Chapter 1

101 24 17
                                    

ANGEL'S POV

Well, as expected first day of school .

Nagp-prepare na ko para pumasok ng school. Actually hindi ko nga alam kung papasok ba ko o hindi. Like duh , hindi naman ako yung nerdy type na gustong gustong pumasok 'no . I'm just a typical girl na gustong humilata sa bahay kesa pasakitin yung ulo sa mga lesson na hindi ko naman actually maintindihan kasi tinutulugan ko lang.

"Mom, Dad, gotta go na. See you later byeee" , nagpaalam na ko sa mga magulang ko na busy sa ginagawa nilang paperworks.

"Okay sweetie , I love you" , Mom said without even looking at me. Busy lang talaga siya sa pagsulat at pagturn ng pages sa mga papers na hawak niya.

"Take care" , and yeah , that's my dad. Nakakatuwa talaga sila. Hmp.

Dumiretso na ko ng sasakyan at 'di ko nalang pinagpapansin yung nangyari. I know naman na yung mga ginagawa nila is para sakin din naman. But , I've been suffering this kind of approach since I was a kid. Actually nagawa ko na nga'ng mambully at magrebelde sa kanila noon pero wa epek besh. I thought na dapat na sa akin lang dapat ang attention nila since only child lang ako. Pero wala talaga , ligwak ganern tayo.

Kaya eto , I chose to be a happy gurl instead of stressing myself with their loveable act towards their precious daughter.

On the other hand , bago ko ikwento ang madramang talambuhay ng lola niyo , magpapakilala muna ako . I'm Angel Park , 16 years old and tama kayo , I'm korean , half korean actually. My dad is pure Korean and my mom is pure Filipina. At eto , nabuo ako. Charan *sarcastic laugh*

And as the time goes by , nakarating na ko sa school namin . DRAGON HEAD ACADEMY. Like ambaho talaga nung name ng school na 'to. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit ako napunta dito basta ang sabi lang ng mga magulang ko ay enrolled na ako eh. Nang wala man lang akong kamalay-malay. Yeah , sila ang nagdesisyon na mag-aral ako dito. Nabanggit ko na ba'ng kakatransfer ko lang dito? And as I said, transferee nga ako dito. And trinansfer nila ako dito kung kailan magm-moving up na ko. Yeah , Grade 10 student here.

So ayun , nang nasa gate na ako ay nilabas ko yung binigay nilang card na nagsilbing parang entrance card namin na is-swipe namin dito sa weird technology na 'to na parang nakikita ko sa mga LRT stations. What a weird device , inagawan pa ng trabaho ang mga guard na mukhang tulog pa ata.

"Good Morning kuyang guard" , I said as I enter the gate of school. I wandered around and I was amazed by the structure and surroundings. Hindi siya yung typical school na makikita mo sa mga normal school. Makikita mo talaga na prestigious ang isang 'to. Sabagay mahal nga naman ang school tuition fee kaya dapat lang na mag match ang fee at yung lugar na binabayaran namin.

Marami nang students ang naglalakad at siguro'y papunta na sa mga respective classroom nila. And here I am , hindi alam kung saan pupunta. Hindi kasi ako nakapunta nung orientation kaya wala talaga akong kamuwang-muwang kung saan pupunta.

And bigla ko nalang naalala. May ipinadala nga pala silang badge na ikakabit daw sa uniform namin . Mukha nga akong sundalong nakatanggap ng isang parangal sa badge na 'to eh.

Nang tinitigan ko yung badge , and tinitigan yung ibang estudyante , WAIT , AM I THE ONE WHOSE WEARING THIS BADGE ? LIKE WTF , NALILIGAW BA AKO? And as I look around , some students are looking at me and whispering.

"Oh my gosh , sa Platinum Section siya mag-give way kayo"

"Hey , hey , umalis kayo sa dadaanan ni ate gurl , baka malagot tayo"

"Is she a transferee? I did'nt saw her before"

And so on , so forth. Like duh , hindi ko pala matatawag na whisper ang mga ito. Rinig ko naman kasi eh. And as I heard , bakit parang natatakot ata sila. May nakita akong grupo ng mga estudyante na halata namang ako ang pinaguusapan . Lumapit ako sa kanila and they looked startled.

