7-Eleven (One Shot)

62 1 4
                                    

Argh. Nakakatamad naman umalis ngayon -___-

Ako nga pala si Patricia Vidad. 18 years old. College student na. Mabuti naman akong mag-aaral no.

 "Uy Pat! Dalian mo naman dyan" sigaw ng Kuya ko, si Phim Vidad. 

"Oo na! Saglit lang naman po malapit na ko matapos" habang ina-ayos ko na ang buhok ko.

Actually ayaw ko talaga sumama pumunta sa kung saan. Hindi naman kasi talaga ako interisado. Kaso pag di ako sumama, sasabihin niya SA KANYA na MAHAL KO SIYA. Ayaw ko naman na malaman niya yun. Mahirap kasi. Sobra.

Bumaba na ko kasi baka mamaya mag-hysterical si Kuya sa baba. Ang mainipin naman kasi nung isang yun.

"Hay Salamat at tapos na din siyang mag-ayos. 10 years ata eh." Rinig kong bulong niya. 

"10 years ka dyan. Buti nga sinasamahan ka pa. Eh kung di kaya kita samahan ha ?" Sabat ko kaagad

"Ee kung sabihin ko kaya  sa kanya na MAHAL MO SIYA ??" Sabay tingin sa labas. Kasama din kasi namin SIYA.  

"Argh. Sabi ko nga po eh. Tara na nga!" 

At ayun lumabas na kami at naglakad para sumakay ng Jeep. Medyo malayo rin ang lalakarin namin eeh.

"HAHAHAHA" 

"Tawa-tawa ka dyan ?" iritang sabi ko sa kanya.

"Haha. Eto naman si Kapatid ang bilis magalit. Syempre joke lang yun" Sabay akbay niya sakin. 

"Alisin mo nga yang akbay mo sakin! Ang baho mo eh! !" Sabay alis ko ng kamay niya.

"Wow ha? Oy, Ano akala mo sakin may Putok?? ASA pre"  

"Oo naman. Mukha mo palang Putok na eh!" Ganto lang talaga kami mag-usap ni Kuya. Pero ang pogi kaya neto. Kaya nga swerte ko kasi nakikita ko Abs niya (Medyo Manyak) ng malapitan samantalang yung ibang babae dyan naglalaway na sa kapogian ng Kuya ko. Abs niya pa kaya ? 

"Ang kapal mo naman Kapatid! Sa gwapo kong to? Kuto na lang ang di mai-inlove" 

"Ewan ko sayo! Ang taas grabe. Di kita ma-reach." Sarcastic kong sabi

"O sige" tas nag-bend siya para mas mataas na ko sa kanya. "Ayan. reach mo na ko aah ??.

"Ewan ko Sayo!" inis kong sabi. Ang baliw talaga neto.

"HAHAHAHA. Ansarap mo talagang pagtripan Pat" Tatawa-tawa niyang sabi habang nakahawak na sa tiyan niya. 

"Mawalan ka sana ng hininga Phim" bulong ko. Minsan sa inis ko dyan. Di ko na tinatatawag na kuya. Kasi parang di ko siya Kuya. Hayop kung Mang-Trip. 

Nakasakay na kami dito sa Jeep. Buti nalang kaming tatlo lang ang nakasakay dito. Bale kaming dalawa ni Kuya ay magkatabe tapos si Mervin katapat ko. Dito kami sa dulo naka-upo. Wala. Tahimik nalang kami. Kanina nagke-kwentuhan sila ni Kuya pero ngayong hindi na. 

Now Playing: Cold As You by Taylor Swift

Hays. Siya Si Mervin Castro yung taong MAHAL KO. Mahal ko na siya since High School. Mas nauuna nga lang sila ng isang taon sa level ni Kuya. Bale ako second year tas sila 3rd year. DATI, nagha-hang-out kami ni Kuya kasama siya. Nagkakasama kami. Nagkakausap. Madalas pa nga kaming magka-Text eh. Basta. Close na kami dati. Pero NGAYON nag-iba na. Ewan ko kung anong nangyari pero di na niya ko tinetext. Di na siya madalas sumama samin ni Kuya sa hang-outs ngayon na lang. Di niya na ko pinapansin. Iniiwasan niya na ko. 

7-Eleven (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon