"wag ka na bumanat banat ng cheesy lines kung ayaw mong ikaw ang banatan ko!" sabi ko, akmang susuntukin ko na pero,
"seryoso ako Bea" sabi niya. Binitawan ko siya at tumakbo palabas ng jeep. Oo, sinipa ko 'yung pinto ng jeep, lakas ko nooh.
hinabol niya ako. hindi ako nagpapa-hard to get pero he set things up and absent ako ngayon eh in demand ako sa school -.-
Wala akong mapagtaguan, nakita ko 'yung malapit nang mapuno na jeep, may babaeng kumakaway at sumisigaw, "miss sakay ka dito dali!" sumakay ako... Nanginginig ako, pinagtitinginan ako sa loob ng jeep.
"manong bayad ho," sabi kong inaabot ang pamasahe ko tapos biglang pumasok si Michael. Akmang bababa nanaman ako pero pinipigilan ako ng mga tao at sinarado nanaman ang pinto.
Lumapit si Michael, lumuhod sa harap ko. Pinagtitinginan kami. "Ano ba 'tong ginagawa mo Michael, absent na nga ako, hindi pa ako makauwi dahil sa'yo!" sabi ko
"kalma lang" sabi ni Michael na nakaluhod sa harap ko, nakaupo ako sa upuan ng jeep, sa mismong likod ng drivers seat. "kalma?! Jusko pinagpapasensiyahan kita kanina pa" sabi ko. Inis na talaga ako.
"Bea makinig ka, una sa lahat sorry" sabi niya. Sumingit ako agad, "dapat lang" sabi ko, nakatingin ako sa labas ng bintana.
"sorry dahil pinakaba kita, sorry dahil ginalit kita, sorry dahil inasar kita, sorry dahil I made you feel awkward" sabi niya. "Bea tumingin ka sa'kin" dagdag niya. Tumingin ako sa kaniya.
"Gusto kong malaman mong gustong gusto kita, gusto kong mag-standout sa libo-libo mong manliligaw,
"Gusto kong akin ka lang ngayon, gusto kong tignan mo 'kong diretsyo sa mata dahil 'di na kita pakakawalan pa...
"Bea, pwede ba kitang maging girlfriend?" sabi ni Michael.
O.O Tilian mga pasahero ng jeep, esp. mga babae at binabae. Wala akong masabi, ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko...
"Gulat ka noh?" sabi niya. "Oo" sabi ko na lang. "YES!!!" sigaw niya ng malakas, pinipicturan na kami ng mga pasahero-.-
"Ulol, YES nagulat ako, 'yun yung ibig kong sabihin" sabi ko. "Eh ano na sagot mo sa una kong tanong?" sabi niya.
"hatid mo muna ako:p" sabi ko. "Game" sabi niyang nakangiti.
Hindi naman gaanong malayo ang bahay ko sa kung saan kami kanina, so ayun na nga, nasa gate ko na kami...
"Bea, ano na sagot mo?" tanong niya. "Sa tingin mo sasagutin kita sa kabila ng pinagdaanan ko ngayon? ....PWES OO" sabi ko. "Ta--Talaga??? Seryoso ka?!" sabi niyang mukhang sabik na sabik.
Niyakap ko siya, binulong... "Joke lang" xD Tumingin siya sakin, pinasingkit yung mata niya, #mejcute. Tumawa ako,
"Ikaw naman, siyempre kikilalanin muna kita;)" sabi ko sabay halik sa cheeks niya.
Tulala siyang nakangiti, "I love you" sabi niya. "Hah, sino si "You"?" xD sabi ko. Hinalikan niya ako sa forehead.
"Hindi pa rin tayo bati, inabsent mo 'ko" sabi ko habang papunta sa pinto ng bahay namin.
Ngumiti lang siya at naglakad patungo sa kabilang daanan, isasara ko na sana 'yung pinto nang biglang...
"Lola! Walang Pasok Ngayon!! I love youu!!!" sigaw ni Michael na biglang nagbumilis tumakbo.
xD Wakas:)
BINABASA MO ANG
♥ Sa Jeepney ♥
RomanceSimpleng setting, simpleng kwento..mukhang kumplikado at medyo malandi ito pero wala eh, nangyari dito ang love story ko♥