Chapter 20: Truth

1.9K 61 10
                                    

A/N: Mag i-speech muna ako bago mag Chapter 20. :)

Huhuhu, hanggang ngayon, wala pa sa climax ang story na to. :'( Kumbaga sa elements ng short story, nasa 'Rising Action' pa lang ito.

Sorry, di ko alam kung paano ipapasok yung climax e, (actually, wala pa talaga akong naiisip, hahaha.) siguro pag mga nasa chapter 50 na, (kung makaka-abot nga ng chapter 50, LOLs.)

Anyway, yun lang, sensya na kung may ganito ek ek ako.

Ok, magbasa ka na. :) muah :*

© EynJey 2014

Chapter 20

Speechless talaga ako ng makita ko kung sino yung ikakasal sa akin.

"Hi." nakangiti niyang bati sa akin.

"Ikaw!?" gulat na tanong ko.

Ngumiti lang siya saka nagshrug. "Ako nga. Bakit, may iba ka bang inaasahan?"

Inalog alog ko yung utak ko kasi saka pumikit dahil baka nag malfunction lang pero pag dilat ko e nandun pa rin siya.

Ano ang ginagawa ng gwapong nilalang na ito dito?

Hindi pa nga ako nakaka get over sa mga nangyayari e bigla ng nagsalita yung isa sa mga staff ng Marriage booth.

"Magsisimula na ang kasal." sabi nito tapos nagpalakpakan na nga yung mga audience.

Patingin tingin pa rin ako dito sa katabi ko dahil hindi ko takaga ine-expect na siya ang nandito ngayon. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.

Nagsimula na nga yung 'kasal' at ang dami ding seremonyas na nangyari at habang tumatagal, feeling ko mas bumibilis yung tibok ng puso ko sa kaba.

"Jill, do you take Jhasper to be your lawfully husband?" tanong na nga ng pari.

At tama kayo ng nababasa, si Kurt nga yung ikakasal sa akin.

Ewan ko ba, parang crush ko na nga tong si Kurt e, o hindi? Baka naman naga-gwapuhan lang ako.

Ang landi ko naman tignan kung ang dami kong crush di ba?

Malandi ba talaga ako? Hindi naman, slight lang. (A/N: lakas maka-pipay ni Jill, hahaha. ^_^) Isa lang yung gustong gusto ko talaga e, si Axl.

Syempre, ayoko naman maging K.J. kaya sinagot ko na yung tanong nung pari.

"Yes, I do." tapos lumaks yung tilian nung mga nanonood.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now