Letter 'A'

260 8 1
                                    

 Pitong taon na rin ang nakalilipas simula noong huli ko silang makita. Kamusta na kaya sila? Kagaya pa rin kaya sila ng dati? Makukulit? Nag-aasaran? Hindi ko rin alam. Marami na kasi ang nagbago dahil na rin sa katagalan ng panahon.

Napangiti ako, halatang excited. Matapos ng halos ilang oras na byahe nakarating na rin ako sa resort. Dito yung venue ng reunion, napagkasunduan nung mga class officers ng batch namin. Unang tingin ko pa lang sa labas, alam ko na magiging masaya ang araw ng pananatili ko rito.

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang mga taong pakiramdam ko ay kilala ko. Agad nila akong sinalubong pagkakita sa akin at kinausap.

"Wait! Teka, wag ka munang magsasalita. Huhulaan ko kung sino ka." Wika ng isang babae na may katangkaran at mukha namang mabait. Namumukaan ko siya!

"Rhea, wag mo nga siyang takutin." Biro nung isang lalaki. Boyfriend nya siguro.

"Ahhhh!" Nagulat ako nung sumigaw sya bigla.

"Micah Kathleen! Oo ikaw nga!" Natawa na lang ako.

"Kailangan ba talagang banggitin ng buong-buo? Pwede naman yung nickname na lang diba?"

"Di ka pa rin nagbabago! Ganyan pa rin ang sinasabi mo everytime na tatawagin kita sa pangalan mo."

"Rhea naman, ang haba kasi masyado eh."

"Yaay! Finally you said my name! I thought nakalimutan mo na eh." She ran then embraced me.

Close kami dati ni Rhea but due to some reasons nawala iyon. Buti nga parang bumabalik na ulit. Nakakatuwa talaga.

"Of course dearest! How could I ever forget? Yung lalaking katabi mo err I mean boyfriend mo ay si Sam. Am I right?" She nodded her head tapos nagpatuloy ako sa pag iidentify ng name nila as we walk to the cottage.

Infairness, spacious na wide pa, oh diba? Maaacomodate siguro kaming lahat dito. As far as my memory could remember, 27 kami sa buong batch dati. Sampung tao palang ang nandirito including myself. Napaaga yata ako ng dating.

Hindi ko naman masyadong close yung iba pero nagkamustahan pa rin kami, nakakamiss kaya. I miss the old days when I could laugh and express myself without having anybody to stop me. Well, nevermind.

Twenty-two years old na ako ngayon, a doctor by profession and a freelance mystery writer by choice. These past few years, nagtatrabaho ako sa Canada. I've finished my college degree there through the help of my relatives. Nagtransfer na ako dun after makagraduate ng secondary education, to relieve my stress daw sabi nila.

Habang hinihintay namin yung iba, napagkwentuhan nila yung mga kalokohan namin nung 4th year high school.

"Pre, naalala mo pa yung teacher natin na nakakatakot pag ngumiti?"-tanong ni Joshua ang pinakamaloko sa klase.

"Naalala ko namatay daw yun sa CR ng mga babae, nakaluwa yung mata. Manyak kasi eh!"-sagot naman ni Paul, ang bestfriend ni Joshua.

Nagtawanan kaming lahat sabay sabi na, "Sumalangit nawa."

Matagal nang patay ang teacher na yun. Namatay siya nung batch pa namin, di naman nalaman kung sino yung killer. May sabi-sabi pa nga na, nasobrahan daw kasi sa pagkaexcite dahil sa pagsilip kaya inatake sa puso. Gayunpaman wala na kaming pakialam dun.

Maya-maya pa ay dumating na yung iba,  pito na lang ang iniintay. Galing din kasi yun sa ibang bansa. Vacation kasi ngayon kaya medyo siksikan sa airport.

Lumipas ang hapon ay nagtawanan at nagkwentuhan lang kami tungkol sa private life. Yung iba naming kaklase, sila rin pala ang magkakatuluyan sa huli. Destiny nga naman. Nakakaleft out tuloy.

Gabi na nung pumasok kami sa mga rooms. Arkilado ang buong resort kaya hindi nakakaasiwang gumalaw. Nakareceive ako ng text mula kay Mae--president namin. May barbecue party daw sa may tabing dagat. Tagalang gusto nilang sulitin ang 3 days reunion wah.

Nagshower na ako then changed to a simple dress, yung pangbeach na night wear. Ahaha. Para feel ko yung fresh breeze. O diba?

Room 27-yan ang kwarto ko, nasa third floor ito kaya medyo hassle ang pagbaba at pag-akyat. Four storey ang bulding na to including the rooftop. Medyo may pagka-antique yung design kaya sikat.

Nasa ground floor na ko nang may marining akong yabag mula sa may mini-bar but when I checked out kung sino yun, it turns out to be no one. Imagination ko lang yun. Weird.

Pagdating sa nasabing barbecue party, nakita ko na dumating na rin yung apat. Kasama ang bestfriend kong si Ella na medyo naging matured na. Sila na pala ni Arman, crush ko dati. Astig!

Kain kain lang din pag may time habang nachichikahan, sana wag na tong matapos. Parang bumabalik ang nakaraan eh.

Maya-maya pa ay biglang kaming nakarinig ng malakas na sigaw mula sa bar. Due to our reflexes tumakbo kami at nakasalubong namin si Imee--yung babaeng pinanggalingan ng commotion. Namumutla sya at para bang may nais sabihin ngunit nababalot ang kanyang mukha ng takot. Tinuro nya ang pinto ng hotel habang kinakalma sya ng iba kong kaklase.

Dali-dali kaming pumunta kasama si Imee hanggang makarating sa mini-bar sa may ground floor.

Nanginig ang aking mga tuhod dahil sa nakita ko. Isang babae na nakahandusay sa sahig na naliligo sa sariling dugo. Dilat ang kanyang mga mata at agaran naman itong ipinikit ni Sam.

Nakakagulantang ang mga sumunod na pangyayari, nakita namin ang isang kitchen knife na nakabaon sa kanyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakaukit na letter 'A' gamit ang nasabing kutsilyo sa kanyang tiyan. Namumukhaan ko ang babaeng ito.

"Alcantara, Maria Nina A." -pabulong na sabi ni Sam pero alam ko na narining iyon ng lahat.

Tinignan kong mabuti para makumpirma. Si Nina nga ito! Napadako ulit ang aking mga mata kay Sam habang itinuloy nya ang pagbabasa sa isang papel na mukang graphing paper dahil sa mga linya nito.

"Nag-umpisa na. N-naaalala nyo pa ba ang nangyari pitong taon na ang nakalilipas?"

Nanlamig ang aking mga kamay pagkarinig ng mga salitang iyon. Nagkatinginan kaming lahat. Hindi-hindi maari.

"H-hindi matatapos ang lahat h-hangga't may natitira." Sa puntong iyon ay nabitiwan ni Sam ang papel na halatang mabilisang pinunit mula sa class record. Nakita namin ang tintang pula na unti-unting nabubura habang ito ay nalulunod sa dugo ni Nina.

Unti-unting bumalik sa akin ang bangungot ng kahapon. Ito na siguro ang hudyat ng nalalapit naming...

Kamatayan.

Alphabetical OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon