Give FIRST IMPRESSION a second chance

112 3 2
                                    

Give FIRST IMPRESSION A SECOND CHANCE

Etterolchu27

 _______________________________________________________________________________

..first impressions lasts, but not permanent....... -michatterol

___________________________________________________________________________________ 

                LEE

“Masyadong maikli ang palda mo, makapal ang make-up mo, mahaba ang kuko mo,hindi ka naka complete uniform” 

    Seriously, lagi na lang ganito hindi ba titino ang mga babaeng ito?  hindi ba sila nag sasawa, lagi na silang nasisita pero sa isang linggo ganoon parin ang itsura nila.

                Lee Evans, 16 yrs. Old, chairman ng disciplinary committee.   Hindi ako masungit, hindi rin ako friendly, hindi lang ako masyadong nakikisalamuha sa iba, ginagawa ko lang ang dapat kong gawin; mag check kung may mga estudyante ba sa school na to ang hindi sumusunod sa patakaran at disiplinahin ang mga estudyante.  Private ang school namin, strict ito  kaya nga tuwing martes ng umaga ay nag ru-room to room kami para I check kung maayos ba ang pananamit ng mga estudyante.

                katatapos lang namin sa mga third yr kaya ngayon ay 5 section na lng ang pupuntahan naming, hassle talaga kapag martes, kailangan naming puntahan isa-isa ang  20 classroom para mag inspeksyon. Mga 4th yr na lng ang natira,  at nandito na kami sa section A. Bumungad samin ay syempre ano pa ba ang nag bago, pasaway talaga!!! Sila ang nagpapahirap sa trabaho naming eh.

“ikaw, Marie Santos masyadong maikli ang palda mo dapat ay 2 inch above the knee lang yan ”  isa.

“ikaw, Cinthia Guevarra, ang kapal ng make-up mo ! pinapaalala ko say o na sa school ka pumupunta hindi sa gimikan!”  pangalawa

“Irene Jane, hindi mo parin ginugupit ang kuko mo! Hindi ka naman mukhang mangkukulam pero bakit ang haba ng kuko mo?” pangatlo

“isa ka pa, Rose Anne, hindi mo ba nabasa sa student’s handbook na bawal magpakulay ng buhok! ” pang apat.

     Sila ang linggo linggong problema ko sa klaseng ito. Pero may isang babae na laging nakaka kuha ng attention ko…

“Sheena  Dee,” tumayo sya at syempre maayos parin ang itsura nya, naka tali ang buhok nya,nakasalamin sya, naka complete at proper uniform sya, hindi mahaba ang kuko nya, maayos lahat lahat.

“  sige na pwede ka nang umupo” pagkaupo nya nagtinginan sa kanya ang ibang babae, makikita mo sa mga mata nila na naiinis sila sa kanya, bakit sila maiinis? Eh sila nga ang dapat kainisan.

 'Si Sheena Dee, 16. Yrs old , tuwing martes ay Lagi syang pumapasok ng naka knee length na palda, naka black shoes,nakaipit ang buhok nya naka salamin pa nga sya at wala syang suot na mga accessories. Perfect lagi ang marka nya kapag nag che-check ng  proper grooming , kaya walang mairereklamo sa kanya. Pero kapag regular na araw lang at walang checking, para syang ibang tao, Maikli ang palda nya,(well hindi naman masyadong maikli pero hindi mahaba ang skirt nya ) naka high socks siya na itim at naka itim na ankle boots, marami syang baller bands at singsing sa kamay,naka lugay ang buhok nya at may kulay ang kuko nya. Ibang iba talaga sya. At wala syang salamin, naka contacts pa nga sya na violet.

            Siguro itatanong nyo kung bakit marami akong nalalaman sa kanya o kung bakit napapasin ko pa ang mga ganitong bagay sa kanya,oo mapag obserba ako , especially sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give FIRST IMPRESSION a second chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon