Chapter 7: The War has Begun (Part 1)

765 32 3
                                    

Tiana's POV

Pag-baba ko ng kotse ko, tinanggal ko agad ang shades ko at ngumiti ng nakakaloka.

Tapos na ang pagtitiis namin. Tapos na ang bwisit na pagpipigil.

GAGANTI NA KAMI SA TATLONG LAMANG LUPA!!! *insert evil laugh here, there and everywhere*

Taas noo akong naglakad papuntang building namin. Lahat ng mga estudyante napapatingin sakin. Napansin siguro nilang nag-iba ang aura ko ngayon. MAS NAGING MALDITA AT MATARAY.

Pag-dating ko, napansin ko namang may pinagkaka-guluhan yung mga estudyante.. At dahil may pagka-chismosa ako, tiningnan ko kung ano.

"Excuse... Scuse me." Ano ba. Hindi ko makita.. Ang tatangkad. Ano to?? Nilaklak yung growee? Leche.

"T-tama na!! Ayoko na! Tigilan m-mo na 'ko!" Dinig kong sabi ng lalaking umiiyak.

Tapos bigla naman akong nakarinig ng napaka-familiar na tawa.. Lalo akong na-curious kaya pinagtutulak ko na yung mga estudyante para makita ko.

Nakita ko naman ang isang nerd na lalaking nakaupo sa sahig habang umiiyak. Basa siya at may slurpee pa sa ulo.. May pasa din siya sa gilid ng labi niya. In short, bullied.

Tiningnan ko kung sino yung lalaking kaharap niya..

Alam niyo kung sino?? Walang iba kundi ang target ko sa araw na 'to, the one and only gagong-Matthew.

Tawa lang siya ng tawa habang umiiyak na yung nerd.

"HOY IKAW DEMONYO!!" Sigaw ko at nilapitan siya. "Hindi ka na naawa?! Ano bang ginawa sayo ng lalaking 'to at ginanyan mo siya??!"

Nginitian niya lang ako at nag-shrug.

"I didn't have any choice. He was being a pain in the ass kaya tinuruan ko ng leksyon." Cool niyang sabi. "Kamusta ka nga pala Tiana?" Lalapitan sana niya ako pero tinulak ko siya ng marahas papalayo. Medyo natawa lang siya.

Nilapitan ko yung nerd at in-offer yung kamay ko sa kanya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko at tiningnan lang yung kamay ko.

"Halika na nga. Wag kang umupo dyan, mukha kang kawawa." Sabi ko. Tinanggap niya naman at tinulungan ko siyang tumayo. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at binigay sa kanya.

"Oh. Ipunas mo yan sa ulo mo. Pumunta ka agad sa clinic para magamot yang pasa mo. Got it?"

Nanginginig yung kamay niya pero tinanggap niya yung tissue.

"T-thank you p-po Ms. Tiana..." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. I just smiled warmly at him at umalis na siya, leaving me and the gago alone. Pinagti-tingnan parin kami ng mga estudyante dito. Kelan ba mawawala yung mga echapwerang yan? Bwiset.

"Trying to be some kind of hero??" Then he lightly chuckled. "Di bagay sayo magpaka-bait." Sabi niya habang tumatawa. Hinarap ko siya at nagpamewang habang naka-taas yung kilay.

"Whatever jerk. May awa ako sa kanya kaya ganon. Pero sayo, wala. Kaya eto oh, early present para sayo, sweetheart." Tapos sinuntok ko siya ng malakas.

Napa-ooohhh naman yung mga estudyante.

Hinawakan niya yung dumudugo niyang labi at gulat na tumingin sakin.

"Ang sweet ko noh? Wait lang.. There's more." Tapos tinuhod ko yung tiyan niya kaya medyo napaluhod siya.

"Ow---shit." HAHAHA. Nakakatawa mukha niya. I'm reeeaaally enjoying this.

"Ganti ko lang naman yan sa mga kagaguhan na ginawa mo." Sabi ko. He glared at me, and the next thing I knew, tinulak niya ako sa pader. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko sa pader at nag-evil smirk sakin.

"Tapang mo ha. Don't worry, magiging sweet din ako." Tapos nilapit niya yung mukha niya.

