One Shot

3 0 1
                                    

Nikko's POV:

10 Years na kaming magkaibigan ng BestFriend kong si Elayza. Since Elementary hanggang ngayong High School ay Matatag ang Relation Ship naming Magkaibigan.

Sa sampung taon na yun, Kasangga namin ang Isa't isa. Kami yung laging magkasama, Umaga hanggang Hapon. Sabay kami laging Umuwi galing School. Damayan at sabihan ng mga Problema, Sikreto, Kasiyahan at kalungkutan ng Bawat isa.

Sa tuwing iiyak sya, Sakin sya sasandal at iiyak. Sa Bisig ko sya umiiyak at tila bang isang panyo na ang damit ko dahil sa basa na ng mga Luha nya.

Ayos lang. Dahil kaibigan ko sya. Isang Matalik ko syang kaibigan. Yan siguro ang Tingin nya saakin. Kaibigan ko lang sya, Pero Hindi e. Hindi na ganun pa ang Tingin ko sakanya. Hindi na bilang isang BestFriend. Higit na ang pagtingin ko at lagpas na dun ang Tingin ko sakanya.

Mahal ko sya...

Di bilang isang Kaibigan o BestFriend,

Kundi isang Babae na Minamahal ko na.

Pero di ko ito maamin sakanya dahil nauunahan ako ng kaba at ng Pagkatorpe. Iniisip ko na baka pag umamin ako sa BestFriend ko, Masira ang Relasyon naming magkaibigan at ang ayako pang mangyari nun, ay baka pag umamin ako Layuan at Di nya tanggapin ang Pag ibig ko dahil baka sakanya, isa lang akong Matalik na Kaibigan.

Minabuti ko nalang na itago ang nararamdaman ko sa loob ng Sampung taon. Oo, mga bata pa lang kami may Gusto nako sakanya at nang makilala ko sya alam kong may nabubuo nakong pagtingin para sakanya.

Nagpag isip isip ko din na, Di ko na kaya tong nararamdaman ko. Sa loob ng sampung taon, di ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sakanya. Di na ako magpapakatorpe sakanya. Ipaglalaban ko na ang Nararamdaman ko kay Elayza. Kaya minabuti ko syang yayain lumabas bukas para malaman na nya kung ano ba ang totoong nararamdaman ko sakanya. Gusto ko ng magpakatotoo sakanya dahil Mahal na mahal ko sya.

-- Calling...... Elayza <3 --

Ilang rings pa ay Sunagot na nya ito.

"Hello, Elayza?" Sabi ko sakabilang linya.

[Oh? Ano yun Nikko? Bat napatawag ka?] Sagot naman nya sa kabilang linya.

"Elayza, Pwede ka ba bukas?

[Ahm, Wala naman akong gaanong gagawin bukas. Bakit anong meron?] Tanong nya pa.

"Ahm, Wala naman. Gusto ko lang makipagkita sayo, Namimiss na din kasi kita e." Sabi ko pa sakanya.

[Ayiiee. Eto talagang BestFriend ko. Hahaha. Osige kita tayo bukas.]

"Hahaha. Tsaka kasi May importante din akong sasabihin sayo at Gusto ko, personal sana." Sabi ko sakanya.

[Ano ba yang sasabihin mo?] Tanong nya sa kabilang linya.

"Basta bukas na. Gusto ko kasi personal talaga. Hahaha. Tsaka, Oy! Magbihis ka ng matino bukas ha! Baka naman gusgusin ka tingnan. Hahaha." Sabi ko sakanya.

[Osige na nga bukas. Nakakacurios kase eh. Atsaka, Hoy! Kupal neto. Gusgusin talaga? Diba pwedeng taong Grasa muna? Hahaha.] Sabi nya pa.

"Naku! Parehas lang 'yon! Bwhahaha."

[Che! Ansama mo talaga sakin. Wait nga lang, Nagyaya ka din ba ng Date, ha?] Sabi nya na ikinamula ko.

"H-hindi ah! Baliw to! Friendly date pwede pa!" Pagdedepensa kong sabi sakanya.

[Ah! Ganun? Ahahaha.] Sabi nya na may lungkot sa boses? Di ko alam kung bat ganun pero di ko nalang pinansin.

"Osige na. Basta bukas ha! Magbihis ka ng matino." Sabi ko ng natawa.

I Love You, BestFriend. Till The End.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon