TO MY READERS: Please read the story again. I have edited some parts to make it better.
"My god! May practice kami ngayon para sa cheerdance!"
Nahuli ako ng gising. Hindi na ako nag-almusal pa. Ganon pa rin naman yung ulam eh, galunggong. Medyo nauumay na din ako. Pinapangarap ko na sana balang araw na mas masarap na ang almusal namin sa bahay.
Dali-dali akong nag-bike papunta ng school namin. September 5, 2006 - may isang buwan para mag-practice for the cheerdance competition kung saan ang mananalo ay mabibigyan ng scholarship sa Manila for college.
Gusto kong manalo para maabot ko mga pangarap ko. Nais kong kumuha ng Mass Communication para makapagbiyahe ako sa buong mundo at makapag-document ng mga balita. Nais kong makatulong sa mga kababayan ko. Nais kong maging boses nila para maipahayag ang sitwasyon ng mga mahihirap dito sa National Goverment.
"1..2...3"
Dumating ako sa field ng school namin 40 minutes late. 40 minutes lang naman. Medyo masama din kasi pakiramdam ko. Andun lahat ng mga kasama ko sa cheerdance. Nagwa-warm-up exercise na sila.
"Buti naman at nakarating ka Nami, nag-alala tuloy kami sa'yo." Lumapit si Kaye sa akin.
"Kanina pa ba kayo nagpa-praktis?"
"Ah oo, Kanami. Inaantay pa namin yung iba. May nabuo na kaming konting steps."
"Ah talaga, patingin nga?"
"Pero hindi pa rin namin magagawa ng maayos kung wala. Syempre ikaw leader namin."
Lagot, ako nga pala ang leader nila - ang kokompleto ng cheering namin. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Nakapanood ako ng NCAA cheerdance kahapon sa TV ng kapitbahay namin kaso hindi ko natapos dahil biglang namatay TV nila dahil nawalan ng kuryente.
Siguro magpapaturo nalang ako sa dating seniors namin na gumraduate na. Pagsasamahin ko nalang yung lumang steps namin last year. Naku, baka mahalata na recycle lang yung steps namin. Sumasakit na ulo ko.
"Galingan niyo mga girls, next month na ang Inter-School cheering competition." Napadaan si Mr. Sato, P.E teacher namin.
"Go Go Go! Fight!Fight!"
Magpaturo nalang siguro kami kay Sir Sato. Hmmm. Maganda kayang idea yun?
With high-hopes, ito ang unang araw ng cheerdance practice namin. Medyo huli na kami ng two months sa paghahanda kompara sa ibang mga skwelahan. Puspusan na ang pag-papractice nila. Napaka-importante ng scholarship sa amin. Malaking bagay ito.
Bakit nga ba nahuli ang pagpapractice namin? Ang sabi ni Sir Sato, nagdadalawang isip ang mga magulang kung susuportahan ba ang kanilang mga anak sa cheerdance. Wala kasing panggastos mostly ng mga magulang namin. Nag-aaral kami sa public school ng libre. Usually ang kinabubuhay lang dito ay pangingisda o pagsasaka sa bukirin. Swerte ka ng maituturing kung makapagtapos ka ng high school at college. Buti humanap ng paraan si Sir Sato para lapitan ang Governor dito para makahingi ng sponsor. Madaling napakiusapan ang Governor siguro dahil eleksyon na sa susunod na taon. Nagpapabango na siya ng pangalan niya. Utang na loob namin kay sir Sato ang oportunidad na ito.
Tumataas na ang sinag ng araw at hindi pa kami nakakalahati sa aming sayaw. Kaya't nagdesisyon ako na magpahinga muna kami saglit at mag water break. Kumakalam na pala ang aking sikmura.
"KANAAAMIIIIIIII!!!!"
Sumisigaw si Kate.
Sumaklolo ang aking mga kasama. Nakaligtaan ko na sumama pala pakiramdam ko kahapon pagkatapos kong lumabas at manood ng TV sa kapit bahay.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
Teen FictionHuwag magtiwala. Si Kanami ay isang simpleng dalagang nangangarap ng magandang buhay. Ngunit sa isang malagim na gabi, pinagnasaan siya ng kaniyang guro na si Mr. Sato. Ginahasa siya at muntik pang mapatay. Dahil nakatira sa probinsya, wala siyang m...