Chapter 9: The War Has Begun (Part 3)

1.2K 53 36
                                    

Frances' POV

Nag-drive na ako ng mabilis papuntang parking area ng school. Nag-mamadali ako, kasi mala-late nanaman ako. Well, lagi naman akong late, pero kasi parang trip ko lang maging maaga ngayon. Ewan ko kung bakit.

Nag-park na ako, at binuksan na ang pintuan para bumaba. Saktong pag-baba ko, biglang sumabit yung heels ko sa basag na bricks sa sahig kaya nadapa ako.

*PAK*

"Aray! Shit!"

Pagtingin ko sa tuhod ko, medyo namumula at nagasgasan. Leche! Magpapa-derma nanaman ako!! Ugh.

"Lampa ka pala? Bagong discovery! Wahahahaha!!"

Guess who? Ang ever-so-GAY na si Clio the Kupal. Grabe ang ganda ng timing!! Nakita pa talaga ako na nadapa! Lechugas!

"At bakit ka naman nandito, HA?! Stalker?" Sabi ko habang tumatayo. Tsk. Ang sakit ng siko ko, pinang-tukod ko kasi.

"Aba! Stalker agad? 'Di ba pwedeng napadaan lang dito? Alam mo sinasabihan mo 'ko ng assumer pero in reality ikaw naman talaga yun." Then he chuckled.

"Damn you, jerk."

Tinawanan niya lang ako. May bigla naman sumulpot na babae, at biglang nag-link ng arms kay Kupal.

"Hi babe!" Sabi nung girl at hinalikan si Kupal sa lips. Etong si Kupal naman, nag-respond din. ABA'T DITO PA TALAGA SA HARAP KO?! DI NA NAHIYA?!

"OHMYGOD!! PWEDE BA?! WAG SA HARAP KO! UGH!"

Tiningnan lang ako ng babae, then she smiled at umalis na. Sarap sabunutan! Jusko!!

"Jealous?" Sabi niya habang naka-smirk.

"Hah! Jealous? Wala sa vocabulary ko yan, Kupal. Tingnan mo nga naman. Assumer ka talaga. Bakla na nga, assumer pa. Hahaha!!"

"Pwede ba?! Sinabing 'di nga ako bakla eh!!"

Oohhh... Na-pikon.

"Whatever. Tingnan mo, pikon ka pa pala. 3-in-1! Kumpleto sa kagaguhan!" At tinawanan ko pa siya ng napaka-lutong.

Naglakad na 'ko papalayo pero hinila niya yung braso ko papabalik sa kanya.

"Pwede ba? 'Wag mo 'kong hawakan! Let go of me!! Tsk!" Sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay niya sa braso ko.

"What did you just say?"

"SABI KO SHIT KA! ASSUMER!! BAKLA!! PIKON!! GAGO!!"

At kinagat ko yung kamay niya kaya napa-bitaw siya agad.

"OW! F-censored-K!!!!!" Sigaw niya at tumingin ng napaka-sama sakin. Nagka-bite marks na yung kamay niya at namula ng bonggang-bongga.

Tinulak niya ako pa-atras kaya napa-sandal ako sa hood ng kotse ko.

"I've had enough." Sabi niya at lalo pang umabante sakin kaya napa-higa ako sa hood ng car. Hawak-hawak niya rin yung mga kamay ko at naka-pin ito sa taas ng ulo ko. Ano 'to? Rape position? Ew.

"I've also had enough, you piece of shit. FYI lang Kupal, gaganti na 'ko sayo ngayon. Kaya better back-off."

"Back-off ka jan? Angas mo ah."

Sisipain ko na sana siya pero inapakan niya yung mag-kabilaang sapatos ko kaya di ko na magalaw buong katawan ko.

"TAE KA!! WAG MONG APAKAN SHOES KO!!"

DAMMIT. Maliban sa designer brand yan, limited edition pa!! AT INAPAKAN NIYA LANG?

"Gusto ko eh. Paki mo?" Sabi niya habang naka-smirk nanaman.

Sinubukan kong pumiglas pero ang lakas talaga niya. Hindi ko kaya.

"See? Wala ka parin laban sakin Frances. Wala. Weak ka parin." Then he chuckled again.

"I HATE YOUR GUTS!! I HATE YOUR FACE!! I HATE YOU!!" Sigaw ko sa kanya at inuntog yung ulo ko sa kanya.

"AAHH!" Dalawa kaming napa-sigaw kasi shit lang, masakit rin pala. Pero okay lang since binitawan na niya ako.

"HOY DITO KA LANG!!" Sigaw niya at hihilahin pa sana ako pero iniwasan ko siya at sinuntok siya sa mukha.

BULLSEYE!

Kinuha ko yung bote ko sa bag at pinukpok sa ulo niya.

"ANO BA?! Kahit kelan ang hilig mong manukpok ng ulo!! Nung kelan CD, tapos ngayon naman bote?!" Sabi niya habang naka-hawak sa ulo.

"TAMA LANG YAN PARA MAGING BOBO KA PA!!"

Pupukpukin ko pa sana siya pero biglang natanggal yung takip ng bote at nabuhos sa ulo niya yung lahat ng laman na tubig.

Natigilan kami saglit.

"HAHAHAHAHA!!! WAHAHAHA!! OH MY GOD HAHAHAHAHAHA HINDI KO NA KAYA."

Tawa lang ako ng tawa at nakahawak na ako sa tiyan ko habang tumatalon-talon.

FINALLY NAKAGANTI NARIN AKO SA PAGBUHOS NILA SAKIN NG PEPSI.

Medyo nahimasmasan na ako. Tiningnan ko siya, at nakatayo lang siya dun, poker face, at nakatingin sakin.

"Serves you right, jerk SLASH pervert SLASH kupal." Sinipa ko pa siya sa tiyan kaya napa-atras siya. Tinawanan ko lang siya ulit.

"Byyeeee~" Sabi ko at nag-wink pa talaga ako. Nag-lakad na ako papalayo. Nang medyo nakalayo na ako, may narinig akong mga babae na nagbubulongan sa gitna ng mga kotse.

"OMG andyan na siya!! He's like super handsome talaga. Halika na, lapitan natin dali!" Tapos tumakbo sila papunta kay Kupal.

"Uuhhm.. Uh. H-hi Clio!! Happy Birthday!! How are y- OMG WHAT HAPPENED TO YOU?!"

Teka. Ano daw? Happy Birthday? Birthday niya ngayon?

------------------------

A/N

HELOWLOWLOWLOW~

Tapos na yung tatlo!! Now, get your asses ready para sa next chapter dahil MAGAGANAP NA ANG TOTOONG WAR.

Pero, PERO!! May mga upcoming na suuuuper kilig moments kina Clio at Frances. Kaya abangan niyo nalang. ^O^

Please comment what you think of this chapter. I would highly appreciate it~ Vote narin and subscribe! :D

XOXO

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pure Badboys vs. Pure Matarays (REVISING)Where stories live. Discover now