"W-what do you n-need ma'am" , napataas ang kilay ko nung tinawag akong ma'am ng babaeng 'to. I crossed my arms and look at them intently.

"I am a transferee here kaya hindi ko alam kung bakit niyo ako pinaguusapan kaya TELL ME! Anong meron at pinaguusapan niyo ako?" , and I raised my left eyebrow to them. They really looked scared as what I did to them. Sorry na , gusto ko kasi talagang malaman kung bakit. 'Di naman actualltly ako mataray , It's just that , I'm irritated.

"A-ahm , m-mukang hindi mo pa ata alam yung s-school protocol about sa inyo na mga nasa Platinum Section" , nauutal pa'ng sabi ni ate girl na naka braid ng dalawa ang buhok.

"Huh? Platinum Section? Hindi ko nga alam section ko tapos kayo alam niyo?" , totoo naman , ni hindi ko nga alam kung estudyante ako dito kasi ako lang ang may badge na ganito eh.

"Ah miss yung badge mo kase . Only those students na nasa Platinum Section ng 10th Grade ang required na magsuot ng Dragon badge. And rule ng school na 'to na those students na nasa Platinum Section should be respected by the other students na walang Dragon Badge . And applicable yun mapa-inside or outside , vacation or not , or even hindi niyo suot yung badge ay dapat pa rin kayong irespeto" , O_O . Okay?

"W-what nonsense is that?" , as I asked them , ako naman ang nauutal.

"I think you should go to your classroom na , I think your fellow classmate can fully discuss this to you , may we excused ma'am" , and dali-dali na rin silang umalis at pupunta na ata sa classroom nila. And shoot , I forgot to ask them where is the classroom of that ' Platinum Section ' na sinasabi nila.

Nang ilibot ko yung mga mata ko , nakatingin sakin yung mga estudyante at mukhang natatakot ata dahil sa nangyari kanina. Huhu , dapat pala friendly approach nalang ginawa ko para 'di sila natakot sa akin. At mukhang wala na silang balak kausapin pa ako.

"A-ahm , sa P-Platinum Section ka rin ba Miss?" , napatingin ako dun sa babaeng nagsalita. Meron siyang hawak na 3 libro na yakap niya at may glasses siya with matching super habang palda at may bangs na aabot sa kilay. Hanggang balikat ang haba ng buhok niya na nakalugay lang ngayon. A nerd, if I will describe her appearance.

"Kung pagbabasehan ko yung mga sinabi ng mga nakausap ko kanina , Yes. " napatingin ako sa uniform niya at may badge rin siya sa sleeves. "So as I can see , mukhang magkaklase tayo?" , tanong ko sa kanya at nag-nod lang sya.

"Alam ko kung saan yung room natin and I approached you kasi mukhang clueless ka pa about sa section at magiging room mo. So let's go?" , as she offer this opportunity , I smiled and sumama sa kanyang maglakad papunta sa isang malaking room. Actually hindi lang siya 'Malaking Room' . Sa tingin ko nga mas malaki pa 'to sa bahay namin. May structure din siya na katulad sa mga typical houses kasi may sarili itong entrance , isang medyo mahabang pasilyo and sa dulo non ang isang golden door. Yeah , golden door. Magkano kaya 'to kung isasanla ko 'to?

"Welcome to our room , Actually , It's not a room , It's our House. Platinum's House" , she smiled and open the door for us.

My mouth gaped as she open the door. IT IS REALLY NOT A ROOM. AND EVEN NOT A HOUSE. IT'S A MANSION , Y'ALL. IT'S A MANSION.

LIKE WHAT KIND OF SCHOOL DID I ENTER?




• END OF CHAPTER 1 •

YOOOOOOO! Sorry na agad sa mga errors and wrong grammars. Hindi naman ganon ka-pro ang otor para hindi magkamali kaya please forgive me na agad HAHAHAHAHHAHA

SO AYUN , STAY TUNED FOR THE UPDATES , HINDI KO MASASABING REGULAR AKONG MAKAKAPAGUPDATE SINCE ESTUDYANTE RIN PO AKO AT BUSY TALAGA. SALAMAT SA MGA SUMUSUPORTA , LOVE KAYO NI LORD , GODBLEESSSS <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Look Back Or You'll DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon