Chapter 1:

31 12 1
                                    


Dianne POV:


Sabi nila, pagnagmahal ka, ay handa kang masaktan at magsakripisyo para sa taong mahal mo.

Kailangan, maipadama mo sa taong mahal mo na mahal na mahal mo talaga siya.

Yung bang ipaparamdam mo sakanya na hindi mo siya iiwan?

Yung tipong palagi ka lang nasa tabi niya at sinusuportahan siya sa anumang pangyayari?

Yung ganun?

Daling sabihin no? Kasi hindi pa ako nagmamahal.

Siguro mararamdaman ko lang ang mga bagay na 'yun kapag nakaranas na ako ng pagmamahal.

Yung mararamdaman mo 'yung saya habang kasama mo yung taong mahal mo o ang taong makakapagpasaya sa'yo.

Teka, iisa lang ba 'yun? Diba magkaiba yun?

Yung taong mahal mo at yung taong makakapagpasaya sa'yo?

diba? diba?

Hay naku, lumilipad na naman ata 'tong utak ko eh. Bakit ba kasi masyado ko pang iniisip yung sinabi

sakin ni Tita tungkol sa love?

Hayst! Nasisiraan na naman ako ng ulo nito.

"Ate Dianne, anong oras po mamaya yung uwi mo pagkatapos ng school?" biglang tanong sakin ng five

years old kong pinsan na si Mami. Yup Mami. 'Yan kasi ang gusto niyang itawag ko sakanya.

"Hmm. Mga 1:00 pm mami. Bakit? Ah. Siguro magpapaturo ka na namang tumugtog ng piano saakin mamaya no?,"

panghuhula ko sa naisip niya.

Bigla siyang nagpout.

"Woah! Ate Dianne naman eh! Paano niyo po nahulaan?"

"Hahaha. Halata naman kasi sa mukha mo eh. Tignan mo, parang pinipigilan mo na ako sa pagpasok ng school

ngayon. Hahahaha."

"Kyaaaah. You're so bad ate Dianne!" sabi niya at nagcross arms

.

Hahaha. Ang cute niya talagang magtampo.

By the way, I'm Dianne Steele. I'm 16 years old. At ito naman ang cute kong pinsan na si Ellica Steele a.k.a. Mami.Ako na ang nag-alaga sakanya simula nung baby pa siya dahil sumama ang mga magulang niya kina papa papuntang states para magtayo ng negosyo. My mom's gone. Nawala na siya since five years palang ako nang dahil sa breast cancer. Kaya lalo pang pinag igihan ni papa ang pagtatrabaho sa ibang bansa para sakin.Kami dalawa lang ni Mami ang naninirahan sa malaking bahay na'to with three maids at only one body guard para kay Mami. Malaki na kasi ako kaya hindi na ako nagdagdag pa ng mga katulong at body guard. Kaya ko naman kasing protektahan ang sarili ko.

"Bye Mami,." pagpapaalam ko sakanya bago sumakay ng kotse.

"Ate Dianne, magdala po kayo ng pasalubong mamaya ah?"

"Hahaha. Pasalubong? Mami, school lang naman ang pupuntahan ko eh hindi probinsya." pang-aasar ko sakanya.

"Wahh..Ate Dianne naman eh! You're so bad talaga!" sabi niya at nagpout ulit.

Hahahaha. Ang cute niya talagang magtampo!

"Fine. Pero ano ba yung gusto mong pasalubong mami?" tanong ko dahilan ng pagngiti niya ng malapad at tumingin sakin.

"I want mango." tipid niyang sagot. "Hmm.. Yun lang?"

Umiling iling siya. "No. I want mango, orange, watermelon, banana, strawberries and star apple."

All the timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon