglang dumating si speaking of capital M-A-R-I-E-L-L-E.... may magagawa pa ba ako?!?... kahit magreklamo ako di naman tatalab sa kanya yun.... pero teka,.. may naaaninag akong pamilyar...
"KUYA!!!.. anong ginagawa mo jan?!?"
"aah... mali ang iniisip mo!!... hindi ko kasama yang si BRU.. . a este si Marielle!!.."
to naman o, napaka d3fensive... di ko naman sinabing kasama nya si Marielle
"alam mo ba bez first time nya akong tinawag sa pangalan ko.... blah blah blah..."
"HOY,... umuwi na tayo... kanina pa ko nagugutom... sabi ko naman sayo na puntahan mo ko sa council...kanina pa kita inaantay!!.. kung ano ano na tuloy na kamalasan ang nasapo ko...."
"oo na... sorry na... kasama ko nga pala tong si Marielle pauwi... hehe"
"sana sinabi mo ng mas maaga nang hindi na ko naghintay!!!"
"haha... iwas pusoy....duwag...hahaha"
"la akong pakelam sayo.... alis na 'ko, nakqlimutan kong may tatapusin pa pala akong paper works"
ano bang meron kay Marielle at iwas na iwas tong si kuya... tiyak naman na mas maganda to kesa sa mga ex nya... hay ewqn.
"pre, sama na ko sayo"
magkakilala ba sila??
"bye Nokia, nice meeting you"
ngumiti sya at nagpaalam habang isang beses na ikinaway ang kamay nya aakin...
"BYE NOKIA, NICE MEETING YOU"
paguulit ni Marielle... sisimulan nanaman ako neto
"haha, kinikilig ka BEZ di ba!?!.. haha.. UY..."
"tigilan mo nga ako, may atraso ka pa sakin!..."
~end of chapter5~