OT12 [reposted]

1.4K 98 26
                                    

Namsan tower


Synopsis: You were about to unstan your most favorite band to start a new life. Years have passed and you're graduated to college. It's like the movie 'Toy Story 3'. It's like Andy leaving his toys. It's you leaving Exo....... And this is the reality every fan doesn't want to happen.

note; i reposted this here. sorry kung lame tsaka hindi nakakaiyak huehue. constructive criticism pls.



It was as if you're looking back in the past.

Ilang taon na ang nakalipas. Naka-graduate ka na ng high school. Nakapag-aral ka na sa college. At ngayon ay naka-graduate ka na rin. Nag-aral ka ng college sa isang boarding school at halos ilang taon ka ding hindi naka-uwi sa bahay niyo. At ngayon, kau-uwi mo lang at kasalukuyan mong tinitignan ang mga gamit na naiwan mo. At nakita mo ang mga bagay na nagpasilip sa'yo sa nakaraan.

Nakita mo ang mga binili mo noon na mga merchandise ng grupong iniidolo mo.... ng Exo.

"Nandito ka lang pala." nilingon mo ang nagsabi noon at nakita mo ang pinsan mong si Knee. Nilibot niya ang paningin niya sa kwarto mo habang naka-ngiti.

"Ngayon ko na lang ulit nasilip 'tong kwarto mo ah... walang pinagbago." aniya. Napa-ngiti ka. Tama kasi siya. Walang pinagbago. Naka-dikit pa rin ang ibang mga posters ng Exo. Naka-display pa rin ang ibang merch.

Nilibot mo rin ang tingin mo. "Oo nga eh. Grabe pala ako dati." natatawang sabi mo.

"Oo. Obsessed na obsessed ka sa Exo." Nang banggitin niya ang pangalan ng grupo na iniidolo mo ay bumilis ang pintig ng puso mo. Pilit mong inalala ang mga mukha nila at kahit pa ilang taon na ang lumipas ay klarong klaro pa rin sa isip mo ang mga itsura nila. Kung paano sila ngumiti. At yung ibang mga ekspresyon nila.

Napa-buga ka ng hangin. "Hindi naman ako sa--" napatigil ka sa pagsasalita. Hindi.... ano nga ulit yun? tanong mo sa sarili. May koreanong salita ka na dapat sasabihin pero hindi mo na matandaan kung ano yung tawag dun. Yun yung mga fans na nagiging dahilan kung bakit wala masyadong interactions noon ang Exo sa fans nila. Nasasaktan din nila paminsan minsan ang ibang myembro. Alam mo yun eh. Alam na alam mo ang salitang yun dati. Alam mo yun.

Pero bakit hindi mo mabanggit?

Bumilis ang tibok ng puso mo. Alam mo sa sarili mong dapat alam mo yun dahil alam yun ng lahat ng umiidolo sa Exo. Ganun ka na ba... ka-outdated sa kanila at nakakalimutan mo na ang ibang mga salita at bagay na umuugnay sa kanila..

"--Sasaeng," pagtatama ni Knee sa'yo. Napalunok ka. Sasaeng... sasaeng. How can I forget that word? sabi mo sa isip.

Tumango tango ka at hindi na pinahalata kay Knee na naguguluhan ka. "Oo. Hindi naman ako sa.. sasaeng." pagu-ulit mo.

Tinapik ni Knee ang balikat mo. "Pero kung sa Korea tayo nakatira, malamang sasaeng ka na."

"Hoy hindi naman." natatawang sagot mo.

"Hmm... single pa rin daw ang Exo ah," rinig mong pahayag ni Knee. Napatigil ka.Ilang taon na ang nakalipas at single pa rin sila? O baka naman meron na silang ka-relasyon pero lihim lang?

"Imposible."

"Hindi rin. Nabalitaan ko kasi nung isang taon na ni-reveal nila sa buong mundo na may 'no-dating contract' sila at hindi matatapos yun hangga't hindi sila nadi-disband." paliwanag niya.

Kumunot ang noo mo. Pero hindi pa rin imposible na magmahal sila habang nasa ilalim ng kontrata. isip mo. Agad ka na namang nagulat sa naiisip mo. Parang dati lang kasi... ayaw na ayaw mo na magkaroon sila ng ka-relasyon. Ayaw na ayaw mong isipin na magmamahal sila ng iba. Masakit kasi sa puso mo bilang isang fangirl ng Exo. Pero naninibago ka sa sarili mo. May kirot sa puso mo habang iniisip ang mga iyon pero malaya nang tumatakbo sa isip mo ang mga posibilidad na yun.

Light sticksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon