Kyungsoo

13.4K 326 100
                                    

Annoy Kyungsoo

    
"Must. Annoy. Do Kyungsoo"

    

   

  
Fifth attempt... Failed.

   
Pero wala kang paki. Kailangan kang mapansin ng Dyo mo. Pang-limang subok mo pa lang naman yun, kaya hindi ka susuko agad. Dahil bukod sa marami pang ideya na pumapasok sa isip mo... kailangang mapansin ka ni Kyungsoo. Si Kyungsoo na main vocal ng bandang Exo na tanging kpop group na kinababaliwan mo.

   
Agad kang pumunta sa unit mo na katapat ng unit ng Exo-k at nahiga sa kama. Napabuntong hininga ka na lang. Sayang yung fifth attempt mo. Ang hirap pa naman din nun para sa'yo. Ipagtanggol mo ba naman kasi ang exo-k sa sa mga sasaeng fans nila? Na-appreciate ka ng ilang members ng Exo-K. Pinasalamatan ka pa nga. Pero si Kyungsoo tinitigan ka lang- nadaanan ka lang ng tingin. Ang sakit sa hearteu ah! Iyak mo sa isip mo.

   
Hay nako. Okay lang 'yan, Kaye! Pinipilit mong pagaainin 'yung loob mo. Iniisip mo na lang na kaya ka hindi pinansin ni Kyungsoo kasi may crush siya sa'yo at nahihiya siya. At dahil sa iniisip mong 'yan... ayan na naman 'yung feels mo. Kinikilig ka na naman. At ngumingiti ka na naman na parang asong ulol dyan sa kama mo.

    
Bumangon ka sa pagkakahiga dahil nakarinig ka ng pag doorbell. Tinignan mo kung sino 'yun. At nakita mo ang isang staff ng hotel na pinag-chek in-an mo na nasa labas ng pinto mo. Pinagbuksan mo siya ng pinto at tinanong kung ano'ng kailangan niya.

   
"Good Evening ma'am. May nagpapabigay po sa inyo." Aniya. Pero syempre sinabi niya 'yan in Hangul. Nasa Korea ka kaya. Baka nakakalimutan mo.

      
Nagtatakang kinuha mo naman 'yung plate na hawak niya. Pinapabigay daw kasi sa'yo hindi ba? "From who?" tanong mo in hangul din. Hindi ka naman Korean pero palagi kang tambay dito. You know, exo stuff.

      
"Sorry po, hindi ko po kilala eh. Inutos lang po sa akin 'yan. Mauuna na po ako," Sagot niya sa'yo tsaka ito nag-bow at nagpaalam. Nag-okay sign ka na lang at sinara ang pinto. Pumunta ka sa kusina para tignan kung ano'ng putahe ito. At... wow. Kimchi Spaghetti.

   
Ang lawak lawak ng ngiti mo kasi syempre, Kimchi Spaghetti 'yan eh. 'Yan kaya 'yung specialty ng Kyungsoo mo. Kaso agad ka ding napasimangot. Eh hindi naman si Kyungsoo nagluto nito tapos ang saya saya mo! Aayawan mo na sana pero nagbago ang isip mo. Sayang din 'to. Hindi mo na kailangan magluto ng dinner mo.

    
Sinimulan mo ng kainin 'yun at napatingin ka sa fridge kung saan nakalagay ang schedule ng Exo-K this month. May fansigning event sila bukas. Ano na naman kayang gagawin mo? Pero tila ba binigyan ka ata ng ideya ng kinakain mong kimchi spaghetti at may pumasok na napakagandang ideya sa isip mo.

     
Kung hindi gumagana 'yung mga pa-good shot na ginagawa mo sa harap niya at ng exo... you will just do the opposite. Annoy him. Ayan, kinikilig ka na naman..

   
  
  
  
  
   
    
 

  

"Pumunta naman tayo kay D.O.," hindi naman ikaw si Kyungsoo pero naalarma ka ng banggitin ng host 'yung pangalan niya. Nag focus ka sa susunod na sasabihin ng host kay Kyungsoo dahil gusto mong ikaw ang mag translate para sa kanya.

     
"Are you dating someone? If yes, how do you express your feelings for her?" tanong ng host kay D.O. Sinabi 'yun ng host in Mandarin. Kasabay ng tanong na 'yun ay ang sigawan ng mga audience na nanonood. Nagtawanan at sumabay din naman sa hiyaw ang ibang miyembro ng exo na nakaintindi sa sinabi ng host.

Light sticksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon