Chapter 7 : Iwas Pa More

22 0 3
                                        


Zia's POV

Narinig nang dalawang tenga ko yun
Na FRIENDZONE AKO TEH grabe siya,
Hindi ako makamove on,

Weekends ngayon malamang wala kaming pasok,
Nakatambay sila Tin at Raine sa bahay namin alam kasi nila wala akong kasama kaya imbes na matengga sila sa bahay nila dito na nga lang samin,
Umaga pa lang andito na sila sinundo naman namin si Raine para makilala nadin namin ang parents niya at ipag paalam,
Nanunuod kami nang TV,

"bes okay ka lang??"

Sabi ni Tin habang hinawakan ang kamay ko,

"ang lalim nang iniisip mo Zia hindi namin mareach tulala ka lang dyan"

Sabi naman ni Raine,

Nag buntong hininga ako bago mag salita,

"hindi ko kasi makalimutan ung sinabi ni Andrei"

Sabay tungo ako,

"alin dun??"

Tanung ni Raine,

"FriendZone Right??"

Sabi ni Tin,
Kilalang kilala niya na talaga ako,

Hindi na ako nag salita at tumango na lang,
Hays ang hirap nang ganto,
Walang kami pero nasasaktan ako,
Nahihirapan ako first time kasi mangyare sa akin to,

"masakit diba bes?? Hindi kita masisisi baka nga triple pa yang nararamdaman mo ee"

Sabi ni Tin sabay hinihimas ang likod ko,

"First Time mo mag kacrush nuh?? Kaya ganyan okay lang yan Zia"

Sabi ni Raine sabay lapit sa amin sa may sahig na siya nakaupo,

"baka nga hindi na lang yan basta crush ee baka nga puso na yan ee"

Sabi ni Tin na naging dahilan nang pag tingin ko sa kanya,

Shocks?? Mahal ko na ba nga siya??
Hindi ko alam kasi wala talaga akong alam sa ganto ee,

"pano ba malalaman pag mahal mo na ang isang tao??"

Tanung ko sa kanila sabay ayos nang upo,

"alam mo kasi Zia, ang crush at Love nag kakaparehas na din yan ee hindi na sila nag kakalayo"

Paliwanag ni Raine,

"ang crush kasi bes pag hanga, parang humahanga ka kasi gwapo siya matalino malakas, ung nag kakabutterfly ka sa tyan makita mo lang siya solve na"

Paliwanag ni Tin,

"pero ang love hindi ka mapapakali pag nakikita mo siyang may kausap na iba, gusto mo lagi siya nakikita, nag aalala kana sa kanya, hindi sapat na makita mo lang gusto mo nakakausap muna siya, pag may nakita kang ibang babae nag papangiti sa kanya nadudurog na ung puso mo, may nasabi siya na masakit iiyak ka, at higit sa lahat nakikita mo na siya ang kasama mo sa Future"

Duktong ni Raine,

Ano na nga ba tong nararamdaman ko??
Crush ba ito o Love na??
Nasaktan ako nung sinabi niyang kaibigan niya lang ako bestfriend na babae, halos gumuho ang mundo ko nun,
So Love na nga ba ito??

"so bes Crush or Love??"

Pang iintriga ni Tin,

Hindi ko masagot,
Masyado naman atang mabilis kung mahal ko na siya,
Wala pang isang buwan,
Wala pa ngang 1 week ee,

Sa totoo lang ung nakita ko siya sa 1st day of school,
Unang kita ko pa lang ung tibok na nang puso ko sobrang bilis,

Hays ayoko na muna pag usapan si Andrei naloloka lang ako,

MY HIGHSCHOOL LOVEStories to obsess over. Discover now