Bago pa man siya maka-lapit, tinapakan ko na yung paa niya ng sobrang lakas. Take note: HIGH HEELS YAN. ;)

"F(censored)CK" Sigawniya tapos lumayo agad siya sakin. Tumatalon-talon siya habang hawak yung paa niya.

HAHAHA.

Napatawa nalang ako. He looks pathetic and hilarious. Mukhang tanga to be exact.

"ANO NANAMANG GULO 'TO??!" Nagulat kaming lahat nung lumabas na teacher.

"Ma'am, he bullied a student kanina. Pinag-tanggol ko lang po yung estudyante." Tapos tinuro ko si Matthew.

The teacher's eyes narrowed at me, at pabalik-balik yung tingin niya samin ni Matthew.

"Ikaw!" Sabay turo sa isang random na estudyanteng lalaki na nakita niya. Nagulat naman yung lalaki. "Totoo ba yung sinasabi niya?"

"O-opo ma'am." Sagot nung lalaki. Tiningnan naman ng teacher si Matthew ng masama.

"Mr. Pendleton....... OFFICE!! NOW!!"

Tapos umalis na yung terror teacher at naiwan si Matthew na tulala. Nilingon niya ako at pinatay sa tingin.

"Hahaha! Just to let you know jerk, tapos na ang pagtitiis namin ngayon at pwede na kaming lumaban sa inyo. Ang saya namaaannn... Unang move ko palang panalo na 'ko agad." Sabi ko at pinakita ang napaka-VICTORIOUS smirk ko sa kanya.

"Tch." Tapos lumapit siya sakin habang naka-simangot. "Tingin mo ganun-ganun nalang yun?" At lalo niyang nilapit yung mukha niya. Staring contest ata 'to. Parang may imaginary na kuryenteng dumadaloy sa mga mata namin sa sobrang pamatay ng tingin namin.

Lalong nag-ingay yung mga estudyante.

"Alam mo----" Naputol yung sasabihin ko kasi.... Kasi... Oh my God.
.
.
.
He kissed me.

Napa-tahimik bigla lahat, as in no one dared to move from shock.

THIS. DUDE. IS KISSING ME RIGHT NOW. IS THIS REAL?

He cut the kiss, at nung nakita niya yung gulat na mukha ko, he smirked. That smirk. Ang sarap punitin ng bibig niya. PIGILAN NIYO 'KO.

"Halik lang pala katapat mo eh. See? Napatahimik ka ng ganyan lang. Di mo parin ako matatalo kasi weak----"

*PAK*

Hindi ko na siya pinatapos kasi hinampas ko yung napaka-bigat kong bag sa mukha niya.

"Serves you right." I said as I smirked in satisfaction. "Pumunta ka nang office, hinahanap ka na ng best friend mong terror teacher."

Aalis na sana ako, pero tumigil din bigla. "Oh. I forgot something." Bumalik ako at kwinelyuhan siya at nilapit yung taenga niya sa bibig ko.

"I hope you die rotten, son of a bitch." Binitawan ko na siya at nginitian ng sobrang tamis na para bang wala akong sinabi sa kanya.

Umalis na ako at nag-hawi yung mga estudyante nung naglakad ako. Hindi ko na kinailangan mag-excuse me pa. O ha! TARAY!

Paakyat na ako ng hagdan nang marinig kong sumigaw siya sakin.

"DI PA TAYO TAPOS BABAE!!"

Hinarap ko ulit siya.

"Alam ko. Di ako tanga 'di tulad mo." With that, tuluyan na akong umakyat at pumunta sa room namin which is..room din ng gagong Matthew at ng mga kaibigan niyang walang modo.

So, round one.. Ako panalo.

Napangiti nalang ako. A very VICTORIOUS BITCH ASS one.

------------------------------------------

(A.N.)

Short update. .____.

Hi guuuyysss! So.. Pabitin muna ang peg ko ngayon. Hahaha! Next chapter na yung laban ng dalawa pang couples.

Thanks for reading! ;D

XOXO

Pure Badboys vs. Pure Matarays (REVISING)Where stories live. Discover now