"Narinig niyo na ba ang balita?" tanong ng kaklase kong si Jenna habang ngumunguya ng Hotdog sandwich niya akala mo naman ang ganda-ganda niya habang ngumunguya nagmukha lang siyang seahorse tanga!
"Ang Alin ba?" balik tanong ng mga kaklase ko habang busy sa mga ginagawang props para sa school's festival.
"Na sina Regel at Janica na! Umamin kaya si Regel sa kanya sa harap ng maraming estudyante! Grabe talaga, kilig na kilig nga ako habang nag tatapat siya. Sino ba naman ang hindi matutuwa pag ang isang Regel Callix Jimenez na ang aamin sayo!" tumitiling saad ni Jenna. Right. Sino ba naming hindi magkakagusto sa Regel na yun? Bukod sa Gwapo na siya, Varsity Player at Mayaman eh, Makarisma pa? Napabuntong hininga nalang ako at agad na tumayo. Padabog kong nilagay sa bag ang mga gamit ko. Ha! Akala naman nila magtatagal ang dalawang yun! Sinasabi ko sainyo WALANG FOREVER! Ano naman ngayon kung sila na? ikanaganda ba niyoa iyon? Di naman ah? Ano naman ngayon Kung Inlove ako kay Regel? Nabubusog ba kayo dun? Masaket, Oo. Hell! Kahit Kontrabida ako nasasaktan din naman ako no! Tss. Nagulat yata sila sa ginawa ko kaya lahat sila napatingin sakin.
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Napaiwas agad sila ng tingin at bumalik sa mga ginagawa. Tong mga to akala mo naman kagandahan. Tss. Lalabas na sana ako sa classroom ng napatigil ako sa sinabi ni Jenna.
"Masaket ba? Ha? Athena? Gaano kasaket Ms. Antagonist? Alam mo kung bakit di ka magustuhan ni Regel? Dahil yun sa Ugali mo. Sige, Sabihin na nating Ikaw nga ang pinaka maganda sa Campus pero yung ganda mo natatabunan ng ugali mo. Kung gaano kaganda ang mukha mo, ganun din kapangit ang ugali mo. Walang wala ka kay Janica. Ang katulad mong Kontrabida ay Walang Karapatang maging Maligaya." Mahabang litany niya. Sa mga narinig ko biglang uminit ang ulo ko, kumukulo ito na parang anytime sasabog ako. Humakbang ako papalapit sakanya. Umtras siya ng isang bese pero nakapirmi parin ang mukha niyang nakakapang-insulto. Oh Dear, alam kong natatakot ka sakin. Now, Face my wrath. Nang naka abot na ako sa kanya, Isang malutong na sampal ang iginawad ko sakanya. Agad niyang hinawakan ang pisngi niya lahat ng taong nakasaksi ay nagulat sa ginawa ko. Antagonist man ako pero ni minsan wala akong pinagbuhatan ng kamay.
"Ganun ba Jenna? Salamat ha? Mabuti namang alam mong ako pinaka maganda dito. Di ako magugustuhan ni Regel? Dahil pangit ang ugali ko? Mabuti na nga lang at Ugali ang pangit sakin. Eh sayo? Pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugali. No wonder walang nagkakagusto sayo. Kung Inggit ka, edi mag paganda ka din pero mind you di mo malalamangan ang Kagandahan ko kaya tumahimik ka nalang. At sa susunod na sabihin mo pa yun, sinsasabi ko sayong di ka na makakapasok sa school kinabukasan." I said at dire-diretsong lumabas ng Classroom. Pagkalabas ko ay tumakbo na ako papuntang Parking Lot. Agad akong sumakay sa Kotse ko ngunit di ko pa man napapa-andar ang makina bigla ko nalang pinagsasapak ang manibela. Dahil sa sinabi ni Jenna bigla akong may na realized Porke ba Kontrabida eh, Wala ng Karapatang maging Maligaya? Ha! Damn You! Sinasabi ko sayo, Magkakaroon din ako ng Lovelife. At Tatawagin ko itong ANTAGONIST'S OWN FAIRYTALE. Ako Si ATHENA JANE LEE. At ito ang Istorya ko. Ang istorya ng isang Kontrabida na sinsabing walang karapatang Lumigaya.
BINABASA MO ANG
Antagonist's Own Fairytale
Teen FictionSa isang istorya, lagi nalang ang bida ang may happy ending. Paano naman sa mga Kontrabida? Deserve din ba nila ang tinatawag nating "And they lived happily ever after"? abangan ang ating bidang kontrabida sa ating istoryang pinamagatang ANTAGONIST'...