Letter 'B'

170 3 2
                                    

Natatakot ako at ramdam ko din na tensyonado ang lahat. Matagal na panahon na ang nakalipas pero bakit naungkat na naman ang mga bagay na napagkasunduang ilihim?

Isa lang ba itong biro? O isang masamang  panaginip? Ayoko ng maalala ang lahat. Natatakot ako. Sino ba ang may gawa nito? Madami akong tanong sa aking isipan ngunit minabuti ko itong ikubli. Ayoko na magkagulo kami dahil lamang sa pag-ungkat ng nakaraan.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" Nagsusumamo ang mukha ni Mae. Nilapitan sya ni Rhea at niyakap, "Patay na sya. Mga pulis ang tawagin nyo." Matigas na sabi ni Sam na para bang hindi siya ang nagsasalita. Pagkarining ng mga salitang iyon, doon na humagulgol ng iyak si Mae.

"Hindi pwede ito, bakit!?" Naawa ako sa ekpresyon ng mukha nya, gusto ko syang pakalmahin ngunit hindi ko magawa. Nabalot ang buong utak ko ng pagsisisi at hindi ko na namalayan na isinisigaw ko na pala ang mga salitang laman ng isip ko.

"Kasalanan ko ang lahat!" Tumingin silang lahat sa akin, nagtataka at naghihintay kung ano ang sunod kong sasabihin. "Kung tinignan ko sana ng mabuti kanina, sana nakita ko na may tao pala rito, sana nakita ko si Nina, sana nakita ko kung sino ang may gawa nito, sana napigilan ako ito! Bakit?" Napaupo na lamang ako sa sahig, dumampi sa damit ko ang natutuyong dugo ni Nina.

"Micah, ano ba ang nangyari kanina?" --tanong sa akin ni Ella.

"Hayaan mo muna syang mahimasmasan saka mo sya tanungin. Masakit sa kanya ang nangyari." Tinulungan akong tumayo ni Arman at inakay papuntang lobby kasunod na rin ng mga dati kong kaklase. Lumingon ulit ako sa nakahandusay na bangkay ngunit hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil natatakpan na ito ng puting kumot.

Lumipas ang mga sandali, walang may balak umimik sa amin. "Papunta na daw ang mga pulis." Binasag ni Joshua ang katahimikan at doon na ako naglakas-loob na magsalita.

"Kanina," umpisa ko, lahat sila ay nakatitig sa akin para bang hinihintay ang bawat salitang mamumutawi sa labi ko. "Noong bumaba ako ng hagdan, m-may narinig ako na malalakas na yabag ng paa. A-alam k-ko na may tao." Halata pa na garalgal ang tinig ko, huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Tinignan ko kung saan nanggaling yon, napadpad ako sa mini-bar. Sumilip ako saglit pero wala naman akong nakitang t-tao. Sorry, kung tinignan ko lang sana ng mabuti. Buhay pa sana sya ngayon." Alam ng lahat kung sino ang tinutukoy ko.

"May iba pa ba sa inyo na nagpunta sa mini-bar?" Tanong ni Mae, halos nang-ilingan ang lahat kasabay ng mga dahilan nila kung saan sila naroon. "Imee, nakita mo ba kung sino ang gumawa nun?"

"Napag-utusan ako ni Arman na kumuha ng refreshments. Tapos nung bubukasan ko na yung fridge, nakita ko ang duguang katawan ni Nina." Tinakpan ni Imee ang mga mukha nya. "Pasensya na, ayoko nang maalala ang itsura nya."

"Basta, magtatanong ang mga pulis mamaya. Paki-usap, wala munang magbabaggit tungkol sa nakaraan. Sabihin nyo wala kayong alam. Baka kasi hindi naman related sa kaso." Kinutuban ako sa taong nagsabi nito. Para bang nakaramdam ako ng kaba lalo na't ang katabi kong si Arman ang nagsabi nun. "Pag-usapan natin ito mamaya. Nandito na ang mga pulis." Tumango na lang kami at hindi nakaimik.

Si Arman, hindi kaya sya ang.. Hindi! Hindi maaari, mabait na tao siya, ayokong magduda.

Dalawang oras na mula noong umalis ang mga awtoridad. Nagpulong ulit kami sa lobby, pakiramdam ko ay walang gustong mapag-isa dahil baka may masamang mangyari.

"Ang sabi ng mga pulis, mag-iimbestiga daw muna sila. Mas makabubuti daw na kanselahin na muna natin 'tong reunion."--Walang hintong usal ni Mae.

"Nakooo! Di ka pa nasanay, lagi namang ganyan ang sinasabi nila eh. Haha." --pabirong sabi ni Joshua.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alphabetical OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon