Chapter 48: Change of Heart?

1K 20 9
                                    

© EynJey 2014

Chapter 48

Jill POV

"Sana, dalawa ang puso ko.
Hindi na sana kelangan pang, pumili sa inyo"

Napabangon ako agad dahil sa ingay na nagmumula sa kapitbahay namin. Grabe, ang aga aga ayan yung kanta na pinapatugtog nila.

Kahit inaantok pa ay tumayo na ako. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip dun sa nililigawan ni Yuriel. Sino naman kaya yun?

*beep*

Biglang tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko to agad at binasa yung text.

From: Dara
May klase ka today? If wala, punta ka ng school, hanapin natin yung nililigawan ni Yuriel, ako na magpapakilala sayo ;)

To: Dara
Wala akong class today, pero kailangan kong pumunta ng school dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin sa mga requirements ko.

To: Dara
Kailangan pa ba natin hanapin yung nililigawan ni Yuriel? Bigyan na lang natin silang dalawa ng privacy.

From: Dara
Hay naku, maganda na yung makita mo yung girl. Basta, antayin kita sa school, text mo ko kapag nandito ka na.

Naligo na ako at nag ayos para pumunta ng school, dapat mamaya pa ako pupunta, pero dahil kay Dara, at sa.. uhm.. nililigawan ni Yuriel eh aagahan ko na ang punta.

Pagdating ko ng school, nakita ko kaagad si Dara na nakaupo sa waiting shed.

"Ang tagal mo ah, kanina pa yung text mo na malapit ka na." bungad niya agad sa akin nang makalapit ako sa kanya.

"Trapik." yun na lang ang sinagot ko sa kanya at nagsimula na nga kaming maglakad.

"Nakita ko na yung girl, nandun siya nakatambay sa may garden, kasama bestfriend niya." kwento sa akin ni Dara. "At alam mo ba kung ano bestfriend niya? LIBRO!" dagdag niya.

"Matalino ba yung girl?" tanong ko sa kanya, curious lang naman ako.

"Hmm, medyo? Masipag siya mag aral kaya ang rinig ko Salutatorian daw siya numg high school."

Buti pa siya.

"Puntahan na natin Jill? Gusto mo na makita?" nakangising tanong sa akin ni Dara.

"Nakita mo na siya di ba? Bat mukha ka pang mas excited kesa sa akin?" natatawa kasi ako dito sa kaibigan ko, parang ewan lang.

"Eh kasi, gusto ko lang makita reaction mo, hihihi."

"Ano naman gusto mong makita? Lumaki mata ko at mapanganga ako?" Natatawang biro ko sa kanya. "Mamaya na lang siguro natin siya puntahan, kailangan ko pang pumunta ng Dean's office."

Nagtaka naman siya. "Oh? Akala ko okay na mga requirements mo?"

"Di pa. May kailangan pa akong ipasa na original copy for validation purposes something daw."

"Ah, sige. Samahan na kita." at sabay na nga kaming pumunta sa office ng Dean. Medyo di ko pa kabisado yung pasikot sikot nang school, kaya si Dara ang parang nagsilbing tour guide ko.

Nakarating din naman kami agad and after ko maipasa lahat ng kulang, hinila na agad ako ni Dara pagkalabas ko pa lang ng pinto, pumunta daw muna kami ng cafeteria.

"Wala ka bang klase Dara?" tanong ko nung nakapila na kami para umorder. "Atsaka nasan na yung iba?" dagdag ko.

"Bukas pa sched ko, at may mga klase sila Aki, maya maya pa out nila, mga 1 pm. Sabay sabay na daw tayo maglunch." tinignan ko naman ang oras sa wrist watch ko, 12:05 na. Kaya pala parang medyo nagugutom na ako.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now