Chapter: 4 Heartbreaks and Another Rebound

1 0 1
                                    

Nagulat naman ako sa pag ring ng cellphone ko naudlot nanaman tuloy yung pag faflashback ko hahaha.

(Playing- Love life by He is we)

~Heart aches and mistakes how many hits can i good girl take? I'm tired of hurting slowly learning. . .~

Bimbim <3 calling. . .

"Hello bim?" Sagot ko sabay ngiti as if naman na makikita nya
"Bimbim ko! Imissyou!" Aww. Ang cute cute talaga ni bimbim ko
"Imissyoumore bim! San ka?" Tanong ko gusto ko na sya makita namimiss ko na din sya ng sobraa!
"Papunta sa inyo bim! Kasama ko bespren ko mahal okay lang?  Ikaw asa bahay kaba?" Tanong nya. Yieee. Punta sya dito!
"Opo. Andito kami ni bes! Magingat kayo bimbim! Iloveyou! Sabi ko naman.
"Okay po. See you bimbim! Iloveyoumorethanmost bye loves!" Sabay end ng call hays. Sarap talaga pag inlove no?

Naalala ko nung naghiwalay kami ni Vergara ang unang una kong naisip tawagan ay si Cj kase alam kong sya lang makakaintindi sa nararamdaman ko.

At eto ang pinaka maling decision na ginawa ko.

Tinawagan ko sya at sinabing mahal ko sya na hindi nagbago yung nararamdaman ko sa kanya.
At sa tingin ko napaniwala ko naman sya

April 21,2015 (3:45am)

Cj Delos Reyes calling. . .

Tagal naman sagutin nun.

"Hello?" Mejo inaantok pa yung boses nya.
"Hello Cj's! Hala tulog kana ba? Sorry ha?"
( Cj's Pronounce as Sieges )
"Tangeks! Okay lang ano ba yon ha?"
Kahit antok eh pilit nya parin ako kinakausap.
"Kantahan moko please. . ." Pumipiyok pa yung boses ko.
"Umiiyak kaba? Huy? Bakit?" Alalang tanong nya
"Hindi ako umiiyak, kantahan mo nalang ako ng kundiman sge na. Inaantok lang din ako haha" kahit alam kong alam nya na naiyak talaga ako.
"Okay sge sabi mo eh. Inaantok ka pang nalalaman jan eh naiyak ka naman hay nako." Alam kong kakantahan na nya sana ako. Kaso pinutol ko muna yun bago sya kumanta.
"Cj?" tawag ko sa kanya
"Hmmm?" Antok na sagot nya
"Alam mo bang mahal pa rin kita?" Sabi ko.
"Talaga ba? Totoo ba yan? Kase ako drea hindi nawala yung pagmamahal ko sayo." Sagot nya sobrang sarap sana pakinggan kung kay Vergara nanggaling
"Oo cj's kantahan mo nako please"
"Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan, andito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo." Kanta nya
"Bakit yan yung gusto mong kanta drea? Ang lungkot" hindi na ako sumagot nag pretend nalang akong tulog na.
"Ay tinulugan mo nanaman ako drea!! Goodnight mahal na mahal din kita!" I can't help but pity him. I really hate myself to hurt someone else while i'm hurting, he doesn't deserve me. But, what else can i do? He is the only one who can understand me. I'm sorry Cj's :( 

Mga isang bwan din yata kaming nagkamabutihan ni Cj nun kaso nakonsensya ako eh.

"Cj may sasabihin sana ako?" Patanong na sabi ko.
"Ano yun drea?" Naiiyak akoo.
"Mahal ko pa rin si John" sabay iyak sa phone
"Ah yun lang ba? Ano kaba okay lang yun! Atleast nga natulungan kita eh. Gusto mo kantahan kita?" Sobrang lungkot ng boses nya.
Hindi nako nakasagot kase kumanta na sya bigla
"Oh kay bilis naman mag sawa ng puso mo ganyan kaba talaga?  bigla nalang naglalaho para bang walang nangyari di mo man lang sinabi" pumiyok na yung boses nya
"Sana hindi nalang, pinilit pa wala ring patutunguhan kahit sabihin pang mahal kita, nalulungkot, nayayamot, hindi ko na yata kaya pang labanan ang damdamin ko." Halos di nya na matapos yung kanta kase umiiyak na sya. Tapos huling sinabi nya bago ibaba yung phone

"Rebound mo lang pala ako." Call ended.
Tangina ang sakit kase parang bestfriend ko na si Cj tapos ganun katarantaduhan ginawa ko.

Mga 2 months ata yun tinry kong tawagan si Cj kaso nagulat ako kase hindi sya ang sumagot babae na. May narealized kase ako eh

"Hi! Cj kamusta ka?" Masiglang tanong ko.

"Girlfriend to ni Cj bakit anong kailangan mo?" Mataray na sagot
"Wala nangangamusta lang sge. Thank you." Nanlulumong sagot ko.

Ang sakit sakit sakit pala.

August nabalitaan ko kay Mamuy na nag break daw si Cj at yung Mary Therese ata! Rese kase yung nickname eh. Natutuwa naman ako kase simula nung narealize kong si CJ lang pala yung taong anjan para sakin, yung taong totoong nagmahal sakin. So naglakas ako ng loob na ichat sya!

"Cj?" Seen√ 6:23pm
Hala ano ba yan! Bat nauso tong seen letche naman!
". . ." Tae typingggggg OMFG!!!
"Oy drea? Kamusta ka?"
"Okay lang ikaw ba?" Sagot ko naman
"Okay lang din. Oy namiss kita ah! "
"Namiss din kita Cj's!!" Eto na yata yung tamang timing omg!

Nagka mabutihan ulit kami mga 4months nung itatanong ko sana kung magiging kami na nagulat naman ako sa revelations na may gf pala sya habang nagkakamabutihan kami!
Pang 3 beses na hahahaha ang sakit bes. </3

"Cj? Asan ka?" Seen√ 4:35pm

"Cj sent a photo"

Bat may kutsilyo?
". . ."
"Nakikita mo to? Itatarak ko yan sa mukha mo pag di mo tinigilan yang bf ko. Ang landi mo rin eh no? Uhaw na uhaw? May pa ugh-ugh ka pang nalalaman. Hindi ka rin makati eh no? Tumigil kana bago ka mablock"
Lah?

Tinry kong intindihin lahat ng salita pero bawat salita parang winawasak yung puso ko so nireplyan ko.

"Ay sorry ate? Wala po akong balak landiin yang boyfriend mo, tsaka ate wala ka po bang tiwala sa mukha mo? At sa boyfriend mo? Sayong sayo na po yan" kahit sa loob ko habang tinatype ko bawat letra eh pabiga ng pabigat ang nararamdaman ko."

"May tiwala ako sa boyfriend ko, pero alam mo naman mas madaling makuha ng malandi diba? Hays"

"Sige po ate sayo na. Sayang po oras ko sayo :)"

Wrong timing nanaman bes HAHAHAHAHAHAHAHA ang sakit :'(

*reality*
Ano kayang magandang surprise para sa birthday ni Maedel?
Ah alam ko na magswimming nalang kaya kami? Nyek nyek ang korny pero okay din mas okay sana kung may surprise dun

Bili kaya akong black na balloon? Okaya black na kahit ano? Huahuahua hahahaha.

Will it be worth the wait? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon