I. Childhood Memories

11 0 3
                                    

Noon ay may tatlong matalik na magkakaibigan sina Ron, Elliot at Serena.

Mahilig silang mag-laro, manood ng mga cartoons o movies ng magkakasama at pati na rin ang Kumain.

Si Serena ang pinakamatanda at nag-iisang babae sa kanila tatlo.
Hindi siya maarte, bata pa lamang ay boyish na kumilos at pati ang pananamit sapagkat iyon ang gusto ng kanyang ama at ina na parehong mahilig sa "Rock 'n Roll". Mga kilalang musikero ang kanyang mga magulang ngunit simula nung ikinasal na ang kanyang mga magulang wala na sila sa karera ng musika kundi nag-tayo na negosyo ang mga ito upang may pagkakitaan at mag-focus na lamang sa kanilang nag-iisang anak.

Binigyan siya ni Ron ng palayaw na "Ruru" at ayos lamang iyon sa kanya. Maalam rin siya kumanta at mag-drums. Lagi silang Away-Bati ni Elliot. At kahit bata pa  laging sinasabi ni Serena na ang taong pakakasalan niya ay si Ron.

Si Elliot ang makulit, suplado sa unang tingin, malikot, laging nang-aasar, at higit sa lahat ang pinakamatalino sa kanilang tatlo.
May lihim siya na pag-ibig kay Serena kaya't lagi niya itong inaasar. May Kuya si Elliot pero di niya ito nakikilala.

Si Ron ay mukhang manika simula pagkabata. Madalas napapagkamalan babae ng iba. Siya ay tahimik pag-niyaya mo siyang makipag-laro, makikipag-laro siya.  Bunso at siya lang ang nag-iisang lalaki sa kanyang apat na Ate. Mahilg sa video games, cartoons at pati sa Harry Potter na libro o movie.

Pebrero 21, 1998

Abala ang lahat sapagkat may magaganap na kaarawan.

Mag-diriwang si Serena ng kanyang ika-pitong kaarawan. Ninais niyang magmukha siyang prinsesa sa araw na iyon. At sinunod naman iyon ng kanyang magulang.

Inaasahan niya ang kanyang kaarawan ay katulad ng mga "Grand Ball" sa Cinderella story pero nagkamali siya ng inakala kundi "Rockstar Princess" themed ang kanyang birthday.

Black na cocktail dress ang kanyang sinuot. Pormal at hindi sobra ang pagka-make up sa kanya. Samantalang ang kanya naman ina ay ang kapal ng black eyeliner sa mata (Rockstar look). Ang kanya naman ama ay mukhang clown at nag-lipstick ng black at nag-lagay ng makapal na sakop ang buong eyelid ng mata ng black face paint.

"Babawe ako sa 18th birthday ko"  nasabi ng kanyang isip.

Dumating sa kanyang kaarawan sina Elliot at Ron na okay lang ang bihis.

Napuno ang kaarawan ni Serena ng masasayang tawanan, kwentuhan at pati Kantahan. Ngunit may isang malagim rin nangyare noong araw na iyon.

Hinila ni Ron si Serena sa gitna ng sayawan at pumunta silang dalawa sa isang maze garden. Sa gilid ng maze garden ay may duyan na mauupoan na nakabitin sa puno.

Pinaupo ni Ron si Serena doon.

"Ruru may gusto akong ibigay at sabihin sa iyo na tayo lang dalawa ang pwedeng maka-alam." wika ng batang lalaki.

"Hoy anong ginagawa niyo,  kayong dalawa ha!" Sigaw ni Elliot na kinagulat ng lahat.

"Ano nga ulit yun Ron?" Tanong ni Serena.

"Uhmmmm...wala" sabi ni Ron habang umiiling.

"Balik na uli tayo sa loob" wika ni Serena at hinawakan niya ang kamay ni Ron.

"Serena pati din yun akin hawakan mo." suggest ni Elliot at pinagbigyan naman ito ni Serena.

"Serena sabi ng Mama at Papa ko ikaw daw yun kapartner ko sa birthday ko." wika ni Elliot habang namumula ang kanyang mukha.

Naging malungkot si Ron sa narinig niya. At tahimik lang si Serena na nag-lalakad. Wala kasi siyang balak na sagutin si Elliot.

"Ang tahimik niyo", comment ni Elliot.

SEPERATE STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon