{ Play the video while reading para feel na feel. Chos lang hahaha }
Her Side
~•~
Date 05/06/16
Naaalala ko pa kung gaano tayo kasaya noon. Naaalala ko pa na parang hindi na tayo mabubuhay kapag wala ang isa't isa. Yung tipong hindi na natin kayang bitawan ang kamay ng isa't isa. Naaalala ko pa ang mga pangako na itinakda natin para sa isa't isa. Ngunit dumating ang ilang buwan, ilang taon, nang iwan ka.
Ako? Naaalala mo pa kaya?
Alam ko na masaya ka kung nasaan ka man ngayon at alam kong hindi ka na nakakaramdam ng sakit at paghihirap.
Ngumiti ako na may halong lungkot. Umupo sa harap ng isang puntod at nilagay ang tangkas ng bulaklak.
"Kumusta ka na? Masaya ka ba diyan? Alam mo miss na kita," sabi ko sa sarili habang hinihimas ang puntod.
Date 03/28/15
Biglaang lumapad ang ngiti ko ng natanaw ko si Kael na palapit sa akin. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ya! Tagal mo," nakanguso kong sabi sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko at ngumiti rin siya.
Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi ko at tinitigan ako sa mata. "Baby..." Hinawakan ko ang dalawa niyang braso dahil nakaramdam ako na parang may problema.
"Bakit? May problema ba baby?"
"Mawawala muna ako ng isang buwan." Nawala bigla ang malapad kong ngiti at napalitan ng lungkot na ngiti nang marinig ang mga salitang iyon.
"B-bakit? Saan ka pupunta? Baby naman!"
"May aasikasuhin lang ako. Promise baby isang buwan pagkatapos babalik ako. Alam mo namang hindi kita kayang makita kahit isang araw lang kaya tiis lang muna baby ha? Apat na linggo lang naman iyan at 30 days kaya huwag ka ng malungkot." Nginitian niya 'ko. Hindi ko alam bakit pero biglaang lumakas ang tibok ng puso ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at sa isang iglap nalang ay may tumulong luha sa mga mata ko. Niyakap niya rin ako.
"Please baby, I'll wait for you at parati mo kong tawagan ha?"
"Yes naman!" Siya na ang unang bumitaw sa pagyayakapan naming dalawa. Hinawakan niya ulit ang pisngi ko. Pinunanasan niya ang luhang patuloy pa rin sa pag agos galing sa mga mata ko.
Nagtitigan kami ng ilang segundo pagkatapos ay niyakap niya naman ako. Pero this time iba na. Mahigpit na mahigpit na akala mo ay hindi na niya 'kong kayang bitawan. Niyakap ko rin siya sa bewang at isinandal ang ulo sa dibdib niya.
"Palagi mong isa isip na mahal na mahal kita. Na ikaw lang laman ng puso't isip ko. Na sa milyon milyong babaeng sa mundong ito, ikaw lang ang nag iisang nagpatibok neto. Mahal kita. I love you so much. Mamimiss kita baby." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay may tubig na tumulo sa balikat ko. Umiiyak siya. Umiiyak siya! Mas lalo akong humaglhol kasi parang hindi na ulit kami magkita.
"I love you too baby. Ikaw lang ang lalaking nagpasaya sa'kin ng ganito. Babalik ka pa naman diba? Oo tama babalik ka pa. Kaya huwag mong sabihin iyan na parang hindi ka na babalik na parang mag gogoodbye message ka na. Baby naman huwag ganon. Mahal na mahal kita at ikaw lang din ang laman at magiging laman ng puso ko kahit kailan."
Ako ang unang bumitaw sa pagyakap sa kanya. Tinitigan niya muna ang dalawa kong mata. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. At sa isang iglap ay naglapat ang mga labi naming dalawa. Hinawakan niya ang pisngi ko at ako sa batok niya.
BINABASA MO ANG
Kung Maibabalik Ko Lang || Two-shots [COMPLETED]
Conto"Kung maibabalik ko lang ang panahon at oras, masaya pa rin sana tayo hanggang ngayon." #400 in Short Story. 10/24/16 Started/Finished: 07/06/16 A short story by Shai_raaa All Rights Reserved 2016