Chapter 9 - You Will Be Proud of Me

1.2K 34 1
                                    


Paul POV...

Dude, wait kita sa Coffee Bean later after work ok. Lunch lang ako dito SM then ikot. See you dude. Basa ko sa text ni Mikhael at around 11:45am.

Mabuti naman at naisipang magtext nitong taong to. Kanina pa ko text ng text wala manlang reply. Pilit kong itinatago itong cp ko para lang makatext sa kanya tapos hindi manlang maka-effort ng konti.

Mikhael had been my dude since my first day here. Tandang tanda ko pa nung first time kaming magkita sa HR office, parehas pa kaming nagkakahiyaan. Tamang tingin at tango lang sa isa't-isa. Unti-unti ay tinatawag kami papasok sa isa pang room for an interview. Isa-isa din kaming nawawala, ang iba nakikita namin paglabas sa room ay dumederetso na sa labas ng office. Yung iba naman, hindi na nalabas. Marahil ay pumunta na sa second step ng hiring process, the series of exams. Maghapon kaming magkasunod nun sa pila at nagtawanan kaming dalawa ng matapos ang buong araw at kami ay parehas na-hire. We decided to eat sa labas ng office after nun at nagkwentuhan. Since then, hindi na kami halos mapaghiwalay, or at the very least, hindi na ko umalis pa sa tabi nya.

I had never been very sociable. Maging sa bahay namin sa Manila ay hindi din ako feel at home. Not that my parents hated me, I just don't want to be the person they want me to be. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya Henry. He finished law in Ateneo dahil yun ang pangarap ni mom para sa kanya. Frustrated lawyer daw kasi si mom kaya gusto nya sana ay magkaroon sya ng anak na abogado bilang pagtupad sa pangarap na hindi nya natupad. Hindi naman tumutol si kuya nun, natatandaan ko ngang sabi nya ay gusto din talaga daw nyang maging abogado para daw may magtatanggol sa amin. And because of that, kuya became very loved sa bahay.

My dad wanted me to become a doctor. Unlike my kuya Henry, hindi ako ganun pinalad para maging magaling sa kahit na anong bagay maliban sa online game. I am not poor in my studies nor excelling too much but I kept my grades on the average. Hilig ko lang talaga ang mga online games because there is the power to control your own game at your own will. After school ay deretso na kami ng mga classmates ko sa compter shop and laro na kami. Maigsi na ang two hours kapag kami ay naglalaro at ito ang madalas na dahilan kung bakit ako ginagabi ng uwi.

Kahit pinagsasabihan ako ni mom at dad ay pinipilit kong hindi maging bastos sa harapan nila. Hindi ako sumasagot at nagsasawalang kibo nalang ako dahil alam ko naman na kapakanan ko lang din naman ang iniisip nila.

Before graduation ay sigurado na ko na papasok ako sa isang IT college para mas mapagibayo ko pa ang nalalaman ko sa computer. I plan to design my own game ang maybe sell it to a gaming company para kumita ako ng pera. Or maybe, become a web developer for some company for their business. Kahit na anong work in the future basta tungkol sa computer dahil alam kong yun ang gusto ko.

It came as a surprise when my dad wanted me to become a doctor.

"Paul anak, gusto ko mag nurse ka. Then eventually, take medicine para maging doctor. Magandang kurso yun anak. Pagsusumikapan namin ng mom mo ang pag-aaral mo para makatapos ng medicine. Just please, promise us that you will do good on your studies anak", Ang malumanay na pakiusap ng dad ko sa akin.

Hindi ko magawang tumanggi sa alok ni dad. Never nagpabaya sa ming magkapatid ang mga parents namin at wala silang inisip kundi ang kung ano ang mas makakabuti sa amin. Kaya kahit mabigat sa kalooban ko ay sapilitan akong pumayag at nagenrol sa isang Medical school.

I swear that I did try my best in all my subject kaso hindi ko talaga forte itong pinasok ko. Hindi ako nawawalan ng failed or incomplete na subject every semester. Hiyang hiya ako kina mom at dad sa tinatakbo ng pag-aaral ko.

"Paul, ano ba itong grades mo? May bagsak ka nanaman. Anak, hindi mura ang tuition mo sa school na yan. Pahalagahan mo naman ang paghihirap namin ng mom mo?", ang matigas ngunit mahinang panenermon sakin ni dad nung isang beses na umuwi ako at ipinakita ang mga classcards ko sa kanila.

Bukas, Mamahalin Kita [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon