ch 1

77 2 0
                                    

Chapter 1

Mahal na Araw.

“Marami na namang tao ngayon,” aniya sa sarili habang palihim na pinapanood ang isang grupo ng mga kabataan na umaakyat ng bundok. Taon-taon iyon nangyayari. Ang alam niya, may okasyon ang linggong iyon kung kaya maraming umaakyat sa bundok tulad ng Mt. Makiling kung saan siya naninirahan. Ayos lang naman iyon sa kanya. Kaya lang may ibang mga umaakyat na napakaiingay. Tila may mga kasiyahan pang nagaganap, naiistorbo tuloy ang kabundukan, kasama na siya. 'Yung iba naman, basta na lang iniiwan ang mga kalat. Sinong maglilinis ng mga iyon? Siya? Ang mga kasama niyang hayop? Kaya naman para malaman ng mga tao ang pagkakamaling nagawa ng mga ito, naisip niyang iligaw ang mga ito hanggang sa matuto na ang mga ito ng leksyon.

Saglit na huminto ang grupo at nagpahinga. May uminom ng tubig at may nagpunas ng pawis. nakita rin niya na may naglabas ng 'kung ano' at tiningnan ang bagay na iyon. Madalas niya iyong makita sa mga taong umaakyat ng bundok, halos lahat ata ay mayroon niyon.

“Wow o. Lakas ng signal,” narinig niyang sabi ng isang babae na kabilang sa may hawak ng ‘kung anong bagay’ na iyon. Saglit nitong kinalikot ang bagay na iyon at iniharap sa sarili. Dahil nakaupo ito sa bato na nasa ilalim ng sanga ng malaking punong kinauupuan niya, bahagya niyang nasilip ang mukha nito sa ‘bagay’ na iyon. Namangha pa ulit siya. Para pala iyong malinis na batis kung saan niya nakikita ang sariling repleksyon. Tuloy, parang gusto niyang magkaroon niyon.

May pinindot ang babae at mas namangha pa siya nang makitang nanatili sa ‘bagay’ na iyon ang repleksyon nito. Napangiti siya. Nakakalibang talagang panuorin ang mga tao. Ang daming mga bitbit na gamit samantlang aakyat lang naman ng bundok. Ang isa pang kinaaaliwan niya ay ang ibat-ibang hitsura ng mga ito. May nakikita kasi siyang halos pikit na ang mga mata, may napakatangos ng ilong, may maliit at kung anu-ano pa.

 Bagamat naaaliw niya ang sarili sa panunuod sa mga ito, hindi siya madalas manuod sa mga ito. Dumarami na kasi ang mga tao na may kakaibang abilidad na kaya siyang makita kapag hindi siya nag-ingat ng husto. Kaya naman mahabang panahon na rin ang lumipas mula niyang ipinakita ang sarili. At ginawa niya iyon sa isang bata na nakilala niya malapit sa paanan ng bundok.

 “Is it me or parang may nanunuod sa’tin?” narinig niyng tanong ng nakasalamin na lalaki sa mga kasamahan nito. Minasdan niya itong maigi, nagtataka kung may laman pa ba ito sa katawan.

“Oy, wala namang ganyanan,” sabi ng isa na pasimpleng umisod papalapit sa poging kasama nito.

“Sus, naniniwala kayo sa mga engkanto? Pwede ba it’s not true,” ani ng malaking lalaki na nangunguna sa grupo. Minasdan niya ito. Tila ang tigas ng katawan nito, parang nakalunok ng mga di kalakihang bato. At ang suot nitong pang-itaas, tila puputok na. Hapit na hapit. Sa tingin pa niya ay hindi proporsyon ang katawan nito. Maliit ang ulo, masyadong malaki ang dibdib at mga braso samantalang payat ang mga binti.

“Totoo kaya ang mga ‘yon. Yung lola ko na lumaki sa Davao, nakakita na ng white lady”, sabi ng maputing binata. May hitsura ito, matangkad at sabihin na nating ‘tama’ lang ang katawan.

“Well, hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Maybe it’s just the power of suggestion kaya akala natin nakikita natin pero wala naman talaga,” paliwanag ng hindi proporsyon ang katawan.

Patuloy ito sa pagpapaliwanag habang tumalon siya mula sa kinauupuang sanga na mga walong talampakan ang taas at banayad na iniapak ang mga paa sa lupa.

“Basta ako, hindi ako naniniwala sa mga engkanto, diwata, nuno, o kung ano mang tawag sa kanila.”

Hindi ka pala naniniwala ha. Tingan nating ang tapang mo.

Nang ma-inlove ang diwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon