♥ ♥

51 0 0
                                    

"ano 'tong kalokohan mo?!" sabi ko. Gravity natatakot talaga ako.

"wala lang, may itatanong lang sana ako" sabi niya. Grabe, sarap pektusan, 'di makaintinding 7:30am na at 7:40am ang call time namin.

Lumingon lingon ako, wala si manong driver, baka naghanap ng paggagasolinahan. Tumitingin tingin ako sa paligid, di ko napansing kanina pa pala nagsasalita itong lalaki na ito.

"Uy, narinig mo ba sinabi ko?" tanong niya, mukhang nagseryoso na ata.

"^-^v Nag-peace sign na lang ako, but with matching Fake smile.

"Wag mo munang isipin 'yung school pwede?" sabi niya. Nag-iba na talaga timpla ko, "Bakit? Nag-aaral ako para sa future ko, magpakatamad ka pero magsisipag ako!" sabi ko habang sinusubukang buksan ang pinto ng jeep.

"Bea wag na kasi, wag mo nang pilitin 'yang pinto" sabi niya habang hinihimas braso ko. Lumayo ako siyempre, baka malipat sa kaniya yung lotion na pinahid ko sa braso ko nohhh.

"Kung iniisip mong re-reypin kita, tigilan mo na, hindi kailanman, may respeto ako sa mga babae" sabi niya at tumabi nanaman sa akin. Susuntukin ko na kaya 'to ngayon?

"feeling mo naman iisipin ko 'yun, mangarap ka" sabi ko, #medyomataray pero grabe na 'tong lalaking ito eh.

"matagal na nga kitang pinapangarap eh" sabi niya habang nakatitig sa akin.

Jusko, naka drugs ata 'to. Oo aaminin ko #mejpogee pero nakaka bad vibes eh, panira na nga sa mga plano. Ano naman kaya magiging reaksyon ko, syempre taas kilay na nakatitig sa kaniya, habang siya nama'y pa-cute nang p-cute sa paraang nag sme-smirk.

"Gusto mo nito?!" sabi ko habang tinatapat ang kamao ko sa mukha niya.

"Gusto ko nito" sabi niya habang linalagay kamao ko sa dibdib ko. Puso raw? Nakakatakot na talaga, para akong hostage sa jeep na linagay sa forced marriage sa sobrang landi nitong mokong na 'to.

"Corny mo" sabi ko na lang, nilabas ko notes ko at nagbasa, hindi ko na pipiliting makaaalis pa kami rito, absent ako ngayon:( hay.

"Lola, basahan mo naman ako ng kwento" sabi niya, pa-cute nanaman-.-

"Isa pa talaga makakatikim ka na ng maanghang na salita galing sa'kin" sabi ko. Seryoso ako. Kaso banat ng banat 'tong lokong 'to eh,

"Mas gusto kong matikman 'yung kung saan nanggagaling ang naririnig kong mga salita" banat niya.

"vocal chords ko? hindi ka pa ba kuntento sa'yo?" sabi ko, gusto ko mambara ng mga banat eh.

"ampalaya ka ba?" banat nanaman niya. "naku Michael tigilan mo 'ko, alam ko na 'yan, dahil bitter ako" sabi ko.

"oo pero kahit bitter ka, masustansya ka pa rin para sa puso ko;)" sabi niya. Akalain mo 'yun, ako 'yung binara-.-

"Ang tagal naman ni manong" change topic agad ako. "gwapo ba ako?" tanong niya habang inaayos buhok niya at gamit ang cellphone pang-salamin.

Jusko ewan ko ba, pero kinakabahan ako sa taong 'to. Ang lamig lamig na pero pinagpapawisan ako-.- Nahihiya akong ewan sa mga pinagtatatanong nito-.-

"Di makasagot" kantyaw niya sa'kin. Napalunok ako, buking na eh. "Ayoko namang masaktan feelings mo pag sumagot ako, baka umiyak ka eh" sabi ko.

"Aww, may care siya sa'kin:">" banat nanaman niya. Sinuntok ko siya ng slight sa hita.

"aray, grabe boksingera ka pala" sabi niya. Tatahimik na lang ako, nakakainis baka mapatay ko. -.-

"Uy, mamansin ka naman oh" sabi niya. Nag-earphones na ako.

Magkalayong Agwat

Gagawin Ang Lahat

Mapasa'yo Lang Ang

Pag-ibig Na Alay Sa'yo

Ang Awit Na'to

Ay para lang sa iyo

Kahit Nasan Ka Pa

Magkabila Man Ang Ating Mundo ♪

He's making faces habang nakikinig ako ng music, trying hard magpatawa, pero natawa ako nung nagulat siya sa drayber.

"Uhm, magkasintahan po ba kayo?" tanong nung driver na naka upo na pala sa harapan. "Hahaha, nagulat :p" ako naman ang kumantyaw ngayon.

Tinanggal ko na earphones ko, at nakatitig nanaman 'tong baldugin na 'to. "malapit na ho:)" sabi niya ng naka smile.

"ano?! anong pinaguusapan niyo?" sabi ko. "alam ba ni ma'am?" tanong ni manong, tatawa tawa nanaman silang dalawa.

"oo tatlo na nga lang tayo may sarili pa kayong mundo, manong may gas na ba?" sabi ko.

"ano hong gas?" tanong ni manong. "di ba ho nawalan tayo ng gas? Nakuu.-.-" sabi ko. Tingin ko plinano 'to eh-.- "Eh ma'am, ano ho kasi ehh..." sabi ni manong habang nag uusap sila sa mata ni Michael.

"ma'am 'di naman po talaga tayo nawalan ng gas" sabi ni manong.

"Michael!" sabi ko at kwinelyuhan ko siya. "Ano 'to?!!!!" dagdag ko.

"Para sa'yo." sabi niya. Seryoso siya. Hindi ko siya maintindihan

♥ Sa Jeepney ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon