The Dark Room

29 0 0
                                    

                                                                           Kabanata 1

                                                                     Si Isiod at Si Thea

Tila binabangungot si Isiod kanina. Isang babaeng nakaputi ang sa kanya'y laging nagpapahiwatig sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata. 

"Isiod!Isiod! tulungan mo ako! nakikiusap ako sa'yo huwag mo akong iwan!" 

at sa tuwing iyon na ang sinasambit ng babaeng nakaputi habang nakahandusay sa sahig doon na nagigising si Isiod.

Sino nga ba si Isiod? 

Isa siyang photographer mula sa Bataan. Ngayo'y nasa maynila na siya. Matangkad, balingkinitan, hindi gaanong maputi subalit gwapo-tall dark and handsome kung ilarawan ni Thea. Si Thea ay ang kasintahan ni Isiod na nakilala niya 2 taon na ang nakararaan. May kaya sina Thea. Nakatapos siya ng dentistry subalit mas pinili na lamang mag trabaho sa opisina kaysa sa gamitin ang pinag aralan. Malaki rin ang interes niya sa pagkuha ng mga larawan. Kasosyo ni Isiod si Thea sa Cameramagic (pangalan ng negosyo nila na nagco-cover ng mga video, photo shoot atbp.)

Tuwing Biyernes lang kung sila'y magkita. Minsan isang linggo lang kasi umuwi si Thea  mula sa Ortigas. Mayroon itong sariling condo at kotse. Si Isiod naman ay mayroong sariling bahay at pwesto sa Pasay. Motor at isang paupahan ang naipundar ni Isiod. Di hamak na mas simple at mababa ang pamumuhay na meron si Isiod kumpara kay Thea.

Minsan ay malakas ang ulan at ginabi na si Thea sa bahay ni Isiod. Nandun sila madalas sa dark room. Doon nila inaayos at iniimbak lahat ng larawan na kuha mula sa mga photoshoot. Bihasa na si Isiod sa kanyang ginagawa. Si Thea naman ay ang "ideal model" para sa kanya. Maraming beses ng may nangyari sa kanila. Nakakaakit ang ganda ni Thea. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, malaki ang dibdib, ang kanyang mga hita at braso ay hindi kalakihan. Maganda ang kanyang mukha. Maamo. Matangos ang ilong, pantay ang mga mapuputi niyang ngipin. Mabango at maayos sa sarili. Simple subalit nakakabighani. Doon nga nahulog si Isiod-sa ganda ni Thea. Hindi niya ito tinantanan hanggang sa mapasagot niya. Ayon kay Isiod, wala pa raw siyang minahal at naging ibang kasintahan. SI Thea ang una. Dahil masigasig ang binata nakamit niya ang matamis na Oo ng dalaga. Naging sila nga at tuluyang nahulog si Thea kay Isiod.

Noong gabi na iyon, naging isa sila ulit. Unti unting lumapit si Isiod kay Thea. Niyapos, at hinagkan. habang ginagawa nga nila iyon sa loob ng dark room ay may biglang kumalabog sa labas tila nabasag.

"Isiod narinig mo ba iyon? Nandito ba si Dolly?"

"Wala. Bukas pa siya uuwi. Teka lang at sisilipin ko kung ano yun"

Lumabas na nga si Isiod. Tumambad sa kanya ang nakapagsak na photo  frame. Nasa larawan ay si Isiod at si Thea. 

"Marahil ay natunggo ni Mimi ung photo frame kaya nabasag. Siguro'y may nakita siyang daga" pabirong sabi ni Isiod.

"Ganun ba? eh sige ligpitin na lamang natin at baka matapakan pa natin ung bubog."

"Istorbo talaga ung pusang iyon. Kahit kelan. Sa gabi ganyan din. Nagbabasag siya. Para bang nanadya"

"Pagpasensyahan na lamang ang pusa Isiod.Huwag mo ng ibabalibag ha?"

Likas kay Thea ang pagiging mabait at mapagmahal pati sa mga hayop. Si Isiod kasi ay nanakit ng alaga. Ikinagulat ni Thea nung minsang banatan sa ulo ni Isiod ang una nitong alaga na si Lica. Namatay ang pusa. Ninakaw kasi nito ang ulam ni Isiod kaya nagalit ito at hindi sinasadyang mapatay ang alaga.

"Tara na Isiod. Umakyat na tayo. Bukas na lamang ako uuwi. Mga 2:30 ng madaling araw."

Pag akyat nila sa kwarto itinuloy nila ang pagsisiping. Nakaharap ang salamin sa kama ni Isiod. Isang malaking salamin na may kapirasong basag sa bandang ibaba. Nakapatay ang ilaw. Wala na silang saplot sa katawan ng biglang marinig ni Thea na may kumaluskos sa ibaba.

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon