..akala ko di na tayo magkikita muli...Kenjie
Pero pano mo maalala ngayon ang lahat-lahat ng pinagsamahan natin?
Pano ko ipapaalala sa iyo?
Inantay ko siya sa aming bahay. Sabado. walang pasok. Sa susunod na linggo na ang Competition.
"Kanami!" He was running towards me. Excited ba siyang makita ako?
Nagbihis pa rin ako ng maganda. Kahit pa, pupuntahan lang niya ako sa bahay. Nagsuot ako ng dress na may floral designs. At nakasombrero ako na merong ribbon na nakapalibot.
"Oh K-ken?" Nasorpresa ulit ako. Ang gwapo-gwapo niya tingnan sa blue na polo niya, mukhang maaliwalas at bagay sa kaniya. This time, hindi siya naka-jacket, o nakatago ang mukha sa ilalim ng sombrero.
Normal siya ngayon. Magaan sa mata ang suot niyang damit, naka shorts siya. Napansin ko ang magandang hugis ng braso niya at mapuputing kamay, paa, pero magkasingtangkad lang kami. haha! okay na yun.
"San tayo pupunta Kanami?." Sa tingin ay nakalimutan na rin niya ang ibang lugar at daan sa amin.
"Kahit saan, basta kasama ka."
Teka, naririnig ko ba ang sarili ko? Mali yata ang ginamit kong salita. Too much excitement leads to startled speech and disorganized thoughts? Ang dapat na sasabihin ko ay ikaw, ikaw bahala.
Katahimikan sa loob ng sasakyan niya.
"Gusto kong mamangka, Gusto kong lakbayin ang dagat Kanami."
"Mahilig ka talaga sa dagat."
Binisita muna namin ang mga kamag-anak niya na naninirahan sa resort nila.At don ko palang nalaman, na meron pala silang sariling yacht. Don niya ako dinala.
"Akala ko ba mamangka tayo?" Sabi ko. Sa totoo lang, ay gusto kong subukan ang yacht.
"Oo, bakit ayaw mo?"
Hindi na ako nag pumilit pa. Inalalayan niya ako sa yacht. Sinimulan niyang paandarin ito. At naglayag kami.
"Gusto ko ang pagiging masayahin mo Kanami."
Kinukunan niya pala ako ng litrato. Mga stolen shots. Ang lalim ng mga titig niya sa akin, parang sasabog ang puso ko. Nalulunod ako.
Medyo nahiya ako sa kaniya. Medyo, kinilig rin ako.*Goosebumps*
"Ikaw rin dapat." I giggled. I snatched the SLR camera from his hand. At kinukunan ko siya ng litrato. *stolen shots*I teased him para makunan ko siya ng malinaw na litrato.
Napaka-photogenic niya. I wonder kung marami siyang mga naging girlfriend. Kinukulit ko siya. Pero hindi naman siya mukhang annoyed sa akin. Kaya nagpatuloy akong magpapansin. *Attention Seeker for awhile*
Ba't ang tipid ng mga ngiti niya? Ibang-iba nong mga bata pa kami. Napakasayahing bata nito ni ken, sa kaniya ko nga natutunan ang pagiging maingay ko eh.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
Roman pour AdolescentsHuwag magtiwala. Si Kanami ay isang simpleng dalagang nangangarap ng magandang buhay. Ngunit sa isang malagim na gabi, pinagnasaan siya ng kaniyang guro na si Mr. Sato. Ginahasa siya at muntik pang mapatay. Dahil nakatira sa probinsya, wala siyang m...