Introduction

608 6 1
                                    

Sarrah's POV

"Goodbye, schoolmates.  I'm Sarrah Joy Lacson Aquino the one and only Ms. DJ. See you! Muahugs 😘😘"

Hello, readers! 😃✋ How are you guys? Anyway, this is the first page of my story kaya gusto ko sana na ma-perfect ito saka ma-ikwento ko ng maigi.

So, let's start? Okay, kasalukuyan akong nag-liligpit ng aking mga gamit dito sa studio ng dumating si Bessy.

"Are you done?" Tumango naman ako. "Let's eat, I'm so hungry na kasi." Nakahawak sa kaniyang tiyan na sabi niya. "Okay, but you need to introduce yourself first." Hawak hawak ang aking camera na sabi ko sakaniya. "New film?" Saka kinuha ang kaniyang salamin sa bag.

Habang inaayos ko ang aking camera ay siya namang pag-aayos niya sa kaniyang sarili. Madalas ko kasi siyang kuhanan ng video lalo na't kung may ipapalabas na film ang aming club. Isa ako sa mga member ng Film maker Club, mahilig kasi akong mag-edit ng video saka gumawa ng kwento.

Nang ma-i-set up ko na yung camera ay saka ko ibinigay sa kaniya iyong script. "Itong first line lang ang sasabihin mo okay?" Pagtuturo ko sa unang linya ng script. "Bakit ito lang? Ee dalawang page naman ito." Pag-rereklamo niya sa akin, siya lang ang kakilala ko na nag-rereklamo kapag kakaunti ang script. Yung iba kasi kahit isang word lang ay inaayawan pa.

Pagkatapos niyang sabihin ang kaniyang linya ay siya namang pagdidiwara niya sa akin. "Bessy, let's go na okay? I'm super duper overload hungry na." Pagtuturo niya sa kaniyang tiyan. "Halata naman." Mapang-asar na sabi ko habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa saka siya nginisihan.

Althea is my Best friend for better and worst. I love her like my own family.

"Bessy!" Pagalit na sigaw niya sa akin. Guys, alam n'yo ba na ibang klaseng magalit ang matsing lalo na't kung gutom pa ito? Bakit ka n'yo? Dahil nangangain ito ng buhay pagkatapos ka niyang sabunutan at paghahampasin. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, mas maiging tumakbo kana bago ka pa niya mahuli.

Kaagad akong tumakbo ng tawagin niya ako. "Bessy! Stop running away from me! I'm not galit na oh, promise." Hinihingal na sabi niya. Huminto naman ako sa pagtakbo saka umupo sa bench. Kinuha ko iyong baon ko na tubig sa bag saka ito inihagis sakaniya. Kaagad naman niya itong ininom saka ako tinabihan.

"Thanks, anyway let's go?" Kinuha ko naman 'yong bote ng tubig na pinag-inuman niya. "Where?" Tanong ko sakaniya habang inilalagay sa aking bag iyong bote ng tubig. "Cafeteria. Nagugutom na kaya ako, remember?" Pagtataray na sagot niya sa akin. Natatawa naman akong tumayo saka nag-patiunang naglakad. "Wait. Bessy, about doon sa script kanina, kaninong story iyon?" Nahihiwagaan na tanong niya. Huminto ako sa paglalakas saka siya tiningnan. "Mine. Because I'm the main character." Deretso kong pagkakasabi sakaniya na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo. "What? So ano ang role ko sa story na 'yon?" Gustuhin ko mang tumawa ng malakas ay hindi ko magawa dahil baka paghinalaan niya ako. Haha. "Your just a supportive artist." Seryoso kong sabi. Kaagad naman siyang nag-reklamo dahil sa kaniyang narinig. "Bakit? Bessy naman!" Sa halip na matuwa ako dahil sa kaniyang reaksyon ay nainis lamang ako. Bakit? Ikaw ba naman yugyugin niya, makita ko nga kung hindi ka mainis sa taong gagawa noon sa iyo.

Anyway, I'm Sarrah Joy Lacson Aquino /19 years of age / Business Administration students.

Nakakunot ang aking noo habang tinititigan siya ng masama. "Hehe. Ikaw naman, nagbibiro lang ako. Haha. Okay na ako bessy sa supportive, basta gwapo yung partner ko." Nakangiti niyang sabi na siya ko namang sinuklian ng ngiti.

[Althea Mae Suriben - A kind of woman who easily fall in love with a man in a handsome face.]

Nang may maisip akong kalokohanan ay hinarap ko siya, "Yung tipong kamukha ni Enrique Gil? Mala-James Reid ang katawan at yung kasing talino ni Aristotle. Ganoong klase ba ng leading man?" Pagtatanong ko sa kaniya na siya namang ikinakilig niya."Hihihi. Yung mga ganoong klase nga bessy. Alam na alam mo talaga yung taste ko" nakikipagkwentuhan na lamang ako na makita siyang parang bulate na nilagyan ng asin kung kiligin. "Tung tipong gentleman, mapag-alaga at may takot kay God. Ganoon ba?" Sunod ko pang tanong sakaniya na siya namang ikinatango niya.
"Haha. Wake up, Bessy. Walang ganoong klase ng lalaki."

In The Name of Love | On-goingWhere stories live. Discover now